Chapter 7

2771 Words
“GOOD MORNING DOC” bati ni Samantha sa kanyang doktor. Ngayon ang check up niya sa kanyang doctor kahit na halos na-check up na siya ng kanyang doktor kahit na halos natingnan na siya nito noong martes nang intake siya ng sakit ng ulo. “Hello Samantha, please sit down” masayang bati sa kanya ng doktor. “Okay Doc” maikling sagot niya at umupo na siya sa isang upuan na nasa tapat ng lamesa ng doktor, nasa sofa naman si Alex. “So how are you, my Samantha?” tanong nito sa kanya. Siguro kung nandito si Pierre ay magseselos din ito sa kaniyang doktor dahil hindi nagkakalayo ng edad nila sa kanyang doktor at dahil sa tawag sa kanya nito. Hindi pa nagkikita si Pierre at ang kanyang doktor dahil madalas na abala ang kanayang kasintahan sa kanilang negosyo. Sobrang laki ng paghanga niya sa kanyang doktor dahil sa edad nito ay parang napaka-propesyon na nitong tingnan parang ang layo na ng narating nito at hindi din maipagkakaila na magandang lalaki din ito kaya marami ding mga nurses ang gustong maging partner ito. Hindi si Dr. Ramirez ang orihinal na family doctor nila, ipinalit lang ito pansamantala dahil nasa ibang bansa ang tunay nilang family doctor pero siya ang inirekomenda para pumalit muna. “I’m okay po Doc, thank you for taking good care of me” nakangiting sagot niya sa kanyang doktor. “My Samantha, I told you na wag mong gamitin ang “po” sa akin diba? 2 years ahead lang ako sayo” nakangiting sabi ng doktor. “Okay Doc” nakangiting sagot niya. “So, how’s your head?” tanong nito. “Hmm.. I think I’m good, nawala na yung sakit ng ulo ko, I feel better” sagot niya na parang kahit siya ay hindi kumbinsido sa sinabi niya. “I think you’re still not okay, my Samantha” sabi nito. “What do you mean Doc?” nagtatakang tanong niya. “Dahil ka sure sa sagot mo, you’re still confuse sa kung ano yung okay o hindi” “How did you say that?” “I knew you..” tumikhim ito bago tinuloy ang sasabihin. “I’ve been your doctors for 2 years, I can see in your eyes if you’re really okay or not” pagtatapos nito. “I.. I don’t understand Doc” nakakunot noong sabi niya. Nakita niya ang pagbuntong hininga nito. “Are you still having that dreams?” muling tanong nito. That dreams. Napaisip siya sa tanong nito. Tumikhim siya bago sumagot. “About my Nanay? Yes, madalas ko pa din napapanaginipan si Nanay” “How are you after dreaming that?” tanong nito. “How I am?” napaisip muli siya dahil hindi niya alam ang isasagot. “Pakiramdam ko Doc okay ako, pero bakit parang ang hirap sagutin ng tanong mo?” nakakunot noong sagot niya. “Pakiramdam ko hindi din ako sigurado sa mga sagot na binibigay ko sayo” pagtatapos niya. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ang kanyang doktor at lumipat ng upo sa tapat niya. Kinuha nito ang dalawang palad niya at hinilot hilot. “It’s okay Samantha, because of your head injury on that accident, minsan hindi mo na alam kung tama ba ang iniisip mo or dahil dala-dala mo pa din ang trauma na nangyari sa nanay mo” sabi nito na halatang pinapakalma siya. “But.. I am okay Doc?” siya naman ang nagtanong dito. Nakita ang muling pagbuntong hininga ng kanyang doktor. “As far as I know, your’re okay my Samantha” “But..” nag-iisip pa siya ng tamang tanong. “..why I keeps dreaming it?” “It’s because of the trauma, hindi ka pa nakaka-move on sa nangyari kaya sa tuwing malungkot ka or sa tuwing nag-aaway kayo ng daddy mo, madalas siya yung napapanaginipan mo, kasi pakiramdam mo siya lang ang kakampi mo” pagpapaliwanag nito sa kanya habang hawak pa din ang palad niya. “Pero bakit bigla-bigla na lang sumasakit ang ulo ko?” tanong niya. Napansin niya ang pagkabigla nito sa tanong niya dahil sa pagdiin ng palad nito sa