DALAWANG ARAW NA ang nakakalipas mula ng mabasa ni Samantha ang mga death threat na natatanggap ng kanyang ama. Mula noong araw na iyon ay hindi pa niya nakakausap ang kanyang ama dahil maaga itong umaalis at gabi na kung umuwi. Gustuhin man niyang tanungin at makausap ang kanyang ama ay nagpasya siyang maghintay na ito ang magsabi sa kanya kung ano ang nangyayari. Madalas mang hindi sila magkasundo ay alam niyang ginagawa nito ang lahat para protektahan siya.
Bumalik mula sa pagugunita si Samantha ng may kumatok sa kanyang opisina.
“Ma’am, andyan na po si Sir Pierre sa baba, hintayin ka na lang daw po niya doon para maka-order na siya”
Tumingin siya sa kanyang orasan dahil pakiramdam niya ay maaga pa para sa tanghalian pero nang makita niya ang oras ay alas dose y medya na pala.
“Okay Aivee, thank you” sagot niya sa kanyang sekretarya.
Inayos niya ang kanyang sarili at sinara ang laptop, tumayo siya sa kanyang kinauupuan para makalabas na ng kanyang opisina. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng kanyang opisina ng tumikhim si Alex na nakaupo sa couch.
“Ow! Alex, you can eat your lunch na. No need to go with me, diyan lang kami sa baba kakain” sabi niya.
Sa tingin pa lang ng binata ay alam niyang nakita nito ang hiya sa kanyang mukha dahil hindi niya na naalala na kasama niya pala ito sa opisina.
“Are you okay?”
Napakunot noo siya sa biglaang tanong nito. “What do you mean?” nagtatakang tanong niya.
“Mula kaninang umaga pagpasok natin dito sa opisina, nakatingin ka lang sa laptop mo” tumayo ito at hinarap siya. “Mula 8AM hanggang 12:30 nakaupo ka lang diyan” turo nito sa lamesa niya.
Nagulat siya sa sinabi nito, sa sobrang pagiisip niya ay hindi na niya napansin kung ano ang ginagawa niya. Tumikhim muna siya bago sumagot. “May iniisip lang…” sabi niya. “…may kailangan lang akong isipin para sa presentation namin next week” hindi niya alam kung nahalata nito ang pagsisinungaling niya.
“Liar…” mahinang sabi nito.
Napakunot noo siya dahil sa sinabi nito, hindi niya mabasa sa mga mata nito kung nang-aasar lang ba ito o may nais itong patunayan.
“You know what, it’s not your problem kung ano ang gusto kong gawin dito sa opisina ko, okay?” pagsusungit niya.
Akmang bubuksan na sana uli niya ang pintuan ng muling magsalita si Alex.
“I saw you the other night…” pagsisimula nito. Hindi niya ito nilingon lumingon para maitago niya ang gulat sa sinabi nito. “…I saw you coming out from Don Tonny’s study room”
“So what? I can go there whenever I want” sagot niya sagot niya na hindi pa din nililingon ang binata.
“And why your in a hurry after you close the door?” sa boses pa lang nito ay alam niya na seryoso ito at hindi nang-aasar.
“What do…!” naputol ang sasabihin niya dahil nang lumingon siya kay Alex ay halos magkalapit na pala ang mukha nila. Kaya pala pakiramdam niya ay ang lapit ng bawat salita nito ay dahil malapit na pala talaga ito sa kanya.
“What?” nakaismid na tanong nito.
Naiilang man siya sa lapit ng mukha nilang dalawa ay nilabanan niya iyon dahil ayaw niyang isipin nito na siya ang naiilang sa kanilang dalawa. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. “Whatever you saw last night, wala ka nang pakiilam dun” taas kilay niyang sabi.
Mas lalo itong ngumisi at halatang ayaw din magpatalo sa pakikipagtitigan niya dito. “Your hiding something” hindi tanong kundi tila isang katotohanan.
