NAGISING SI SAMANTHA sa isang pamilyar na lugar at pamilyar na pangyayari, ang paulit ulit na panaginip niya, ang huling araw na nakasama niya ang kanyang ina.
“Nanay, saan tayo pupunta?”
Dahil kilala niya na ang mga ito at alam na ang mangyayari ay salitan niya na lang tinitingnan kung sino na ang nagsasalita.
“Mamasyal tayo Baby, pupunta tayo sa Enchanted Kingdom.”
“Hindi kasama si daddy?”
“Susunod na lang siya”
“Talaga? Susunod siya”
“Yes baby, kaya sumakay ka na sa kotse.”
Alam ni Samantha na sa oras na paandarin ng kanyang ina ang sasakyan ay magigising uli siya na kasama na siya sa sasakyan na iyon.
TULAD NG INAASAHAN ay nagising siya na nasa loob na ng sasakyan kung saan nagmamaneho ang kanyang ina. Tumingin din sa kanyang likuran at nakita niya ang batang Samantha at ang isang bata na hindi niya kilala.
“Nanay, ano nangyayari sa sasakyan natin, bakit may usok?”
“Wait lang baby, baba muna kayo.”
Dahil alam niya na ang mangyayari ay nauna na siyang lumabas sa sasakyan.
“Nanay, wag ka na pong pumunta diyan!”
Gustong niyang pigilan ang kanyang ina sa pagpunta sa sasakyan pero hindi siya makakilos, pakiramdam niya ay may nakahawak sa buong katawan niya kaya hindi siya makakilos.
“Nanay!!!!”
“Nanay!!”
“NANAY!” NAGISING SI Samantha na parang pagod na pagod.
“Sam, are you okay?” bungad na tanong ng kanyang ama.
“It happened again Dad?” tanong niya.
Napalingon siya sa paligid niya at alam niya na nasa kwarto na siya, nasa paligid din si Loisa, Alex, at isang doktor, ang kanilang family doctor.
Tumango ang kanyang ama at kitang-kita sa mata nito ang pag-aalala.
“Ano nangyari Samantha bago sumakit ang ulo mo?” tanong ni Dr. Ramirez.
“I don’t know” umiiling na sagot niya na pilit inaalala kung ano ang dahilan ng pagsakit ng ulo niya. “Ang alam ko lang nagpapahinga ako sa sasakyan, napatingin ako sa labas para makapag-relax until I feel na there’s something wrong with my head. I tried to relax but the more I calm myself the more my head getting hurt” sagot niya na parang naiiiyak na.
“Shh! It’s okay hija..” pag-aalo ng kanyang ama, lumapit ito sa kanya at niyakap siya.
“Dad, bakit lagi kong napapanaginipan yun?” tanong niya habang nakayakap sa kanyang ama.
Hindi sinasadyang napatingin siya kay Alex na nakatayo na halos katapat niya, napansin niya na iba ang tingin nito sa kanya na tila may galit ngunit hindi niya alam kung galit nga ba talaga iyon.
“Samantha, it’s normal, kasi iyon ang trauma sa iyo” si Dr. Ramirez na ang sumagot. “Magpahinga ka na muna, sa Saturday may check up ka uli sa akin” pagtatapos nito.
HINATID NI DON Tonny ang doktor hanggang sa pintuan ng kanilang mansyon at nakasunod sa likod si Alex.
“Is she okay?” tanong ni Don Tonny sa doktor.
“Yes Don Tonny, I think meron siyang nakita or narinig na related sa past niya, let me check her on Saturday” sagot ng doktor.
Nakita niya ang pagtango ni Don Tonny. “Thank yoy sa biglaang pagpunta” sabi nito.
“It’s okay Don Tonny, anything for Samantha, she’s very important to me” nakangiti man ito pero kita ang lungkot sa mga mata nito. Nagpaalam na ito sa kanilang dalawa.
Nagulat si Alex ng bigla siyang lingunin ni Don Tonny.
“Alex, we need to talk” sabi nito at agad na naglakad.
