Chapter 5

3244 Words
HALOS BUONG MAGHAPON nagkulong sa kwarto si Samantha, hindi siya sumabay kumain sa kanyang ama. Dinadalhan siya ng pagkain ni Loisa pero hindi niya naman ito ginagalaw. Ilang beses niya ng kinokontak ang kanyang kasintahan pero hindi naman ito sumasagot mula pa kaninang umaga, kahit sa text ay hindi man lang ito sumasagot. Gustuhin man niyang matulog pa ay hindi niya magawa dahil kahit anong pilit niyang gawin ay hindi siya dinadalaw ng antok. Sinubukan niya na lang magtrabaho kahit na masakit pa din ang ulo niya, gusto niyang may pagkaabalahan, gusto niyang may ginagawa. Nawala ang atensyon niya sa pagla-laptop ng tumunog ang kanyang selpon, hindi niya kilala ang numerong tumatawag sa kanya, nagdadalawang isip man ay sinagot niya pa din ito. “Hello?” patanong na sabi niya nang sagutin niya ang tawag. “Babes, it’s me Pierre” “Babes? Anong nangyari sayo bakit hindi kita makontak?” tanong niya. “Babes, may emergency lang kay mommy. How are you? Bakit iba ang boses mo?” naramdaman niya ang pag-aalala ng kanyang kasintahan. “I’m okay Babes..” bumuntong hininga siya bago tinuloy ang kanyang sasabihin. “..I just need you right now” malungkot na sabi niya. “I’m sorry Babes, wala ako diyan ngayon, I’ll tell you everything tomorrow okay? Puntahan kita bukas sa office mo” “Okay Babes, see you tomorrow Babes. I love you” ang huli niyang sinabi bago tuluyang naputol ang tawag. Sa pag-iisip kung ano ang nangyari sa ina ng kanyang kasintahan na dahilan kung bakit hindi siya nito natawagan ay hindi niya na namalayan na nakatulog na siya. Nagising na lang si Samantha sa katok ng kanyang pinto, tumingin tingin pa siya sa paligid at napansin na madilim na sa labas. Pagbukas ng pinto ay pumasok ang kanyang ama na may dalang tray ng pagkain, napansin niya si Alex na nasa labas ng kanyang silid pero hindi ito lumingon sa kanya at alam niyang nakabantay lang ito sa kwarto niya. “Hija, I just came home and they said you’re not eating” sabi ng kanyang ama. Tuluyan nang pumasok ang kanyang ama at si Alex na ang nagsara ng pintuan. Inilapag nito ang tray sa lamesa na nasa gilid higaan niya. “Hindi ka sumabay sa akin sa lunch, hindi mo kinain yung dinala ni Loisa, hindi mo din kinain yung meryenda mo, are you still mad at me?” tanong ng kanyang ama na ngayon ay nakaupo na sa kanyang kama. Umupo naman si Samantha mula sa pagkakahiga niya pero hindi niya sinagot ang kanyang ama. Narinig niya ang pag-buntong hininga ng kanyang ama bago muling nagsalita. “I just want to protect you Samantha” “Dad..” napatigil ng siya sa sasabihin at tumingin sa pintuan ng kanyang silid na nakasara. Kinuha niya ang kanyang selpon, nag-tipa doon at ipinakita niya sa kanyang ama. I want to tell you something about Alex Nakita niy ang sa mukha ng kanyang ama. “You eat this first, then let’s go to my study room, we’ll talk there” iniabot nito sa kanya ang tray na dala. “..and also, maligo ka na din, it’s already night but your still wearing your pajama since this morning” sabi ng kanyang ama. Agad namang kumain si Samantha, dahan dahan lang ang bawat subo dahil wala pa din siyang ganang kumain at dahil siguro nalipasan na din siya. Ang ama naman niya ay tumayo sa pagkakaupo at pumasok sa kanyang banyo, hindi niya napansin kung gaano katagal ang kanyang ama sa loob ng banyo dahil hindi niya inaasahan na papasok ito doon. Hindi niya din alam kung ano ang ginawa ng kanyang ama sa loob dahil mula sa higaan kung saan siya nakaupo ay hindi niya