Gumanti din siya ng ngisi. “Really? Are you accusing me? Sa ating dalawa, ikaw ang dapat ang tinatanong niyan, are you hiding something?” nang-aasar na tanong niya.
“You don’t trust me and I don’t trust you too”
“Then the feeling is mutual” taas kilay na sabi niya.
Lalo nitong inilapit ang mukha sa kanay. “I’ll prove to you kung sino sa atin ang katiwa-tiwala” sabi nito.
Sa sobrang lapit ng mukha nila ay naamoy na ng dalaga ang mabangong hininga ni Alex. Nagulat man ang dalaga dahil hindi niya naisip kailanman na kahit ang paghinga ng taong kausap niya ay mapapansin niya o sadyang mabango lang talaga ang hininga ng binata kaya napansin niya iyon.
Sasagot pa sana si siya ng biglang may nagbukas ng pintuan at dahil nasa tapat siya ng pintuan ay muntik na siyang tamaan nito, ngunit agad siyang hinawakan ni Alex sa braso para hilahin at iiwas sa pinto. Hindi man niya gustong ikumpara si Pierre at si Alex sa paghawak sa braso niya ay hindi niya maiwasan, lalo na ang gaan ng mga kamay ni Alex sa kanya.
“Ma’am Samantha, sorry po pero nagtatanong po si Sir Pierre kung makakababa daw po kayo agad?”
Halos mamula siya sa hiya dahil naabutan sila ni Aivee na halos magkalapit sila ni Alex at nakahawak pa ito sa kanyang braso. Dahil malapit na magkaibigan si Aivee at Pierre ay ayaw niyang may masabi ito sa kanyang kasintahan.
“Well, actually pababa na din ako, may kinausap lang ako sandali” para sa kanya ay hindi pagsisinungaling ang sinabi niya dahil may kinausap naman talaga siya at si Alex iyon.
Napansin niyang napatingin si Aivee sa braso niya na hanggang ngayon ay hawak pa din ni Alex. Magsasalita na sana siya ng magsalita si Alex.
“Ma’am, kailangan na ata nating palitan yung carpet niyo madalas kayong natitisod dito” sabi ni Alex sa normal na boses nito.
Pakiramdam niya ay napanisn din nito ang pagtingin ni Aivee sa kanyang braso kaya siya na ang unang nagsalita.
“Naku Sir Alex, matagal ko ng sinasabi yan kay Ma’am pero ayaw niya pa, kasi okay pa naman daw at hindi naman daw siya laging natitisod diyan” singit ni Aivee sa usapan nila.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Okay, inform mo na ang yung maintenance natin” sabi niya.
Nagsimula na siyang maglakad ng maramdaman niyang hindi pa din tinatanggal ni Alex ang kamay nito sa braso niya. Tinaasan niya ito ng kilay at agad nitong tinanggal ang kamay nito sa braso niya.
HINDI PA DIN maisip ni Samantha kung paano napansin ni Alex ang tungkol sa carpet kung saan madalas talagang maraming natitisod doon, hindi pa naman niya nakikita si Alex na natisod doon kahit kailan at mula noong sa loob na siya ng opisina laging nakapwesto ay wala pa uling natitisod doon.
“Hey Babes, are you okay?” tanong ni Pierre sa kanya. Kasalukuyan silang kumakain nang tanghalian sa mismong restaurant niya.
“Yes Babes, I’m sorry may iniisip lang ako” sagot niya.
“Is there something wrong?” nagtatakang tanong nito.
Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. “Actually, medyo stress lang ako sa work at iniisip ko si Dad” sagot niya.
Totoo naman na hanggang ngayon ay iniisip pa din niya kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanyang ama dahil madalas na itong wala sa mansyon at hindi na sila halos magkita.
“What happened to Tito?”
“Nothing serious Babes, I’m just wondering kung kamusta na si Dad while investigating sa mga death threat na natatanggap niya” sagot niya.
“Wala pa bang lead about that?”