Sa Study Room ni Don Tonny sila nag-usap, napag-usapan kung paano inatake si Samantha, kung may napansin siya bago iyon nangyari, at kung nasaan sila ng mangyari iyon. Lahat naman ng tanong nito ay sinagot niya ng maayos. Nabanggit din niya ang tungkol sa nangyari sa restaurant.
“I’ll the investigation alone Don Tonny” sabi niya.
“May napagsabihan na ba sa opisina?” tanong nito.
“Wala pa, I suggested to her na sa amin muna ang nangyari but I’m not sure kung nasabihan na niya ang boyfriend niya” sagot niya.
Nakita niya ang pagbuntong hininga ni Don Tonny. “That Pierre, I don’t trust him”mahinang sabi nito.
Hindi na siya sumagot dahil hindi din niya alam ang sasabihin niya. Hindi niya kilala si Pierre at sa dalaga lang ang atensyon niya ngayon.
Nang matapos silang mag-usap ay dumeretso na si Alex sa kanyang silid, halos ilang oras niyang sinubukan matulog pero hindi niya magawa, kumuha pa siya ng alak para lang dalawin ng antok pero hindi pa din siya dinadalaw ng antok kaya naisipan niya na lang lumabas ng mansyon.
NAGISING SI SAMANTHA dahil sa init na nararamdaman niya, tumingin siya sa orasan, alas dos pa lang ng madaling araw. Kanina pag gising niya mula sa atake ng sakit ng ulo niya ay pinagpahinga na lang siya ng kanyang ama at ng doktor niya. Tumayo siya at pumunta sa banyo para maghilamos, pakiramdam niya ay nanlalagkit siya dahil sa pawis, nagpalit din siya ng damit, pinatay niya ang ilaw ng banyo at babalik na sa kanyang higaan para ipagpatuloy ang kanyang tulog. Palabas na sana siya ng banyo nang may mapansin na parang may taong nakatayo sa bintana ng kanyang banyo.
Shit!
Kinakabahan man ay lakas loob siyang humarap muli sa loob ng banyo para makita kung sino man ang taong iyon, hindi na niya binuksan muli ang ilaw. Dahan-dahan siyang lumalapit para hindi marinig ang pagbalik niya at bawat hakbang niya ay lalong bumibilis ang t***k ng puso niya. Nang nasa gitna na siya ng banyo ay biglang niyang naisip na wala siyang plano kung ano ang gagawin niya kapag nakalapit na siya sa bintana. Tumingin siya sa paligid, naghahanap ng pwede niyang hawakan o gawing sandata laban sa kung sino man ang taong iyon ngunit wala siyang makita, walang anuman na pwede niyang gawin sandata. Kinuha na lamang niya ang isa sa mga panlinis ng banyo dahil wala na talaga siyang pwedeng makuha. Laking gulat niya nang paglingon niya ay wala na ang taong nasa bintana. Agad siyang tumakbo palabas ng banyo, tiningnan niya ang mga bintana sa kwarto niya baka sakaling lumipat ito doon, ngunit wala, wala siyang nakita. Hinawi niya ng bahagya ang kurtina ng isang bintana kung saan kita din ang bintana ng banyo niya. Wala siyang makitang hagdan, nasa pangalawang palapag ng mansyon ang kwarto niya ngunit paanong nawala lang ng ganoon ang taong iyon. Inikot-ikot niya ang kanyang mata sa paligid, sa labas ng mansyon baka sakaling may mapansing tao na naglalakad o tumatakbo, pero wala siyang makita. Ilang minuto pa siyang tumingin-tingin pero wala talaga. Nang akmang isasara niya na ang kanyang kurtina ay siyang nahagip ng kanyang mata ang isang lalake na naglalakad palabas sa tarangkahi na tila nagmamadali.
Si Alex.
“GOOD MORNING SAMANTHA”
“Good morning Dad” balik bati niya sa kanyang ama na naabutan niyang nag-aagahan.
Napansin niya din si Loisa na nasa gilid pero hindi niya iyon tiningnan o binati man lang. Umupo na agad sa kaliwang bahagi ng kanyang ama.
“How are you? Bakit ganyan ang itsura mo?” nag-aalalang tanong ng kanyang ama ng makita nito ang itsura niya.
