HABANG NASA ELEVATOR ay pinaliwanag na ni Pierre ang tungkol sa party na tinutukoy nito. Kaarawan ng nagpasimuno ng Business Summit Events ngayon at para isahang selebrasyon na lang ay sinabay na nito ang Business Summit Events sa kaarawan nito. Ang Business Summit Events ay ginanap sa baba ng hotel at sa rooftop naman gaganapin ang kaarawan. Masquerade ang motif ng kaarawan kaya mamimigay sila ng ibat't ibang uri ng maskara bago makapasok. Nagandahan siya sa maskarang ibinigay sa kanya, kulay pula na akma sa suot niyang pulang gown, medyo malaki ang maskara na binigay sa kanya, natatakpan ang buo niyang noo, at may mga batong nakadikit sa parteng ilong nito, may malaking kulay asul na bato sa gitna noon, at mayroon kunting balahibo sa paligid ng maskara. Si Pierre ang nag ayos ng maskar

