"HOW ARE YOU Bro?" "Sobrang busy these past few days" Kasalukuyang nasa bar si Alex na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Spencer. Ngayon na lang uli siya nakarating sa bar ng kanyang kaibigan dahil sa dami ng kanyang ginagawa. "Kaya ngayon ka na lang nakadalaw dito" tanong nito habang naglalagay ng alak sa baso nilang dalawa. May katabi din silang babae na ipinakilala ni Spencer sa kanya, hindi man siya interesado ay hindi niya naman iyon pinapaalis. "Marami akong kailagan alamin" sabi niya sabay lagok sa kanyang alak. "About that girl?" tanong nito. "Yeah" "So hanggang ngayon ba wala ka pa ding nakukuhang impormasyon tungkol sa babaeng iyon?" tanong nito. Nabanggit niya dito ang tungkol kay Samantha kaya alam nito na iniimbestigahan niya ang dalaga dahil sa pagpapanggap nito