“I don’t know, he don’t want me to br involved on the investigation”
“For sure he just want to protect you”
“I know Babes, but still I am his daughter” malungkot na sabi niya.
“And how are you with your bodyguard?” nagulat man siya sa tanong nito ay hindi niya iyon pinahalata.
“What do you mean?” walang ganang tanong niya.
“Well, I just noticed na kanina pa tingin ng tingin ang bodyguard mo sa’yo mula ng bumaba kayo” kinuha nito ang basong may laman ng tubig at muling nagsalita. “May nangyari ba?” tanong nito habang inilalapag ang baso sa lamesa.
Pa simple naman siyang tumingin sa gilid niya at sa di kalayuan ay nagtama ang mata nila ni Alex, kaya agad din siyang umiwas. Bumuntong hininga siya bago sumagot. “Wala naman Babes, it’s just that I’m not comfortable with him, I just don’t trust him” sagot niya.
“That’s it?” tanong nito na parang hindi naniniwala sa kanya.
“Yes Babes, we don’t trust each other. Wala lang akong magawa dahil si Dad ang pumili sa kanya”
“I don’t like the way he look at you” nakita niya ang pagtangis ng mga panga nito na halatang nagtitimpi ng galit.
Hinawakan niya ang kamay ni Pierre para pakalmahin ito. “Babes, trust me, his nothing, matapos lang ang isang buwan na binigay sa akin ni Daddy mawawala na din siya” pag-aalo niya sa kanyang kasintahan.
“And when will be the last day?”
“I think 1 still have more than 2 weeks”
“Okay, mabilis na lang ang 2 weeks. But make sure you will get rid of him. I really don’t like him” sabi nito na halata ang pagkainis.
“I know, let me handle this” tipid na sagot niya.
Dahil sa dami ng iniisip niya ngayon ay parang ayaw niya na lang palakihin pa ang isyu sa kanila ni Pierre dahil alam naman niya na nag-seselos lang ito. “By the way did you talk to Dad na?” pag-iibang paksa niya.
“Yeah, but since may mga death threat pa nga kayong natatanggap, he can’t decide rigth now and babalikan niya na lang daw ako sa sagot niya” sagot nito.
Naiintindihan niya ang sagot ng kanyang ama, pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagbibigay nito ng pag-asa kay Pierre na papayagan siyang sumama sa pagdiriwang na iyon. Sa tuwing nagpapaalam si Pierre sa kanyang ama ay dalawa lang lagi ang sagot nito, oo o hindi. Napansin din niya na wala ding pagkainis sa mukha ni Pierre, kadalasan kasi ay naiinis ito kapag hindi siya pinapagayan sa mga lakad nila.
“I think it’s okay, matagal pa naman yun” sagot na lang niya.
“Yeah, but I hope Tito will allow you to come with me” nakangiting sabi nito.
PAGKATAPOS MAG TANGHALIAN ay umalis na din agad si Pierre at bumalik naman siya sa opisina. Pero dahil naiilang siya sa naging sagutan nila ni Alex kanina ay nag desisyon siya na sa conference magtrabaho. Natigil siya sa kanyang pagtatrabaho ng may kumatok sa pintuan ng conference room, alam niya naman agad kung sino yung kumakatok dahil salamin lang din ang pintuan ng kanilang conference.
“Ma’am, coffee po” dahan dahang pumasok si Aivee at inilapag ang kape sa lamesa.
“Thanks Aivee” sabi nito sa kanyang sekretarya.
Kinuha niya agad ang kape at agad na humigop.
“Ma’am, hindi pa natin napag-uusapan ang mga meeting natin for this week dahil hindi ka po nakasama sa weekly meeting natin kanina” sabi nito.
“Ow! Sorry Aivee, nawala na sa isip ko yung weekly schedule natin” sagot niya.
Nakita niya ang gulat sa mukha ni Aivee siguro dahil ito ang unang pagkakataon na nakalimutan niya ang kanilang weekly meeting.
“Sobrang busy po ata kayo Ma’am” nakangiting sabi nito.
