“LONG TIME NO see my friend”
Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay tinamaan siya sa sinabi ni Aivee na napapabayaan na niya ang sarili niya kaya pag alis na pag alis nito ay agad siyang nag asikaso para makapag yoga ngayong araw.
“Yeah, sobrang busy, kaya ngayon lang uli nakadalaw sayo” sagot niya habang inaayos ang dalang gamit.
“It’s okay ang importante hindi mo ako nakakalimutan” sabi nito na tila nagtatampo.
Natawa siya dahil sa reaksyon ng kanyang kaibigan. “By the way dumating na sila Sunshine and Sandy” sabi niya.
“Ow! Really? Dito na sila for good?” gulat na tanong nito.
Kahit na malapit siya kay Olivia ay hindi naman ito napalapit sa kambal, wala namang namamagitan sa mga ito dahil sadyang hindi lang naging malapit ang mga ito sa isa’t isa.
Tumango siya. “Yeah, for good na daw” nakangiting sagot niya.
Gusto pa din niyang gumawa ng paraan para maging malapit ang kanyang mga kaibigan lalo na’t sobrang importante ang mga ito sa kanya. Tatlo lang ang kanyang tunay na kaibigan kaya hanggat maari ay gusto niyang maging malapit din ang mga ito sa isa’t isa.
“That’s good, atleast tatlo na kaming takbuhan mo” nakangiting sabi nito.
Kahit na nakangiti ito alam niyang naiilang ito kapag pinag uusapan ang kambal at hindi niya alam ang dahilan ng pagkailang nito.
Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita. “So, how are you Oliv?” tanong niya dito na kasalukuyang nag aayos ng buhok.
“Well, busy pa din sa yoga business and planning to add a new branch” sagot nito.
“Wow! So happy for you friend, go for it” totoo ang tuwang nararamdaman niya para sa kaibigan.
“I’ll need to think it again alam mo naman na wala ding akong katulong mag manage ng business ngayon” sabi nito.
“I know, basta I’m happy for you” sagot niya habang nag aayos ng sapatos na sinusuot niya.
“So? Tapusin ko muna yung last session ko then start tayo ng session natin, alright?” nakangiting sabi nito.
“Sure, take your time” nakangiti ding sagot niya.
Iniwan na siya ni Olivia para balikan ang kliyente nito. Magpapalit na sana siya ng damit nang biglang tumunog ang selpon niya. Si Pierre.
“Hello Babes”
“What time should I pick you up Babes?”
“Around 7:00 PM Babes medyo matatagalan ako sa yoga kasi matagal akong wala sa session namin”
“Okay Babes, no worries, I’ll be there before 7:00PM”
“Okay Babes, thank you”
“Welcome Babes, I Love you and I really miss you” halata niya sa boses nito ang lungkot at kung anong sakit naman ang naramdaman niya sa kanyang puso.
“I love you Babes … ” sagot niya at parang nahihirapan siyang banggitin na namimiss niya na din ito. “…I miss you too”
Bago siya pumunta sa yoga class ay tinawagan niya si Pierre para sabihin na mag kita silang dalawa, mula sa yoga class niya ay susunduin siya nito at ito na din ang maghahatid sa kanya pauwi. Pumayag naman ang kanyang ama na ito na ang maghahatid sa kanya dahil ipinangako din nito na magiging maluwag na ito sa kanya.
“I DON’T KNOW what happen to you pero I just noticed na limited ang galaw mo today” sabi ni Olivia. Katatapos lang ng yoga session nila halos isang oras din iyon nagtagal at ngayon ay nakaupo na sila sa sahig kung saan sila nag yoga.
“Oh, yeah, I forgot to tell you na injured ako” sabi niya, unti unti niyang tinaas ang manggas ng kanang balikat niya.
“What happened to you girl?” nag aalalang tanong nito.
“Well, nakuha ko sa construction site, hindi ko napansin na meron pa lang debris sa tinatayuan ko hanggang sa mahulugan ako” pagsisinungaling niya, ayaw niya ng malaman ng kaibigan niya ang nangyari para hindi na ito mag alala sa kanya.
“But, I assume na okay ka na?” nag aalalang tanong nito.
Tumango tango siya. “Yes Oliv, don’t worry I’m okay” sagot niya. Totoo naman na maayos na siya, hindi na niya masyadong nararamdaman ng sakit ng balikat niya maliban nalang kung talagang nababangga iyon. “By the way Oliv, can I leave my things here for a while? Dadalawin ko lang si Nanay”
“Wait … ” natatarantang sabi nito. “…don’t tell me, tumatakas ka naman kay Tito?” tanong nito.
“No” natatawang sabi niya. “Hindi na mahigpit sa akin si Daddy, infact alam niya na magkikita kami ni Pierre after this” sabi niya.