ito makita. Paglabas nito sa kanyang banyo ay dumeretso naman ito sa bintana kung saan niya din sinilip ang tao na hinihanap niya. Alam ni Samantha na marami ngayong tauhan ang nakakalat sa labas ng mansyon dahil sa nangyari at nakita niya din ang mga ito noong pumunta siya sa banyo at hindi sinasadyang napasilip sa bintana. Pagkatapos niyang kumain ay agad naman siyang naligo, pagkalabas niya ng banyo ay andoon pa din ang kanyang ama at abalang tinitingan ang kanyang selpon, hindi naman naka-auto lock ang kanyang selpon dahil napag-usapan nila ng kanyang kasintahan na huwag na lang i-auto lock ang mga selpon nila para hindi mahirap buksan kapag hinihiram ng isa’t isa. “Dad?” nagtatakang tanong niya. “You don’t have password hija?” tanong nito. “Yes Dad, me and Pierre agreed to remove our password para wala kaming tinatago sa isa’t isa” sagot niya. Pumunta siya sa vanity area niya para mag-ayos ng buhok at maglagay ng lotion. “It’s not safe, what if maiwan mo to out of nowhere?” pag-aalalang sabi ng kanyang ama. “But Dad, it’s been 1 year since walang password ang cellphone ko and wala namang nangyari” sabi niya. “Kahit na Samantha, it’s not safe lalo na may nagtatangka sa buhay mo. Can you put password on this? Just explain it to Pierre” Bumuntong hininga naman siya. “Okay Dad, I will” sabi niya. Gusto man niyang tumanggi ay naiintindihan niya naman ang sitwasyon nila ngayon mas okay na din na mag-ingat sila. “Can you do this now?” tanong nito. Wala na ding nagawa si Samantha, lumapit siya sa kanyang ama, kinuha ang selpon at nilagyan niya iyon ng password. “Thank you Hija” sabi ng kanyang ama na may maliit na ngiti sa labi nito. “Let’s go?” tanong nito. Tumango naman siya. Nakasunod lang siya sa kanyang ama nang lumabas ito ng kanyang silid. Nasa labas pa din ng kanyang silid si Alex na akmang susunod sana sa kanila nang lumingon ang kanyang ama dito. “It’s okay Alex, sa study room lang kami” sabi ng kanyang ama at muling naglakad, hindn na nito hinintay pa ang sagot ni Alex. Napansin niya na maraming tauhan din ang nakakalat sa loob ng mansyon, hindi niya alam na meron din sa loob ng mansyon dahil ang labas lang ng mansyon ang nakita niya. Pagpasok nila sa study room ay ila-lock niya sana ang pintuan, pero pinigilan siya ng kanyang ama. “Don’t lock the door Hija” sabi nito. “Why? What if may pumasok bigla?” tanong niya. Papalapit na sila sa upuan na nasa harapan ng lamesa ng kanyang ama. “Exactly, what if may pumasok at naka-lock ang pinto, hindi tayo matutulungan agad” sabi nito. Hindi naman na siya lumaban pa sa kanyang ama na alam niya namang may punto ito “then? Can you share your story” tanong ng kanyang ama nang tuluyan na itong makaupo sa kanyang silya. Ikinuwento ni Samantha ang tungkol kay Alex na nakita niya ito sa likod ng mansyon nang araw at oras na nakita niya ang tao nasa bintana ng kanyang banyo. Hindi naman makapaniwala ang kanyang ama. “But it’s impossible” sabi ng kanyang ama. “I knew him, since childhood days niya, I knew his parents” pagtatapos nito. “But Dad, iba talaga ang kutob ko sa kanya. Yung mga tingin niya sa akin para siyang galit lagi, kahapon nakita ko pa siyang nakangisi sa akin noong inaatake ako ng sakit ng ulo. Yung sa opisina, hindi niya hinabol yung taong yun kahit na nakita niyang bumaba iyon sa bintana ng opisina, pano Dad kung isa siyang spy dito sa atin?” mahabang sabi niya sa kanyang ama. “Calm down Samantha” pag-aalo nito sa kanyang anak. “Look, you can’t judge him