“Yes, meron lang din akong inaasikaso. Anyway, we can talk it right now” sabi niya.
“Sure Ma’am, let me get my laptop then I’ll be back”
“Sure Aivee, thank you for reminding me” nakangiting sabi niya sa kanyang secretary.
Pagkalabas ni Aivee ay tumayo muna siya sa kanyang kinauupuan para makapag inat-inat. Napansin niya na maya’t maya tumitingin sa kanya si Alex. Lumabas din ito ng opisina niya nang sabihin niya na sa conference muna siya magtatrabaho dahil may mga video call meeting siya kahit na wala naman talaga, gusto niya lang talagang makalayo muna sa kanyang bodyguard. Hindi naman siya nagpahalata na alam niyang sinusulyapan siya ng kanyang bodyguard.
Hindi din naman nagtagal ay bumalik na si Aivee na may dalang laptop.
“For this week, meron tayong meeting with the supplier for tomorrow and friday” pagsisimula ni Aivee, hindi ito nakatingin sa kanya dahil abala ito sa pagtingin sa laptop nito.
“Sinong supplier yan?” mabilis na tanong niya.
Kung maaari ayaw na sana niyang makipag meeting sa kaninong supplier lalo na kung maayos naman ang delivery and transaction nila sa isa’t isa, ngunit merong ibang supplier na may weekly updates.
“For tomorrow, yung supplier natin for beef, this past few months medyo delay yung deliveries nila and we need to talk them if they can still cater our needs” sagot ni Aivee na busy na abala pa din sa laptop.
“Hmm…then?”
“Then on friday, supplier natin for our boxes. Actually they have a suggestion for the rebranding of our boxes but I told them na we’re okay with our existing box design, but they insist to have a meeting with us because suggestion nila yun sa lahat ng client nila” sagot uli ni Aivee.
“Do I need to be there? We have a marketing manager and operation manager” tanong niya na may pagkainis dahil para sa kanya hindi importante ang meeting na yun at masasayang lang ang oras niya.
“Actually, I think we can skip this one Ma’am, then I will inform the marketing manager to attend instead” mabilis na sagot nito.
“Invite also our operation manager”
“Okay, copy Ma’am” sabi nito habang nagtitipa sa kanyang laptop. “Also, we have site visit tomorrow afternoon after the meeting and on wednesday since hindi na natin nadalaw yung site mula nung inatake ka uli ng migraine” pagpapatuloy ni Aivee.
“Okay, and then?”
“I think that’s it for this week Ma’am, nasabi ko na sa marketing manager at operation manager natin yung meeting on friday then na share ko na din yung calendar sayo. Anything na need mo pa Ma’am? ” mabilis na tanong nito.
Kahit matagal nang nagtatrabaho si Aivee sa kanya ay hindi pa din mawala ang pagkamagha niya dito dahil sobrang maasahan ito sa kanyang trabaho. Minsan naiisip din niya kung may time pa ba to sa kanyang sarili dahil minsan na kahit madaling araw na tinatawagan niya ito ay nakakasagot pa din ito.
“Ako na bahala sa bahay ampunan, it’s saturday. I want you to enjoy yung rest day” nakangiting sabi nito sa kanyang sekretarya.
“Thank you Ma’am” nakangiting sagot nito.
“You can continue your work Aivee, thank you for being responsible on your work”
“Thank you for your appreciation” sagot ni Aivee at lumabas na ng conference room.
Nang bumalik na siya sa pagtatrabaho ay napansin niya na tila may repliksyon ng aninong gumagalaw sa lamesa. Ibig sabihin ay maaring merong tao sa kanyang likuran pero impossible dahil bintana ang nasa likuran niya. Hindi din naman maari na puno iyon na hinahangin lang dahil wala namang puno sa likuran ng conference room nila. Sa halip na lingurin niya ang nasa likod ay pasimple niyang iniurong ang kanyang laptop para maaninag ang nasa likod, pero dahil maliwanag at may sikat pa ng araw ay hindi niya makita ang anino dahil tumatama ang sikat ng araw sa monitor ng kanyang laptop ng biglang bumukas ang pinto ng conference room.
Derederetso lang ang pasok ni Alex sa conference room at agad na nagtungo sa bintana na agad naman niyang nilingon. Narinig niya na parang may bumagsak sa baba at nagulat siya ng biglang napasuntok sa pader si Alex.
“So… kanina mo pa napapasin yun?” mahinang tanong niya.
“As if, you don’t know Ma’am” sarkastikong sagot nito.
Napatingin siya kay Alex. “What do you mean?” kunot noong tanong niya.
“Alam kong kanina mo pang alam na may tao sa likod mo, pero wala kang ginagawa at hinahayaan mo lang, para ano? Para mag mukhang ikaw ang biktima?” mahina pero may diin na sabi nito.
Napangisi siya dahil sa sinabi nito. “What the hell are you saying? The reason kung bakit hindi ko siya nililingon because I was trying to check that person on my monitor ng bigla kang dumating”
“O really? I don’t believe you” sabi nito at sabay labas sa conference room ng hindi man lang siya hinintay na magsalita.
Napangisi na lamang siya dahil sa inasta ng kanyang bodyguard. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang bodyguard na tila ang laki ng kasalanan niya sa kanya at tila may kailangan siyang patunayan dito. Hindi na lang niya pinansin si Alex.
HANGGANG PAG-UWI AY hindi na sila nagkibuan pa ni Alex at wala din siyang pakiilam kung hindi na sila magkibuan pa dahil alam naman niya na malapit na ding matapos ang isang buwan.
Pagdating niya sa mansyon ay naabutan niya ang kanyang ama na nasa loob ng kanyang study room. Agad siyang dumeretso doon para makausap ito.
“Dad” mahinang tawag niya.
“Come in, Hija” mahinang sagot nito.
Pumasok naman siya ng tuluyan at isinara ang pinto ng tuluyan na siyang makapasok. Sa dalawang araw na hindi nila pagkikita ng kanyang ama ay tila nabawasan na agad ito ng timbang. Halata din ang eyebag nito sa kanyang mga mata na tila hindi na nakakatulog ng maayos.
“Dad, how are you?” tanong niya ng makaupo siya sa harap ng lamesa nito.
“I’m good Samantha, how about you?” nakangiting sagot nito, pero alam niya na pilit lang ang ngiti nito.
“Are you sure you’re good Dad? Did you ever look yourself at the mirror?” bumuntong hininga muna siya bago ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin. “Halata sa’yo na nabawasan ka ng timbang and look at your eyebag, natutulog ka pa ba? Ano ba ginagawa mo this past few days? Hindi na kita naabutan dito” sunod sunod na tanong niya. Kahit na madalas silang hindi magkasundo ng kanyang ama ay marunong pa din siyang mag-aalala para dito.
Bahagyang ngumiti ang kanyang ama. “Thank you Samantha sa pag-aalala, but don’t worry I am okay. It’s just that nagkakaproblema lang ako sa opisina this past few days kaya madalas gabi na ako nakakauwi” malumanay na sagot ngito.
“Okay Dad, but please remember I am here. Kahit na madalas tayong magtalo if you need help I am here, willing to help you”
“I know hija, pero you have your own business din at kailangan ka din doon lalo na magkakaroon ka pa ng isang branch” sabi nito
“I know Dad, but still tayong dalawa ng lang ang meron kaya sino pa ba ang magtutulungan”
“Thanks hija, kapag hindi ko na talaga kaya I will inform you immediately”
“Okay Dad” alam niyang hindi nagsasabi ng totoo ang kanyang ama. “let’s eat dinner together?” pagyayaya niya.
“Sure Samantha, I will take a bath lang then let’s eat together” nakangiting sabi ng kanyang ama.
Pagkatapos ngang maligo ng kanyang ama ay agad itong bumaba sa hapag kainan nila para sabay silang kumain.