“Oh, really?” pagsisigurado nito.
Hindi naman niya ito masisi dahil ilang beses na din naman talaga siyang tumakas sa tulong nito kahit na natatakot ito sa kanyang ama.
“Yeah, you can call Dad if you want” sabi niya. “Ayoko lang ng maraming bitbit papunta sa sementeryo”
“Okay fine, I believe you” sabi na lang nito.
“Sandali lang ako kay Nanay, babalik din agad ako dahil susunduin din ako ni Pierre mamaya”
“Okay no worries di naman kita pipigilan just make sure na babalik ka dahil ayokong hanapin ka sa akin ni Tito” taas kilay na sabi nito.
Ngumiti lang siya kay Olivia at tila nagkaintindihan na sila sa ngiting iyon.
SUMAKAY NG TAXI si Samantha papunta sa sementeryo, hindi na iyon bago sa kanya dahil dati niya pa iyon ginagawa sa tuwing tumatakas siya, lalo na yung huling beses siyang nagtaxi para takasan si Alex.
Bigla niyang naalala si Alex, hindi niya alam kung bakit nitong mga nakaraang araw ay naiisip niya lagi ito lalo na noong nasa Batangas sila, alam niyang mali dahil meron na siyang kasintahan pero hindi niya maiwasan ang hindi isipin si Alex. Ano ba ang meron dito at ano ba ang ginawa nito sa kanya para maapektuhan siya nito. Hindi niya alam ang sagot.
Bago pumasok sa sementeryo ay bumili muna siya ng bulaklak para sa kanyang ina. Ipinatong niya iyon sa puntod ng kanyang ina at umupo sa damuhan.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. “Nanay, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Feeling ko talaga may mali e, feeling ko may kulang, feeling ko meron akong hindi alam. Pero sa pagkakaalam ko naaalala ko naman ang lahat, sinabi naman sa akin ni Daddy ang lahat pero bakit feeling ko may mali pa din. I am so confused Nanay, I wish you were here” unti unti na siyang nagiging emosyonal pero nilalabanan niya iyon dahil ayaw niyang umiyak sa puntod ng kanyang ina, pero alam niyang hindi niya din iyon mapipigilan.
“Nanay, namimis ko yung dati, yung bonding nating dalawa sa tuwing wala si Daddy, kapag sabay tayong kumakain, sabay natin hinahanda ang dinner natin, sa tuwing lalabas tayo para mag mall, sa tuwing niyaya mo akong pumunta sa trabaho mo para hindi ako maiwang mag-isa sa bahay, yung mga surprise mo sa akin tuwing birthday ko. Lahat yon namimiss ko na Nanay, sobrang namimiss na kita” hindi na nga niya napigilan ang pag-iyak dahil matagal ng naipon ang emosyon sa puso niya at tanging sa ina niya lang iyon napapakita.
“Hindi ko alam Nanay kung bakit gulong gulo ako, hindi ko alam kung bakit parang hindi ko maintindihan ang paligid ko. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mga panaginip ko, kung paano mo ako nakikita, kung paano mo ako nakakausap, hindi ko alam kung ano ang mensaheng gusto mong sabihihin sa akin Nanay, dahil hindi ko talaga maintindihan. Madalas kitang napapanaginipan pero mga ilang araw lang hindi ko na agad maalala kung ano ang napanaginipan ko” naramdaman niya ang pagsakit ng ulo niya dahil sa pag iyak.
“Pwede na ba akong sumunod sayo Nanay, pwede mo na ba akong sunduin?” naiiyak na sabi niya. “Alam mo kung ano ang kinatatakutan ko diba Nay, ang mag-isa, ang maramdaman na hindi ako kailangan, ang maramdaman na hindi ako mahal ng taong nasa paligid ko” lalong napalakas ang pag iyak niya dahil sa lungkot na nararamdaman niya. “Nanay, ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon, na mag-isa lang ako, na hindi ako kailangan ni Daddy, na hindi niya ako mahal” huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Totoo kaya ang sinabi ni Rebecca, na walang nagmamahal sa akin, na ikaw lang ang totoong nagmamahal sa akin.
“Pero naisip ko Nay, I have Pierre, nararamdaman ko ang pagmamahal sa akin ni Pierre, what if umalis na lang ako at sumama kay Pierre? Hindi ko na ba mararamdaman na nag-iisa ako? Pero paano kung tanggihan din ako ni Pierre? Kakayanin ko pa ba yun Nay? Si Pierre na lang ang meron ako Nay, si Pierre na lang ang totoong nagmamahal sa akin, pero bakit natatakot ako na baka i-reject niya din ako, pero bakit nag-iba ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa sinabi ni Rebecca? kahit na alam kong sinisiraan lang din siya ni Rebecca” napatigil siya sa pagsasalita ng maramdaman ang mahihinang patak ng ulan pero hindi niya iyon ininda.