Marahil ay napansin ng kanyang ama na iba ang kanyang boses kaya napatingin ito sa kanya.
“Good morning Don Tonny, andito na po siya”
Sasagot na sana siya sa tanong ng kanyang ama ng bigla niyang marinig ang isang pamilyar na boses. Napalingon siya sa dereksyon ni Alex at nagulat siya ng makita niya ang isang lalaki na kasama ni Alex.
“Mang Benny!!??” sabi niya na halatang nasabik sa pagbabalik ng kanyang driver. Hindi na niya nasungitan pa si Alex dahil sa galak na muling makita si Manong Benny.
“Good morning Don Tonny” bati ni Mang Benny at yumuko ito tanda ng pag-galang sa kanyang ama. Binalingan din siya nito ng tingin at ngumiti sa kanya bago siya binati. “Good morning Princess!” bati nito sa kanya.
Princess ang tawag nito sa kanya dahil anak na din ang turing nito sa dalaga. Napayakap siya kay Mang Benny. “Buti bumalik na kayo Mang Benny, hindi na kailangan pang kung saan saan dadaan makarating lang sa opisina” sabi niya at tumingin ng masama kay Alex.
“Hintayin niyo na muna kami sa study room” biglang sabat ng kanyang ama.
Nakakunot noo siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Mang Benny. Nakita niyang binalingan ng kanyang ama si Loisa. “Pakitawag ang mga kasama mo at pumunta na din kayo sa study room” utos nito.
Nang balingan niya din si Loisa ay hindi niya nakita ang pagtataka sa mukha nito at agad na sumunod sa kanyang ama.
“Anong meron Dad?” tanong niya.
“We’ll talk it sa study room, base on your outfit, your not going to work” hindi siya nilingon ng kanyang ama nang sumagot ito at hindi din derektang sinagot ang tanong niya.
“No, masakit pa din ang ulo ko” ang nasabi na lang niya.
“How are you feeling?” tanong nito na hindi pa din siya nililingon at naka-pokus lang sa pagkain. Sasagot na sana siya nang makita niya na palabas na ng kusina sila Loisa kasama ng iba pang kasamahan nito na hindi na niya maalala ang pangalan.
“I’m better than yesterday pero masakit pa din ang ulo ko” sagot niya sa kanyang ama nang makalagpas na sila Loisa.
“You have an appointment on Saturday with your Doctor” sabi ni kanyang ama. Tumango tango lang siya bilang pagsagot.
MATAPOS NGA NILANG mag-agahan ay dumeretso na agad sila sa Study Room, hindi man lang siya nakapagpalit ng damit, nakasuot pa din siya ng pantulog. Umayos naman ng upo ang mga nasa loob ng pumasok sila. Sa sofa nakaupo sila Loisa at nasa dalawang upuan naman na kaharap ng lamesa ng kanyang ama nakaupo si Alex at si Mang Benny. Tumayo si Mang Benny at inalok siyang umupo kaya magkatapat sila ni Alex. Naramdaman niya na nasa likod niya si Manong Benny.
Hindi man niya nakita pero narinig niya ang pagbuntong hininga ng kanyang ama bago ito nagsalita. “I know, you knew why we are here..” inilibot nito ang kanyang mga mata. “..marami na akong nare-receive na death threat and I believe na hindi lang yun ganon karami because my bodyguard filtered it already bago ibigay sa akin” binuksan nito ang kanyang maliit na cabinet na nasa gilid ng kanyang lamesa, kinuha ang isang maliit na kahon. “binibigay na lang sa akin ni Jaime kung ano yung sa tingin niya na kailangan kung pagtuunan ng pansin” pagpapatuloy nito sabay abot ng kahon kay Alex na pinagtatakahan niya dahil hindi sa kanya inabot.
“Where did it came Dad?” pagtatakang tanong niya sa kanyang ama. Sa pagkakatanda niya ay wala naman kaalitan ang ama niya. May mga maliliit na negosyo sila pero sa tingin niya ay hindi naman iyon ang magiging dahilan para sa death threat.
“We are still investigating hija..” sagot ng kanyang ama. “I think it’s a business matter. Lalo na yung construction business natin” pagpapatuloy nito.