palad niya, tumigil din ito sa paghilot. “That’s the reason kung bakit tayo nagkikita Samantha, to know the cause and what triggering you tuwing nararamdaman mo yun” mabilis na sagot nito. “What do you mean Doc?” kunot noong tanong niya. “As of now, hindi ko din alam yung trigger sa pag-atake ng sakit ng ulo mo. Maybe because of the trauma or maybe because your brain didn’t process the accident, or maybe may damage sa brain mo na hindi natin makita sa CT scan natin” pagpapaliwanag ng nito. “So what should I do Doc?” tanong niya. “We will have a new test for today Samantha” binitawan nito ang palad niya at muling bumalik sa kanyang upuan. “We will do a story telling session” “Story telling?” nagtatakang tanong nito. “Yes, my Samantha” nakangiting sabi nito. “You will tell a story about your dream house, dream car, dream business, and about your Nanay. And I will share mine too, my dream house, dream car, dream business, and about my Mama” paliwanag ng doctor. “For what Doc?” “For me to know kung may magti-trigger sa brain mo habang pinag-uusapan natin ang mga yun” sagot nito. “Okay..” sagot lang niya na hindi sigurado kung okay ba ang gagawin nila pero mas gusto niyang magtiwala sa kanyang doktor. “Okay, now we need to move sa couch, mas okay kung kumportable ang pwesto natin” sabi nito. Nakita niyang tumayo si Alex sa couch at siya naman ang umupo doon. “I’ll just get water for us, do you want water Sir?” baling nito kay Alex, umiling lang si Alex dito. ` Ilang minuto ay bumalik na ang kanyang doktor na may dalang dalawang baso ng tubig, umupo ito sa couch na nakaharap sa kanya. “Would you mind Sir kung dito ka sa likod ko” ang sabi nito kay Alex, agad namang sumunod si Alex. “Okay, before we start, let’s drink water” sabi ng doktor sabay abot sa kanya ng baso na may lamang tubig. “then, please put the glass sa center table” sumunod naman siya sa sinabi nito. “…then, inhale, exhale, inhale, exhale. Okay! I want you to be normal as you are Samantha, kung ano ang naiisip mo, yung lang ang isasagot mo, don’t pressure your brain na magisip ng husto, are we clear?” tanong nito. “Yes doc” sagot niya. Medyo naguguluhan man siya sa nangyayari at hindi alam ang susunod na mangyayari ay sumunod na lang siya sa sinasabi ng kanyang doktor. “Hmm..sino ang mauuna?” tanong nito sa kanya “Oh, can we do bato-bato pik?” nakangiting tanong ng doktor. “Sure Doc” sagot niya. Ginawa nila ang bato-bato pik, nanalo si Samantha kaya siya ang unang nagtanong. “Doc, what is your dream house?” tanong niya. “Hmm..” nag-isip muna ang kanyang doktor bago sumagot. “Ako ang nag-isip nito pero ako ata ang mahihirapang sumagot” nakangiting sabi nito. Hindi niya napansin na ngumiti na din siya sa kanyang doktor. “Finally, I saw your smile” sabi niya. “Doc naman e, ngumingiti naman ako” naka-ngusong sabi niya. “I know, but your smile just now is amazing” sabi nito. Naguguluhan man siya sa sinabi nito ay hindi na niya iyon pinahalata pa dahil nakita niya na may isasagot na doktor sa tanong niya. “You know what Samantha, simple lang naman ang dream house ko, like kubo lang ang gusto, tapos malaki yung lupa, gusto ko kasing magtanim ng mga halaman kasama ang pamilya ko” sabi nito. Nakita niya ang biglang pagseryoso ng kanyang doktor at tumingin ito sa kanya bago ipinagpatuloy ang kwento. “Pero nang makilala ko ang mga kaibigan ko, nagbago lahat ang gusto, sa halip na kubo lang, gusto ko na ng malaking bahay kasi gusto ko silang kasama, gusto ko silang patirahin sa bahay ko, para kasing ayokong maging malayo sa kanila. Hanggat maaari gusto ko silang ampunin. Nagplano ako dati ng malaking bahay, may swimming pool, may duyan, may malaking puno ng mangga kung saan kami pwedeng tumambay” pagpapatuloy nito. Naiilang man siya sa tingin nito sa kanya ay hindi niya na lang iyon pinansin, nilalabanan niya ang tingin nito. “But unfortunately, hindi ko na sila makita. Nagkahiwa hiwalay kami pero itutuloy ko pa din ang dream house ko para kapag nagkita uli kami pwede pa din silang pumunta sa bahay na ipapagawa ko” pagtatapos nito. “Your turn” nakangiting sabi nito. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. “Actually, I don’t know kung may dream house ako” nakakunot noong sabi niya. Pinipilit niyang mag-isip pero wala siyang maisip na dream house. “I..I.. just don’t know. I feel like never kong naisip na magkaroon ng dream house and I don’t know why” ngumuso siya na parang estudyante na nag-iisip ng isasagot sa exam. “Or maybe because we have big house already kaya hindi na ako nag-iisip ng dream house ko?” patanong na sagot niya Ngumiti naman ang doktor sa kanya. “Yes Samantha, maybe that’s the reason kung bakit wala kang dream house” sabi nito. “Is that a valid answer?” tanong niya. “Yes dear, it is a valid answer. What’s your next question?” tanong nito. “What is your dream car doc?” Nakita niya uli ang pag-iisip nito. “Dream car… ang dream car lang is motor” nakangiting sagot nito. “You know what Samantha, I have a special someone na gusto ko kapag nagka-motor ako siya lang ang i-a-angkas ko sa motor. Gusto ko iparanas sa kanya na mas sweet kapag naka-motor, gusto kong maparanas sa kanya na safe siya sa motor basta ako ang kasama niya. But that special someone is currently missing at hinahanap ko po siya hanggang ngayon” pagtatapos nito. “Bakit siya nawawala?” “Something happened to her” maikling sagot nito. “But, do you have any idea kung nasaan siya ngayon?” muling tanong niya na halata na ang pagiging kuryusidad. “Sa ngayon, wala pa but I make sure na mahahanap ko siya at pakiramdam ko na malapit ko na siyang mahanap” sagot nito. “Do you love her, Doc?” pang-aasar niya dito. “Well, yeah, I love her since then” seryosong sagot nito. “Okay, your turn, what is your dream car?” balik tanong nito. “Hmm.. Ow, my dream car is a pick-up car” masayang sagot niya na parang naalala niya ang tamang sagot sa exam. Ngumiti naman ang doktor na parang naginhawaan sa sagot niya. “Why pick-up Samantha?” tanong nito. “Naalala ko nung sinama kami ni daddy sa province niya, then naiwan kami ni nanay sa farm. Nakita ko kung paano sila namimitas ng mga bunga ng puno, may mga mansanas, mga grapes, basta marami, lahat ng prutas na napitas ko nilagay ko sa isang basket then binuhat iyon ni nanay kaya lang nahirapan si nanay kasi mabigat pero kailangan niyang buhatin kasi…” bigla siyang napahinto sa pagkukwento, iniisip niya ang susunod niyang sasabihin pero hindi niya na alam kung ano ang nangyari. “Samantha?” tawag sa kanya ng doktor. Napatingin siya sa kanyang doktor na halata ang pag-aalala sa kanya. Nakita niya din si Alex na nakatingin sa kanya pero hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito dahil blangko ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Samantha, are you okay?” muling tanong ng kanyang doktor. Hindi niya malaman kung ano yung susunod na sasabihin niya, nararamdaman niya na medyo bumibigat na ang mata niya, na parang gusto niya ng matulog. “…bakit..nga..ba..kailangan..buhatin..” putol-putol na sambit niya. “Nanay..nanay..nanay..” sabi niya habang hawak hawak ang ulo niya. “Samantha, please look at me” sabi ng kanyang doktor. Hawak nito ang kanyang magkabilang pisngi para mapatingin siya dito, hindi niya alam kung bakit pawang naiiyak siya. “Nanay...nanay..nanay.. bakit kailangan mong buhatin yan?” sabi niya. Ramdam niya pagiging mabigat ng kanyang pakiramdam