“Hindi ko alam ang kailangan ko Nay, hindi ko alam kung sino ang kailangan ko ngayon, hindi ko alam kung sino ang pwede kong pagsabihan ng nararamdaman ko, hindi ko alam kung sino ang makikinig sa akin” ang kaninang ambon lang ay naging malakas na ulan. Hindi pa din niya ininda ang lakas ng ulan dahil ngayo na lang ulo siya nakapaglabas ng nararamdaman niya at para sa kanya ang ina lang niya ang makakaintindi sa nararamdaman niya.
“Nay, sunduin mo na ako” sabi niya habang umiiyak pa din.
Ilang minuto pa siyang nagtagal sa puntod, hindi niya alintana ang lakas ng ulan at kahit basang basa na siya ay hindi niya iyon pinapansin. Kasabay ng malakas ng ulan ay ang pagsabay ng malakas na iyak niya na ngayon niya na lang nailabas.
Nang medyo gumaan na ang pakiramdam niya ay unti unti na din ang pagtigil ng kanyang pag iyak at ngayon lang niya napansin na parang wala ng pumpatak na ulan sa kanya kahit na malakas pa din ang ulan. Napatinngala siya, may nakita payong sa kanyang uluhan. Nilingon niya ang may hawak ng payong at dahil sa luha at patak ng ulan kanina ay hindi niya maaninag ng maayos ang mukha nito, pinunasan niya ng ilang beses ang kanyang mata para makita niya ng maayos ang mukha nito. Paglingon niya uli dito ay tsaka niya lang ito nakilala.
Si Alex.
“What are you doing here?” gulat na tanong niya.
“Let’s go Sam, sobrang basa ka na baka magkasakit ka pa” sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
“No, I want to stay to Nanay” sabi niya. Muli niyang ibinaling ang kanyang paningin sa puntod ng kanyang ina.
“Magkakasakit ka Sam, please”
“Then, its better because I want to be with Nanay na” nakangising sabi niya.
“SAM!!” pasigaw na tinawag nito na ikinagulat niya at sa hindi niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng takot dahil sa tono ng boses nito.
“No! Don’t go near me…” natatakot na sabi niya. “…please don’t hurt me” pagmamakaawa niya.
“Sam, what are you saying” umupo si Alex para harapin siya at hinawakan siya sa braso na mas lalong kinatakot niya.
“No, please don’t hurt me” sabi niya. Dahil sa takot na nararamdaman niya ay tumakbo siya palayo kay Alex.
“Sam!”
Takbo. Takbo. Takbo.
Napakunot noo siya dahil pakiramdam niya ay nangyari na ito dati, bakit pakiramdam niya ay nasa loob na naman siya ng panaginip niya. Pero… totoo to... Nararamdaman niya ang ulan, nararamdaman niya ang sakit. Nakakaramdam siya ng totoong takot.
Hanggang sa may humawak sa braso niya—
“Sam, ano ba nangyayari sayo?”
“Alex, hindi ba to panaginip?” nagtatakang tanong niya.
“What?” napansin niya ang pag-aalala sa mga mata ni Alex at dahil doon ay nahimasmasan siya.
Nasa sementeryo siya, dinalaw niya ang kanyang ina, nagkwento siya sa ina niya ng tungkol sa buong nararamdaman niya. Pero hindi niya alam kung bakit nag iba ang emosyon niya, hindi niya alam kung bakit tinakbuhan niya si Alex. Hindi niya alam—
“Sorry, ang dami ko lang iniisip pero pwede bang umalis na ako, magkikita pa kami ni Pierre” sabi niya.
Tama, magkakikita pa kami ni Pierre.
Alam niyang hindi siya nagkakamali dahil nakapag-usap na sila ni Pierre.
“But your not okay Sam” hawak pa din siya nito sa braso at dalawa na silang basang basa dahil sa ulan. Nang mapalingon siya sa puntod ng kanyang ina ay nakita niya ang payong na hawak nito.
“I’m okay Alex, please, I need to go” sabi niya.
“Okay, but…” napansin niya ang pagtatangis ng panga nito. “…please come back home” mahinang sabi nito.
Hindi na sana siya sasagot pero naramdaman niya na hindi pa siya nito binibitawan sa pagkakawak sa kanya.
“O..o.kay” nauutal na sagot niya.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya dahil sa pag aalalang pinapakita ni Alex sa kanya.
Unti unti na siyang binibitawan ni Alex, pero nakita niya ang pag aalinlangan sa mga mata nito. Nang tuluyan na siyang bitawan ni Alex ay agad din siyang umalis ng hindi na nagpaalam dito.