Bigla niyang naalala na meron nga palang construction business ang kanyang pamilya na kahit kailan ay hindi pinahawakan sa kanya sa hindi niya malamang dahilan o dahil wala itong tiwala sa kanya na kakayanin niya iyon. Hindi man sila ang pinakasikat na construction company dito sa Pilipinas pero kilala pa din ang pangalan ng negosyo nila.
“And the reason why you are here, I want you to be observant on your environment. As of now hindi na biro ang nangyayari, even in the restaurant where Samantha is working. May nakita silang tao na nasa loob ng opisina..” Napakunot noo siya dahil inunahan pa siya ni Alex na sabihin ang tungkol doon pero hinayaan niya na lang iyon. “kaya pinabalik ko si Benny, because I want Alex to be with you always” sabi ng kanyang ama na seryosong nakatingin sa kanya.
“What if si Mang Benny na lang bodyguard ko?” suhesyon niya sa kanyang ama. “Mas matagal ko naman ng kasama si Mang Benny, mas kakilala na namin ang isa’t isa” pagtatapos nito.
Nilingon niya si Mang Benny para sana kunin ang kahon na galing sa kanyang ama. Halos lahat ng nasa Study Room ay nakita na ang laman ng kahon. Nagsimula kay Alex papunta kay Loisa at sa iba pa na nasa sofa hanggang sa makarating kay Mang Benny. Akmang kukunin na nito ang kahon nang maunahan siya ng kanyang ama.
“No hija, matanda na si Mang Benny para protektahan ka” sabi ng kanyang ama.
Tumingin siya sa kahon na hawak ng kanyang ama. “I don’t want you to see this” sabi nito ng mapansin siyang nakatingin sa kahon. Muling ibinalik ng kanyang ama ang maliit na kahon sa kabinet na pinagkuhaan niya at kinandato ito.
“Why?” pagtatakang tanong niya.
Nakita niya ang pag-aalala at pag-aalinlangan sa mukha ng kanyang ama. Tumingin ito sa paligid at inisa isa ang bawat taong nasa loob ng Study Room na tila humihingi ng pahintulit kung sasagutin ang tanong niya. “You are the target” malungkot na sagot nito nang muling bumalik ang tingin nito sa kanya.
Bumuntong hininga naman siya ngunit hindi na siya nagulat. “I think..” nakakunot-noong pasimula niya. “..expected na yun Dad, dalawa lang tayo sa pamilya na’to” sagot niya sa kanyang ama. “And also, sa opisina ko unang nakita kung sino man yun”
“I just want to protect you hija” sagot nito.
“But are we protected here, Dad?” sabi niya.
Nakita niya ang pagtataka sa kanyang ama. “What do you mean?” nakakunot-noong tanong nito sa kanya
“I saw someone sa bintana ng CR ko, around 2:00 AM..” sumulyap siya kay Alex at nahalata sa mukha nito ang pagkagulat pero agad nakabawi ng mapansin na nakatingin siya dito. “..I was trying to find kung sino yun pero ng papalapit na ako sa bintana bigla siyang nawala” bumalik ang paningin niya sa kanyang ama. “When I checked my window sa kwarto na nakatapat sa bintana ng bathroom wala na yung tao sa bintana, to think na second floor tayo” bumuntong-hininga siya at muling tumingin kay Alex, hindi naman nagpatinag ng tingin ang binata. “I open my window to check kung nasa baba pa siya, I also checked the area but I saw nothing” pagpapatuloy niya, muli siyang bumuntong-hininga at tumingin muli sa kanyang ama na halata din ang gulat. “And that’s the answer Dad sa tanong mo kung bakit ganto ang itsura ko, I was not able to sleep after that dahil hinihintay ko ang pagbabalik niya” pagtatapos niya.
“Why did you not wake me up?” tanong ng kanyang ama na halata ang pag-aalala. “Waht if may nangyaring masama sayo?”
“If I did, for sure na gigisingin mo lahat ng tao sa bahay, ipapaikot mo ang buong bahay para hanapin kung sino man yun” sagot niya.
“And so?” tanong ng kanyang ama.
Bumuntong hininga uli siya bago sumagot. “I think, it’s better na isipin nila na wala pa tayong alam” sagot niya sabay tingin kay Alex. “Di ba yun din ang suggestion mo?” nakataas-kilay na tanong niya sa binata.
Tumango lang ang binata, ngumisi naman siya bago muling tumingin sa kanyang ama.
“So again Dad, are we protected here?” muling tanong niya sa kanyang ama.
“I trusted the people here Samantha, I knew them” sagot ng kanyang ama.
Ngumisi siya dahil sa sinabi ng kanyang ama. “Even the newbies Dad?” nakita niyang napalunok ang kanyang ama at alam niyang alam ng kanyang ama ang ibig niyang sabihin.
“Samantha, what is the meaning of this?” seryosong tanong ng kanyang ama. “Are you ACCUSING them?” halata ang galit sa tono ng kanyang ama pero alam niyang nagpipigil itong magalit.
“I’m just being observant Dad” panlalaban niya.
“No, not Samantha, your accusing a wrong people” sagot ng kanyang ama na halatang pinipigilan ang sarili na huwag magalit ng husto.
“Are you sure Dad?” mapang asar nga tanongniyaa. “Are you sure you knew them?”
“SAMANTHA!!!” laking gulat niya sa pag-sigaw ng kanyang ama na may kasamang hampas ng kamay sa lamesa nito. “Please go to your room, we’ll talk later”
“What Dad!?? Ako na naman ang mali, ako na naman ang iiwan mo, ako na naman ang hindi mo kakampihan?!” pasigaw na sagot niya. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Mang Benny sa kanyang balikat. Tiningnan niya isa isa ang mga bago nilang tauhan. Napansin niya ang kaba sa mga ito dahil sa tensyon sa pagitan nilang mag-ama, tumingin din siya kay Alex na nasa tapat niya, nakakuyom ang kanyang mga mata at seryosong nakatingin sa kanya pero hindi siya nagpatinag ng tingin. “Mula ng mawala si Nanay, lagi na lang akong mag-isa, lagi mo na lang akong pinaghihigpitan, lagi ka na lang may doubt sa akin, YOU NEVER TRUST ME DAD!!!” pasigaw na sabi niya at napatayo na din siya sa kanyang kinauupuan.
“Don’t you dare to touch me!” sabi niya kay Alex na akmang hahawakan siya nito.
“Samantha, it’s not that I don’t trust you” malumanay na sabi ng kanyang ama kaya napatingin siya dito. “I just want to protect you” mahinang sabi nito.
Hindi na siya sumagot pa at umalis na siya ng Study Room, patabog niyang isinara ang pintuan.
NAKITA NI ALEX ang pagbuntong hininga ni Don Tonny bago umupo sa swivel chair nito. Sinenyasan nito si Mang Benny na umupo na din kung saan nakaupo si Samantha kanina. Nakita din niya ang gulat kala Loisa dahil sa inasta ni Samantha.
“She’s not like that, you know that…” sabi ni Don Tonny, nakatingin na uli ang lahat dito. “…She’s a sweet and innocent girl”
“Naiitindihan po namin Don Tonny” si Loisa ang nagsalita.
“I want to make it fast…” sabi ni Don Tonny, na mas seryoso na ngayon ang mukha. “I don’t want to make her involved here”
“Gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin para tulungan si Samantha at kayo” si Andres ang nagsalita.
“I want to make it fast but please be careful” nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. “Ayokong mag-suffer ang mental health niya sa pwedeng mangyari”
“We’ll do our best Sir” si Agnes ang nagsalita.
“Alex, can I trust Samantha to you?” tanong nito na bumaling ang tingin nito sa kanya.
Tumikhim muna siya bago sumagot. “I’ll try my best Sir” maikling sagot niya.
“I don’t trust anyone on this, except you, so I really need your help” sabi nito. “But..” bumuntong hininga ito. “if worse comes to worst, please save yourself” tumingin ito sa kanilang lahat. “I don’t want to put you in danger, take care yourself” pagtatapos nito.
Napatingin siya sa paligid at wala man lang takot siyang nakita sa maga tao na nasa Study Room ngayon.