at parang mawawalan na siya ng malay. Nang hindi niya na kinaya ay hinayaan niya na lang ang sarili niyang makatulog pero bago pa siya tuluyang nawalan ng malay ay naramdaman niya pa na may sumalo mula sa likiuran niya. “WHAT HAPPENED?” “Na-trigger ang brain cells niya nang maalala niya ang nanay niya” sagot ni Dr. Ramirez. “Pero bakit hindi sumakit ng husto ang ulo niya?” nagtatakang tanong niya. “Because I gave her a medicine. Yung ininom niyang tubig, may gamot yun para maiwasan ang sakit ng ulo niya kapag na-trigger ang brain cells niya. Hindi biro ang sakit ng ulo niya tuwing inaatake siya kaya hanggat maari dapat maiwasan siyang ma-trigger” paliwanag nito. Tumingin siya kay Samantha na kasalukuyang nakahiga sa couch. “Is she safe sa pwesto niya?” tanong niya. “Yes, she’s safe. You can go outside if you want while waiting for her baka ma-bored ka dito” sabi ng doktor. Hindi man niya tingnan ito ay alam niyang nakatingin din ito kay Samantha. “No, I will stay or else…” naputol ang sasabihin niya ng biglang nagsalita ang doktor. “or else, she will wake up kapag lumabas ka then magtatawanan kaming dalawa. Are you still suspecting her?” Ibinaling niya ang kanyang tingin sa doktor na nakatingin din sa kanya. “Can you blame me?” balik na tanong niya. “Ow Alex, I told you she’s not like that. She’s so innocent and pure” sabi nito. “Not, until I prove it” sarkastikong sabi niya. “Then, how’s your observation?” panunudyong tanong nito. “Well…” tumingin uli siya kay Samantha na mahimbing pa ding natutulog. “…she’s a best actress” sagot niya. “Oh! Come on Dude, your so unfair” “Unfair?” muling baling niya sa doktor. “How come I became unfair?” tanong niya na nagtitimpi ng galit para dito. “Whatever Alex, hindi mo lang talaga siya kilala” “Yeah, I really don’t know her and I really don’t like her” sarkastikong sabi niya. Nakita niya ang pagbuntong hininga ng doktor at pag iling nito ng ulo. “By the way, do you know her boyfriend?” tanong niya dito. “I know the name, pero hindi ko pa siya nakikita, why?” “Nothing” sagot lang niya. “So, how’s the investigation with the death threat?” biglang tanong nito. Umayos siya ng upo at sumandal sa sandalan ng upuan. “None so far, on going pa din ang mga investigtor para malaman kung saan nanggagaling ang death threat” sagot niya. “She’s the next target, right?” “Yeah, and I don’t know why” sagot niya. “Are you really protecting her?” seryosong tanong ng doktor. “What do you mean?” nakakunot noong tanong niya. “Look, you hate her, right? So do you think hindi ko iisipin na kapag nag kaiipitan bigla mo siyang iiwan” sabi ng dockyor na halata ang pag-aalala para sa dalaga. “Dude, malaki ang respeto ko kay Don Tonny kaya hindi ko siya bibiguin” sabi niya. Sarkastikong tumawa naman ang doktor. “Respect? Really? Pero hindi mo maibigay ang respeto sa kanya” sabay turo nito sa natutulog na dalaga. “It’s a different story” maikling sagot niya. “No Dude, it’s the same story” sabi nito. “Better tell Don Tonny about your plan para mapalitan ka na niya” galit na sabi nito. Tumingin siya ng masama sa doktor. “What do you mean Doc?” umiigting ang kanyang panga dahil sa pagtitimpi sa galit. “Dude, it’s Samantha!! And we will do our best to protect her” sagot ng doktor. “Then protect her, but I will do my own ways” nakangising sabi niya. “What did you mean?” tanong nito. Nakita din niya ang pag igting ng panga nito. Mula sa kinauupuan niya at bigla siyang tumayo. “Just wait and watch Doc” nakangising sabi niya. Hindi na niya hinintay pang magsalita ang doktor dahil umalis na siya ng walang paalam. Nasulyapan niya pa si Samantha na natutulog pa din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD