ISAN LINGGO NA ang nakakalipas mula nang umalis si Pierre. Nagkakausap naman sila paminsan minsan pero hindi pa din siya nito mabigyan ng araw kung kailan ito uuwi. Bukas na ang pagtitipon na pupuntahan nila pero hindi niya alam kung matutuloy pa iyon, nakapagpagawa na din siya ng kanyang susuotin. “Hi Ma’am Samantha, coffee for you” bati ni Aivee sa kanya pagbukas ng pinto ng opisina niya. Kahit sabado ngayon ay pumasok ito dahil hinahabol ang dalawang araw na wala ito. “Thanks Aivee! Until what time ka today?” nakangiting tanong niya. “Maybe until 5 Ma’am, but not sure depende din kung matatapos ko agad lahat ng dapat gawin” sagot nito. Umupo ito sa upuan sa harapan ng lamesa niya. “How about you Ma’am?” tanong din nito. “Not sure din, wala akong magawa sa bahay kaya pumasok na lan

