“MANG BENNY, CAN we go to nanay?”
“Sure, my princess”
“Thank you”
“Okay ka lang ba hija?” halata sa boses nito ang pag aalala.
“Yes po” maikling sagot niya.
Kasalukuyan silang nasa sasakyan, pauwi na sana sila pagkatapos ng check up niya kay Dr. Ramirez pero bigla niyang naalala ang kanyang ina.
Nang magising siya kanina ay iba na ang pakiramdam niya, nalulungkot siya dahil pakiramdam niya ay may mali sa mga naalala niya. Ilang beses na niyang tinatanong ang sarili niya kung bakit sa tuwing naaalala niya ang kanyang ina ay bigla siyang naguguluhan, alam niya na may mga hindi siya maalala dahil sa aksidenteng kinasangkutan nilang mag-ina, pero sa pagkakatanda niya ay bumalik na lahat ng alaala niya pero kanina noong nagkukwento siya ay tila meron pa siyang hindi maalala. Hindi din niya matukoy ang dahilan ng kung bakit siya nakakaramdam ng kalungkutan ngayon.
Paggising niya kanina ay halos lumuluha siya ng hindi niya alam ang dahilan, pero ang nakakapagtaka ay sa unang pagkakataon ay hindi niya napanaginipan ang kanyang ina. Lumapit agad sa kanya si Dr. Ramirez para tulungan siyang bumangon at napansin niya na wala na si Alex sa silid. Pinakalma muna siya ng kanyang doktor bago siya nito pinauwi. Paglabas niya ng silid ay nasa labas na din si Alex at si Mang Benny na parang alam ang paglabas niya.
Pagdating nila sa sementeryo ay ibinaba na lang sila ni Mang Benny, hindi na ito sumama, samantalang nakasunod lang sa kanya si Alex. Sa isang pribadong sementeryo nakalagak ang labi ng kanyang ina.
“Nanay, I miss you! Sorry wala akong dalang bulaklak ngayon” sabi niya.
Nakaupo siya sa damuhan sa tabi ng puntod ng kanyang ina, medyo mainit dahil walang bubong ang libingan, pero hindi niya iyon ininda. Kukuha sana ng payong si Alex pero pinigilan niya ito dahil mas gusto niyang mapag-isa kasama ang kanyang ina.
“How are you Nanay? I wish you’re still with me Nanay. Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo kapag nag-aaway kami ni Daddy. Dati kasi ikaw lang ang pinupuntahan ko sa tuwing nagsasagutan kami. You know what Nanay, sa story namin ni Doc kanina, hindi ko maalala kung bakit gusto kitang bilhan ng pick up. Basta ang alam ko gusto ko ng pick-up for you and not for me. Ang alam ko lahat ng dreams ko ay para sayo. Mahal na mahal kita Nanay”
Halos isang oras siyang nanatili sa sementeryo at balak niya pa sanang magtagal kung hindi lang siya nakatanggap ng mensahe mula kay Mr. Montes.
PAGDATING SA MANSYON, ay agad siyang dumeretso sa kanyang silid, binuksan niya ang kanyang laptop, binuksan ang kanyang personal email, at binasa ang mensahe sa kanya ni Mr. Montes. Nabigo man siya sa nabasa niya ay masaya na din siya dahil alam niyang ligtas siya.
Hindi namalayan ni Samantha na nakatulog na pala siya. Pagkatapos niyang mabasa ang resulta ng pina imbestigahan niya ay dumeretso siya sa kanyang higaan para sana magpahinga lang sandali ngunit nakatulog na pala siya. Nagising na lang siya sa katok mula sa kanyang pintuan.
“Come in” sabi niya na nagpupungas pungas pa.
“Good evening Ma’am Samantha” nakangiting bati ni Eloisa sa kanya.
Sa tuwing nakikita niya si Loisa ay lagi siyang napaptatingin sa mukha nito, minsan ay parang gusto niyang tanungin ang dalaga kung saan nito nakuha ang malaking peklat sa mukha, pero hindi niya iyon ginagawa dahil ayaw niyang isipin nito na nakikipagmabutihan siya dito.
“Yes, what do you want?” masungit na tanong niya.
“Hmm… sorry po ma’am kung nagising ko po kayo. Dinner time na po kasi, tatanong ko po sana kung dadalhan ko ba kayo ng pagkain dito o baba po kayo? Nauna na po kasing kumain si Don Tonny dahil umalis uli siya”
“Where did he go?” walang ganang tanong niya.
“Hindi ko po alam Ma’am, may emergency daw po” sagot nito.
Tumingin siya sa kanyang orasan, alas-otso na ng gabi.
Where did he go?
“Dalhan mo na lang ako ng pagkain dito, but I’ll take a bath muna. Siguro mga 8:30 tapos na ako” sabi niya.
“Sure po Ma’am, dalhin ko po yung pagkain niyo” sabi nito at nagpaalam na. Tumango lang siya dito.
Bago naligo ay sinubukan muna niyang tawagan ang kanyang ama, naka-ilang tawag siya pero hindi ito sumasagot kaya nagpadala na lang siya ng mensahe dito. Pagkatapos niyang maligo ay humiga muna siya habang hinihintay ang pagdating ni Loisa pero nararamdaman niyang hinihila na siya ng antok.
NAGISING SIYA SA isang pamilyar na lugar at pamilyar na pangyayari. Dahil alam niya na nasa panaginip na naman siya ay nakinig na lang siya at sumusunod sa pag galaw ng mga ito.
“Nanay, saan tayo pupunta?”
“Mamasyal tayo Baby, pupunta tayo sa Enchanted Kingdom.”
“Hindi kasama si daddy?”
“Susunod na lang siya”
“Talaga? Susunod siya”
“Yes baby, kaya sumakay ka na sa kotse.”
Sumakay din siya ng sasakyan, bigla na lang siyang nasilaw sa lakas ng ilaw ng sasakyan kaya napapikit siya.
PAGMULAT NG KANYANG tulad ng inaasahan niya ay nasa loob na siya ng sasakyan, nakikita niya na ang usok sa sasakyan.
“Nanay, ano nangyayari sa sasakyan natin, bakit may usok?”
“Wait lang baby, baba muna kayo.”
“Nanay, wag ka na pong pumunta diyan!”
Sinubukan niyang hawakan ang kanyang ina, nagbabakasakaling mahawakan niya ito pero tumagos lang ang kanyang kamay sa braso nito.
“Nanay!!!!”
“Nanay!!”
NAGISING NA NAMAN siya dahil kanyang panaginip, napaupo siya at hinanap ang kanyang lagayan ng tubig para uminon ngunit wala na pala iyong laman. Nagpasya siyang pumunta sa kusina para makapaglagay ng tubig. Paglabas niya sa pintuan ng kanyang silid ay napansin niya na medyo nakabukas ang pintuan ng study room ng kanyang ama, pero hindi na niya iyon pinansin at dumeretso na siya sa kusina. Wala ng mga nagbabantay sa loob ng mansyon hindi tulad noong isang linggo na halos mapuno ang buong mansyon dahil sa tauhan ng kanyang ama, mas marami na ang nasa labas kesa dito sa loob, mas panatag kasi ang kanyang ama kapag sa labas nagbabantay ang mga tauhan nila.
Pagdating niyaa sa kusina ay napansin niya na may tao sa may lababo, hindi naman siya kinabahan dahil agad niyang nakilala kung sino iyon. Binuksan niya angefrigerator para makakuha ng tubig.
“Ma’am, nagugutom po ba kayo?”
“Oh s**t! Loisa, you scared me” sabi niya.
Kahit na alam niyang nandoon si Loisa ay hindi niya naman inaasahan na lalapit ito sa kanya.
“Sorry Ma’am, akala ko napansin niyo ako” sabi nito.
“Yes, I noticed you, pero hindi ko expected na kakausapin mo ako bigla” sabi niya. Sinara na niya yung refrigerator nang makakuha na siya ng tubig.
“Gusto niyo po bang kumain?” tanong nito.
“No, I just need water. Bakit gising ka pa? Or gising ka na?” masungit na tanong niya.
“Hindi po ako makatulog ma’am e, kaya sinisilip silip ko kayo baka kasi maghanap kayo ng pagkain. Sa pagod niyo po ata hindi na kayo nakapag-dinner” sagot nito.
“Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako kanina, anyway, prepare chicken sandwich na lang” sabi niya.
“Hahatid ko po sa kwarto niyo Ma’am?”
“No, I will eat here” sagot niya. lumabas na siya ng kusina at pumunta sa kanilang dinning area.
Ilang minuto lang siya naghintay kay Loisa dahil natapos agad ito sa paghahanda. “Ma’am, ito na po yung sandwich” inilipag nito ang pagkain sa lamesa.
“Thank you, how about you?” tanong niya.
Nakita niya ang gulat sa mukha ni Loisa dahil inaya niya ito. Mula ng dumating sila Loisa ay hindi niya pa ito inaalok ng pagkain.
“Okay lang po ako ma’am, hintayin ko lang kayong matapos” sagot nito.
“No, just eat, sabayan mo na ako” sabi niya na hindi man lang tumitingin dito.
“Okay po Ma’am, kuha lang din po ako”
“Ang sarap ng chicken sandwich na gawa mo ha, parang ito yung matagal ko ng hinahanap” sabi niya nang matikman niya ang ginawa nito.
“Talaga po ma’am? Buti naman po nagustuhan niyo. Alam niyo po na pinag-aralan ko talaga yan kasi favorite yan ng bestfriend ko” sagot nito.
Napatingin siya kay Loisa. “Ang swerte naman ng bestfriend mo dahil pinag-aralan mo pa talaga ‘to para sa kanya”
“Oo naman po ma’am, para na kasi kaming magkapatid nun e” nakangiting sabi nito. “Ikaw ma’am, meron ka pong bestfriend?” tanong nito.
“Yes, I have but they’re in the US right now at yung isa naman abala sa business niya” sagot niya.
“Siguro ma’am ang lungkot mo ngayon no? Kasi wala ang mga kaibigan mo na nasasabihan mo ng mga problema o kaya ng mga good news sa buhay mo” sabi ni Loisa.
Napaisip siya sa sinabi nito. Sino nga ba ang sinasabihan niya ng problema niya. “Well, I have Pierre, he’s my boyfriend s***h my bestfriend, I can talk to him anytime I want” naging mataray ang sagot niya kay Loisa dahil hindi niya din alam kung may kaibigan nga ba siya.
“Oo nga pala ma’am, may boyfriend nga po pala kayo” mahinang sabi nito.
“If you don’t mind, may I ask what happened to your face?” nagdadalawang isip man siya naitanong niya pa din iyon.
Hinawakan ni Loisa ang kanang pisngi nito na may malaking peklat. “Ito po, sa aksidente ko po ‘to nakuha, may tumamang bubog mula sa bintana ng sasakyan” sagot nito na tila nagdadahan dahan pagsagot.
“Hindi na daw mawawala yan?” tanong uli niya.
“Sabi nila hindi na daw, peklat na talaga siya” nakangiting sagot nito.
Tumatango lang siya, wala na uling nagsalita sa kanila at tinapos na lang ang kanilang pagkain.
“Sige Loisa, mauna na ako” sabi niya nang matapos siyang kumain.
“Sige po Ma’am, maraming salamat po sa pakikipag-usap sa akin” masayang sabi nito.
Napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi nito. “What do you mean?” nakakunot noong tanong niya.
“Hmm...” napayuko ito na tila hinahanap ang tamang salita na sasabihin niya. “…mula po kasi nang mapunta kami dito ma’am kahit na ako ang PA mo, hindi mo ako masyadong kinakausap, hindi mo ako nginingitian, pakiramdam ko po hindi mo ako kailangan” sabi nito.
“Ow, I’m sorry, ganun talaga ako not friendly, you know” pagsusungit niya dito. Ayaw niyang isipin nito na nakikipagkaibigan na siya dahil lang sa nagkwentuhan sila.
“Siguro sa ngayon Ma’am” mahinang sagot nito.
“What?” kunot noong tanong niya.
“Wala po ma’am, pahinga na po kayo” sabi lang ni Loisa.
“Okay, I’ll go ahead”
Nang paakyat na siya ay napatingin muli siya sa study room ng kanyang ama na nakabukas pa din ang pinto pero maliit lang ang pagkakabukas nito hindi tulad kaninang pagbaba niya. Dederetso na sana siya sa kanyang silid ng marinig niya ang kanyang ama na sumisigaw na parang may kaaway. Hindi man niya ugali ang makinig sa usapan ng iba pero para siyang hinihila ng silid na yun para puntahan niya. Dahan dahan siyang lumapit sa study room.
“What are you doing? You don’t understand...” ang ama niya.
Sa maliit na uwang ng pinto ay nakita niya ang kanyang ama na nakaupo sa kanyang swivel chair. “Where’s your proof? I am giving you a chance to investigate and move on your own, please use that chance, ang dami ko nang iniisip, wag mo ng dagdagan pa” sabi ng kanyang ama.
Dahan dahan pa siyang lumapit dahil gusto niyang makita ang kausap nito. Hanggang sa maramdaman na lang niyang sumasakit ang ulo niya.
Napahawak sa kanyang ulo “Ahh..Ahh!” sigaw niya nang lalo niyang maramdaman ang sakit nito.
“Ma’am Samantha!?” alam niyang si Loisa iyon dahil kilala na niya ang boses nito pero hindi niya alam kung paanong nasa likod niya lang ito.
“Samantha?” ang huling narinig niya, ang boses ng kanyang ama na halata ang pag-aalala.
“NANAY … NA..NA..NAY!”
“Samantha!”
Hindi man niya lingunin kung sino ang nagbanggit ng pangalan niya ay nakilala niya agad ang boses na iyon. “Dad, what happened?” tanong niya.
“Please drink your water muna” sabi ng ama niya at iniabot ang isang basong tubig.
“Ma’am pwede ko pong hilutin ang ulo mo para medyo mawala po ang sakit” sabi ni Loisa na kilala na din niya ang boses.
Dahil sa sakit ng ulo ng nararamdaman niya ay tumango na lamang siya, agad namang lumapit si Loisa para simulan siyang hilutin. Napapikit naman siya nang magsimula ito sa paghilot ng kanyang ulo.
“Dad, what happened?” tanong niya habang nakapikit.
“Anong naalala mo hija?” balik tanong nito sa kanya.
Sumagot siya ng hindi minumulat ang mata. “Ang naalala ko bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig then nagyaya ng pagkain si Loisa sa akin, nagpagawa ako ng chicken sandwich sabay kaming kumain ni Loisa hanggang sa mauna na akong umakyat dahil tapos na ako. Pag-akyat ko, I saw the door of your study room sligthly open, I just let it go and decided to go back to my room when I heard you. Out of curiosity, I go to your study room Dad…” napahinto siya at napabuntong hininga, dahan dahan niyang imunulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa kanyang ama. “…Dad, hindi ko sinasadya na makinig pero hindi ko napigilan ang sarili ko dahil narinig ko ang pagtaas ng boses mo…”
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng kanyang ama at napalunok pa ito bago nagsalita. “And then? What did you hear?” tanong nito.
Napakunot noo siya dahil hindi niya maalala ang sumunod na nangyari. “Dad, wait, I don’t remember…” sabi niya. “Why? Kanina lang nangyari yun, bakit di ko maalala” isang tanong niya para sa kanyang sarili. “Dad, what’s happening, bakit ganto ang alaala ko?” may garalgal na sa kanyang boses. Naramdaman niyang natigilan si Loisa sa paghihilot sa kanya at naramdaman niya ang paghawak nito sa balikat niya.
“Hija, calm down, sabihin mo lang step by step yung naalala mo, baka natataranta ka lang kaya hindi mo maalala ng maayos ang mga nangyari” sabi ng kanyang ama na pinapakalma siya pero halata niya ang pagaalala nito sa kanya.
“No Dad, it’s too much! Kanina lang nangyari bakit di ko maalala, may sakit ba ako sa utak Dad? May cancer ba ako sa utak?” sagot niya habang umiiyak dahil hindi na niya mapigilan ang emosyon niya. “Dad, baka dumating ang panahon baka pati ikaw at si Nanay hindi ko na maalala”
“No Samantha, no. At hindi ko hahayaan na makalimutan mo kami”
“But Dad…” mahinang sabi niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
Napakunot noo siya nang mapansin niya na hindi lang silang tatlo ang nasa loob, nakita niya si Alex at Dr. Ramirez. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng kanyang doktor samantalang wala siyang makitang emosyon sa kanyang bodyguard. Muli niyang tiningnan ang kanyang ama.
“Dad, I want to be alone” nakayukong sabi niya.
“But Samantha, titingnan ka…”
“Please?” putol niya sa sasabihin ng kanyang ama.
“It’s okay Don Tonny, kung iyon ang kailangan ni Samantha para pakalmahin ang sarili niya” singit ni Dr. Ramirez.
Nakayuko lang siya dahil ayaw niyang mabasa ng mga ito ang lungkot at takot na nararamdaman niya dahil sa kanyang nawawalang alaala.
“Okay Samantha, please allow me to check you from time to time” sabi ng kanyang ama.
Tumango lang siya bilang sagot pero nanatili siyang nakayuko.
Hindi man niya tingnan ang mga tao sa paligid ay ramdam niya ang pag aalinlangan ng mga ito dahil wala agad kumilos sa mga ito kahit ang kanyang ama. Napabuntong hininga na lang siya ng marinig niya ang pagsara ng kanyang pintuan.
Umayos siya ng kanyang upo, iniisip kung ano ang nangyari kanina bago siya nawalan ng malay. Naalala niyang may kausap ang kanyang ama, naalala niya ang pagtaas ng boses ng kanyang ama dahilan sa pagiging kuryusidad niya sa nangyayari sa loob. Ang alam niya ay narinig niya ang usapan ng mga ito at alam niyang nakita niya ang kausap ng kanyang ama. Pero bakit? Bakit wala siyang maalala. Ilang beses niya pang inulit ulit sa utak niya ang eksena pag akyat niya sa ikalawang palapag ng mansyon at dahan dahan niyang pagpunta sa study room ng kanyang ama.
“Damn Samantha!!! Ano na ba nangyari sa utak mo!” sigaw niya sabay bato ng unan sa may paanan ng higaan niya.
Dahil wala talaga siyang maalala ay nagpasya na lang siyang mag-ayos ng sarili, kahit medyo masakit pa ang ulo niya ay naligo na siya para mahimasmasan siya sa mga nangyayari. Kahit sa pagligo ay iniisip pa din niya ang nangyari kaninang madaling araw.
Pagkatapos niyang maligo ay nag-ayos at nagbihis siya nang may kumatok sa kanyang silid.
“Samantha, can I go in?”
“Yes Dad”
Nakita niya ang gulat sa ama niya nang makita siya nito na naka-ayos. “Where are you going Samantha?”
“I’ll go to yoga class Dad, baka kailangan ko na uling ituloy ang yoga session ko dahil hindi ko na din maintindihan ang nangyayari sa akin” sagot niya.
“I’m sorry Samantha kung nangyayari sayo ‘to, I’ll make sure na magiging okay ka din” sabi ng kanyang ama.
“I’m okay Dad, I just want to relax” sabi niya. “By the way Dad, please talk to Alex na kahit hindi niya na ako samahan, alam mo naman na matagal ang yoga session na kinuha ko” sabi niya.
“No Samantha, I’m sorry but he will be with you always”