easily, he just started 3 days ago, what if ganoon talaga siya, the way he react, the way he speak, the way he look, we don’t know” sabi ng kanyang ama. Tumayo ito sa kanyang pagkaka-upo at lumipat sa tapat niya. “But you said you knew him…” sabi niya habang nakatangin sa kanyang ama. Kinuha ng kanyang ama ang kanyang mga kamay. “Yes Sam, I knew him..” Binigyan siya nito ng maliit na ngiti. “…I knew him kaya I can assure you that you can trust him” nakita niya ang pagiging totoo sa mga mata ng kanyang ama. “You can trust him Dad, but I can’t trust him” sagot niya sa kanyang ama. “I’m sorry” dugtong niya nang makita niya na tila nalungkot ito. Bahagyang ngumiti ang kanyang ama. “It’s okay Samanth if you can’t trust him but please let him be your bodyguard. If you think your not comfortable to him within 1 month then tell me, okay?” pakiusap ng kanyang ama. Bumuntong-hininga naman siya. “Okay Dad, I will” maikling sagot niya. Niyakap siya ng kanyang ama at gumanti din naman siya ng yakap dito. “I’m sorry Samantha kung nadadamay ka, I promise to protect you” mahinang sabi ng kanyang ama na sapat na para marinig niya. Tumango lang siya sa kanyang ama habang nakayap sila sa isa’t isa. KINABUKASAN AY PUMASOK na sa opisina si Samantha, mas gugustuhin niya na sa opisina siya nagta-trabaho kesa sa mansyon nila. “Good morning Princess” bati sa kanya ni Mang Benny. “Good morning po!” balik bati naman niya sa matanda. Pinagbuksan siya ng pinto ni Alex. “Good morning Ma’am” mahinang bati ni Alex, pero hindi niya pinansin ang binata, pagkasara ng pinto ay agad naman itong nagtungo sa passenger seat dahil si Mang Benny na uli ang magmamaneho para sa kanya. Nakarating sila ng maayos sa opisina, kasama niya na agad si Alex pagbaba ng sasakyan, si Mang Benny naman ay dumeretso sa parking para i-park ang sasakyan. “Good morning Ma’am” bati ni Aivee. “Good morning, ang aga mo ngayon” tanong niya sa kanyang sekretarya. “May mga hindi ako natapos kahapon e, how are you ma’am?” tanong nito. “I’m better, thank you sa paghatid sa bahay” nakangiting sagot niya. “No worries Ma’am, ikaw pa ba” sagot nito. Lumingon ito sa likod kung saan nakaupo si Alex. “Good morning Sir” bati nito sa kanyang bodyguard. Hindi naman na siya lumingon pa sa halip ay dumeretso na siya sa kanyang opisina. “Here’s your coffee Ma’am” si Aivee. Tuwing umaga ay naghahanda ito ng kape para sa kanya, binilin iyon sa kanya ni Pierre dahil alam ng kanyang kasintahan na mahilig siyang magkape. “Thank you, please prepare the conference and let everyone knows na may emergency meeting tayo at 10 AM” “All employee?” pagtatakang tanong ni Aivee. “Yes Aivee, for the restaurant staff kung sino lang ang pwede no need to stop the operation sa baba” sagot niya. “Noted po Ma’am, will do it” sagot ni Aivee. “Thanks Aivee, you may go” nakangiting sabi niya. Ngumiti lang sa kanya sa Aivee at tuluyan ng lumabas, sinara nito ang pintuan ng opisina niya. “Are you sure on this?” tanong sa kanya ni Alex. Sumagot siya ng hindi man lang tinitingnan si Alex. “Yeah, it’s better they knew para makapag-ingat sila” bumuntong hininga siya at sumandal ng maayos sa kanyang upuan. “It’s better na alam nilang may ginagawa tayong action if ever man na isa sa kanila ang may kinalaman dito” Alam niyang nakatingin sa kanya si Alex pero hindi niya ito tintingnan. Dahil bodyguard na niya ito ay sa opisina niya na din ito naka-pwesto dahil sabi ng kanyang ama ay hindi pwedeng mawala sa tabi niya si Alex para maprotektahan siya nito pero hindi pa din niya alam kung tama ang desisyon ng kanyang ama pagdating kay Alex. “I JUST WANT everyone to be careful, hindi natin alam kung kelan mauulit uli ang nangyari. Ayoko kayong ipahamak. Investigation is ongoing and will update you all kapag may result na tayo para mapanatag din kayo” pagpapaliwanag ni Samantha. Nabanggit na niya ang nangyari sa kanilang opisina noong isang araw. Habang nasa byahe sila kanina ay nagbago ang isip niya na itago sa emplayado niya ang nangyari, dahil kung meron mang alam ang isa sa kanyang empleyado ay lalo lang itong maghihinala kung hindi ipapaalam sa kanila na ang nangyari, kaya sa huling minuto ay nag-desisyon siya na sabihin sa kanila. Hindi man nagustuhan ni Alex ang gusto niyang nangyari ay wala na itong nagawa. “Don’t bother if makakikita niyo lagi ang bodyguard ko na malapit sa akin, it’s Dad’s rule” sabi niya. Nakikita niya sa ibang empleyado niya na naiilang paminsan minsan sa kanyang bodyguard, marahil dahil nasanay sila na si Rebecca na isang babae ang laging kasama niya dati. Nagpaiwan siya sa conference room pagkatapos ng kanilang meeting. Kinuha niya ang kanyang selpon at nag-tipa. “Hello, Mr. Montes, regarding to sa sinend ko sayo kahapon. Can you do a background check of that person” sabi niya sa kanyang kausap. “Sure Samantha, I already checked the email, should I tell this to your dad?” “No, don’t tell Dad, sa atin lang ito, please” “I doubt, baka malaman din ng daddy mo” Napabuntong hininga siya. “I know how loyal you are to Dad, but please, pagbigyan mo na ako sa isang ‘to” Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kanyang kausap. “Okay, okay, I will not tell him” “Thank you so much Mr. Montes, I appreciate it” pagkatapos ay ibinaba niya na ang tawag. Nagtagal pa siya sa conference hanggang sa kumatok si Aivee para yayain siyang magtanghalian. “Are you okay Ma’am?” tanong ni Aivee habang kumakain silang dalawa. Sa conference room na lang sila kumain dahil ayaw ng lumabas pa ni Samantha. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. “I don’t know Aivee, ang daming nangyayari” sagot niya. “Like?” may kuryusidad sa tono nito. “Like the death threat, yung atake ng sakit ng ulo ko, and what happened here last day” sagot niya. “Until now ba marami pa din kayong narereceive na death threat?” tanong ni Aivee. “Yup, pero hindi pinapakita sa akin ni Daddy” Sagot niya. “Pinakita niya sa lahat pero sa akin hindi” pagpapatuloy nito. “Maybe he’s being protected lang Ma’am” sabi ni Aivee. “I know Aivee, it’s just that.. something is off” sabi niya. “What do you mean Ma’am?” nakakunot noong tanong ni Aivee. “Actually I can’t explain and it’s so confusing” sagot niya sa kanyang sekretarya. Hindi naman na nagtanong pa si Aivee dahil siguro nakita nito na kahit siya ay naguguluhan din sa mga nangyayari. “By the way Ma’am, did Sir Pierre told you na pupunta siya ngayon?” pagbabagong paksa ni Aivee. “Yeah, but not sure sa time. Did he call you?” tanong niya. “He called the office Ma’am kahapon, he thought your here Ma’am” sagot ni Aivee. “Oh! Okay, he called me yesterday may emergency daw sa kanila kaya hindi niya ako nadalaw sa bahay.” “Yes Ma’am, I can hear it in his voice” sabi ni Aivee. “What do you mean?” nagtatakang tanong niya. “Nung kausap ko siya kahapon, it seems he’s not okay hindi ko masabi kung bakit pero his voice is different from his normal voice” sagot ni Aivee. “I’ll talk to him later, kapag nandito na siya. I am also worried” sagot naman niya. Nang matapos silang magtanghalian ay nagdesisyon na din siyang bumalik sa kanyang opisina para doon na pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Hindi man niya direktang tiningnan si Alex pero mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang pagtingin nito at pagtayo ng makita siya para sumunod sa kanyang opisina. SA SOBRANG ABALA ni Samantha ay hindi niya na napansin ang oras, nahinto na lang siya sa pagtatrabaho ng bumukas ang pinto ng kanyang opisina at sumilip ang kanyang kasintahan. Nakita niya ang gulat sa mukha ni Peirre nang makita nito si Alex na nasa loob. Agad nitong binawi ang tingin kay Alex at lumapit ito sa kanya na may pag-aalala. “Babes, how are you? I’m sorry hindi man kita nadalaw” sabi nito ng makalapit na sa kanya. “It’s okay Babes” nakangiting sagot niya. Tumingin siya kay Alex. “Alex, lumabas ka na muna may pag uusapan kami ni Pierre” sabi niya sa binata. “Pero Ma’am..” pagtatanggi sana ni Alex. “Bro, fyi boyfriend ako ni Samantha” sabi nito kay Alex na halatang nagtitimpi ng galit. “Babes, it’s Dad, gusto niya na laging malapit sa akin si Alex, I’ll tell you later” sabi niya sa kanyang kasintahan. Muli siyang bumaling kay Alex. “We need to talk ng kami lang” sabi niya dito. “Okay Ma’am” sagot lang nito at agad lumabas ng kanyang opisina. “I don’t like that Dude” agad ni sabi ni Pierre paglabas ni Alex. “Me too, Babes. Pero wala akong magawa, si Daddy ang pumili sa kanya” sabi ni Pierre. Umupo ang dalawa sa sofa kung saan nakaupo kanina si Alex. “So, how are you Babes?” pag-aalalang tanong sa kanya ni Pierre. “I’m okay na, nakapagpahinga na ako kahapon, medyo masakit pa din ang ulo ko pero hindi na katulad noong isang araw” sagot niya. “What happened to you at nangyari na naman sayo yun?” tanong uli ni Pierre, hinawakan nito ang kanyang kamay. “I really don’t know Babes. Basta pag tingin ko sa labas habang papunta kami sa construction site bigla na lang sumakit ang ulo ko, hanggang sa hindi ko na mapakalma ang sarili ko” “ Oh my gosh! I’m really sorry Babes, I was not there” sabi nito at biglang siyang niyakap. Gumanti naman siya ng yakap. “It’s okay Babes, how’s Tita?” tanong niya kay Pierre habang nakayakap pa din sa isa’t isa. Kumalas sa pagkakayakap ang kanyang kasintahan at muli siyang hinarap. “She’s in the hospital Babes, sinugod ko siya noong isang araw dahil bigla na lang nanikip ang dibdib niya. Hindi ko siya maiwan dahil nahirapang siyang i-revive sa hospital. Sa pagmamadali kong isugod si Tita sa ospital naiwan ko na yung cellphone ko, di na kita natawagan man lang” pagpapaliwanag ni Pierre. “Oh no! How is she?” tanong niya. Nakaramdam siya bigla ng pag-aalala para sa ina ng kanyang kasintahan dahil sobrang bait ng mommy nito sa kanya. “She’s stable na, pero unconcious pa din, hinihintay na lang siyang magkamalay” sagot nito. “I’m sorry Babes, kailan ka uli dadalaw? I want to go with you” “After work I’ll go there, if you want I’ll fetch you later? Gusto lang kitang makita kaya dito muna ako pumunta” sabi ni Pierre. “Ow! Babes, I want to come with you now para lang masamahan kita, pero my bodyguard will go with me too” sabi niya. “Kahit ako ang kasama mo?” tanong ni Pierre. Bumuntong hininga siya bago sumagot. “Alam mo naman si Dad, overprotected” “Yeah, I understand. So? I’ll pick you later?” tanong nito sa kanya. “Sure Babes, magsasabi na din agad ako kay Dad” sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD