“GOOD MORNING MA’AM Samantha, here’s your coffee” bungad na bati ni Aivee sa kanya.
“Good morning!” matipid na sagot niya.
Abala siya sa kanyang laptop dahil naghahanda siya sa meeting nila para ngayong araw.
“Hmm… Where’s your bodyguard Ma’am?” tanong nito habang nilalapag ang kapeng dala nito.
Napatingin siya kung saan nakaupo si Alex at doon niya lang napansin na wala pa ito.
Napakunot noo siya ng maalala niya kung bakit wala pa ito. “He parked the car, hindi namin kasama ngayon si Mang Benny kaya siya muna nag-drive” sagot niya at muling itinaon ang sarili sa kanyang laptop.
“Buti pumayag si Don Tonny na kayo lang?” tanong uli ni Aivee.
“I think he knows, may need lang gawin si Mang Benny pero he will go straight here after that”
“Okay Ma’am, by the way Ma’am our meeting will be at 10:00 AM then after lunch pupunta na tayo sa construction site”
“Okay Aivee, thank you!”
“You’re welcome Ma’am, I’ll go ahead”
Tumango lamang siya, hindi na niya sinagot pa ang pagpaalam nito dahil mas gusto niyang matapos ang presentation niya sa meeting. Paglabas naman ni Aivee at siya ding dating ni Alex, hindi man niya ito nilingon pero naaninag niya ang pagpasok ng binata.
Mula kahapon ay hindi pa sila nag-uusap uli, pakiramdam niya ay laging naghahanap ng butas ang binata sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin sa sinabi niya kahapon.
I’ll prove to you kung sino sa atin ang katiwa-tiwala
Nawala siya sa pokus ng maalala niya ang linya na iyon, hindi niya alam kung bakit nasabi sa kanya iyon ni Alex. Nang malaman niya na wala si Mang Benny at sila lang ni Alex ang magkasama sa sasakyan ay nagpanggap siyang abla at naglagay ng headseat sa kanyang tenga. Dahil sa nangyari sa kanila, nagiging maingat siya sa bawat galaw niya. Hindi niya lubos na kilala ang binata at hindi niya alam kung bakit ang bait ng ama niya sa binatang ito.
Nang tuluyan na siyang hindi makapag pokus ay nag-inat na muna siya at humigop ng kapeng binigay ni Aivee. Nang mawala na sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Alex ay muli siyang bumalik sa kanyang ginagawa.
“MAYBE WE CAN discuss na yung contract?”
Patapos na sana ang meeting nila ng biglang magdesisyon ang kanilang kausap na pagusapan na ang kontrata, hindi kasama sa usapan nila na ngayon na din paguusapan ang kontrata para sa partnership nila.
“Oh! As in now?” si Aivee ang sumagot na halata din ang gulat sa mukha.
Alam nito na meron pa silang pupuntahan pagkatapos ng meeting at hindi mabilis na usapan ang tungkol sa kontrata. Nagkatinginan sila ni Aivee at tumango lang siya dito.
“I understand if you want to discuss now our contract but I think I will excuse myself since I have something to do pa” sabi niya.
Nang mapansin niya na parang nagaalinlangan ang mga kausap nila ay muli siyang nagsalita. “Don’t worry, Aivee and George is here to review the contract and I will also call my lawyer just to make sure na walang magiging problema sa kontrata”
“It’s all about discussion pa naman Ma’am, wala pang primahang magaganap, just want to know kung ano yung magiging terms and conditions natin on every scenarios”
“Well, that’s better and thank you for understanding, I just really need to go on time” nakangiting sabi niya. Binaling niya naman ang tingin niya sa kanyang sekretarya. “Aivee, can I have you a moment?”
“Sure Ma’am” sagot nito.
Pagkatapos magpaalam ni Samantha sa mga ka-meeting niya ay lumabas na din agad siya ng conference room at nakasunod naman si Aivee.
“Ma’am, I’m sorry hindi kita masasamahan today”
“It’s okay Aivee, I have Mang Benny naman, just make sure na maayos yung magiging usapan niyo ha? I don’t want to have inconsistent partner sa business natin”
“Makakaasa po kayo Ma’am and walang pirmahang magaganap today”
“Thanks Aivee, you can go back” nakangiting sabi niya.
Ngumiti lang sa kanya si Aivee at muli siyang bumalik sa conference room. Napaka swerte niya kay Aivee dahil nakikita niya ang dedikasyon nito sa trabaho at talagang maasahan sa tuwing kailangan na kailangan niya ito.
Pagbalik niya sa kanyang opisina ay agad niyang tinawagan si Mang Benny.
“Hello Mang Benny, where are you?”
“Princess, baka mamaya pa ako makarating diyan na-traffic ako”
“Okay Mang Benny, thank you! Take care, bye!” ibinaba na agad niya ang kanyang selpon.
Umupo siya sa kanyang upuan at unti unting nililigpit ang kanyang mga gamit.
“We’re going the construction site, prepare the car” sabi niya kay Alex pero hindi niya ito nililingon.
“Diba hihintayin natin si Mang Benny?” patanong na sagot nito pero malumanay ang pagkakasabi.
“Mamaya pa daw siya makakabalik dahil na traffic siya kaya hindi na natin siya mahihintay”
“Pero sabi ni Don Tonny hindi tayo pupunta sa construction site ng wala si Mang Benny”
Tumingin siya ng masama kay Alex. “Hindi mo ba naiitindihan na may schedule akong hinahabol kaya kailangan kong makapunta doon dahil may pupuntahan pa ako after sa construction site” pagalit na sabi niya.
“No, let’s wait Mang Benny” pagmamatigas nito pero malumanay pa din ang pagsasalita.
“How dare…”
“Don’t start Ma’am, dahil magsasagutan na naman tayo” naputol ang sasabihin niya ng magsalita ito, malumanay pa din pero may diin sa bawat salita.
Ngumisi naman siya sa binata. “You’re just a bodyguard remember?” bigla siyang tumayo sa kanyang kinuupuan at padabog na naglalakad papunta sa pintuan. Akmang bubuksan na sana niya ang pintuan…
“Where do you think you’re going?” nagulat siya ng bigla siyang hawakan ni Alex sa kanyang braso.
“Wala kang pakiilam kung saan man ako pupunta” pagtataray niya dito dahil sa inis na nararamdaman niya.
Ngumisi din sa kanya si Alex. “Don’t try me or else…”
“OR ELSE WHAT!!??” pasigaw na tanong niya, nakita niya ang gulat kay Alex. “…who do you think you are? Kung umasta ka akala mo kung sino ka, Dad hired you but that doesn’t mean magiging bastos ka na” sabay hawi niya sa kamay nito at agad lumabas.
Nang makalabas siya ng kanyang opisina ay napatingin pa siya sa mga empleyado niya na nakatingin sa kanya, dahil alam niyang narinig ng mga ito ang pagsigaw niya pero sigurado siyang hindi nila alam kung sino ang sinisigawan niya. Kaya umakto siya na may tinitingnan sa kanyang selpon para hindi nila mapansin na si Alex ang kasagutan niya.
Bumaba siya sa restaurant at doon nagpalamig muna, sinusubukan niyang kontakin si Pierre para magpasama pero hindi ito sumasagot mula pa kaninang umaga. Sinubukan din niyang tawagan ang kanyang ama para malaman kung pwede siyang makasama sa construction site pero hindi din ito sumasagot. Nang may makita siyang taxi sa labas ay nagkaroon siya ng ideya.
PAGLABAS NI SAMANTHA sa kanyang opisina ay susunod sana agad si Alex dahil baka kung saan ito pumunta pero nang mapalingon siya sa lamesa nito at nakita niya bag nito kaya alam kampante siyang sa baba lang ito pupunta, alam niyang hindi iyon makakaalis dahil sa pagkakaalam niya ay hindi ito marunong mag commute. Muling siyang umupo sa couch para magbasa ng magasin.
Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din bumabalik si Samantha, gustuhin man niyang bumaba para tingnan ito pero ayaw niyang kunsintihan ito na laging siya ang sinusuyo. Alam niya na trabaho niyang bantayan ito pero ayaw niyang masanay ito na laging nasusunod ang gusto nito kahit na delikado. Bumuntong hininga na lang siya at muling nagbasa ng magasin.
Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang tumunog ang kanyang selpon.
“Mang Benny? Saan na po kayo?” agad na tanong niya nang makilala niya kung sino ang tumatawag.
“Nag change route na ako papunta sa construction site, nakarating na ba kayo?”
“What? I’m here at the restaurant” nagtatakang sagot niya.
“Ha?” nahalata niya ang gulat ni Mang Benny. “Kakatawag lang ni Samantha, on the way na daw kayo sa constuction site”
“Oh! s**t! I have to go Mang Benny, please call me kapag nauna ka sa construction site” sabi niya, hindi na niya hinintay pang sumagot si Mang Benny at binaba niya na agad ang kanyang selpon.
Agad siyang lumabas ng opisina ni Samantha at patakbong bumaba sa restaurant, hinanap niya ito pero hindi niya makita si Samantha. Lumapit siya sa security guard na nakatoka ngayon.
“Nasaan si Ma’am Samantha?” natatarantang tanong niya.
“Umalis na po siya Sir Alex, ang sabi niya alam mo daw na aalis siya at dahil may ginagawa ka nauna na siyang umalis” nakakunot noong sagot nito na halata din ang pagtataka.
“Oh! s**t! Ano sinakyan niya? May sumundo ba sa kanya?”
“Nag taxi po siya Sir, pumasok pa siya sa restaurant back door, paglabas niya dere-deretso siya palabas ng restaurant tapos nagpara ng taxi” mas naging tensyonado ang mukha nito dahil siguro sa pagtatanong niya.
“Oh! That girl” pabulong na sabi niya. Tinapik niya ang balikat ng security guard. “Thank you, I have to go” bumalik siya sa opisina para kunin ang bag ni Samantha.
Palabas na uli siya ng opisina nang makasalubong niya si Aivee na papasok naman sa opisina.
“Sir Alex?”
“Sorry I have to go” sabi lang niya sa halip na batiin ito.
Palabas na sana siya nang biglang magsalita ito. “Akala ko wala ng tao dito dahil kanina ko pa nakitang lumabas si Ma’am Samantha”
Napahinto siya sa paglalakad. “What do you mean?” kunit noong tanong niya.
“Bumababa kasi ako kanina sa restaurant para kausapin yung mga staff, pababa pa lang ako nakita ko na si Ma’am Samantha palabas ng restaurant akala ko ikaw ang kasama niya, kaya nagtataka ako nung makita pa kita dito” paliwanag nito.
“Nakita mo ba yung sasakyan?”
“No, pagbaba ko hindi ko na napansin yung sasakyan kasi ang alam ko ikaw yun” nakakunot noong sabi nito.
“No, tinakasan niya ako”
“What? Hindi naman ganon si Ma’am” pagtatanggol nito sa amo nito.
“You don’t know her” sagot lang niya at akmang lalabas na siya ng bigla siyang hinahawakan ni Aivee sa kanyang braso.
“You want me to call Sir Pierre? Para malaman natin kung siya ang kasama ni Ma’am Samantha?” suhesyon nito.
Napaisip siya sa sinabi nito, may posibilidad na baka si Pierre nga ang kasama niya kaya malakas ang loob umalis ng hindi siya kasama.
“Okay, can you call him now?”
“HELLO MANG BENNY, nasaan ka na?”
Kasalukuyan na siyang bumabayahe para sundan si Samantha, ilang beses sinubukan ni Aivee na tawagan si Pierre pero ni isang beses ay hindi ito sumagot kaya nag desisyon siyang umalis na para mahabol agad nito si Samantha.
“Medyo matagal pa ako, malala traffic ngayon”
“Okay, just give me an update, ingat ka Mang Benny” sabi nito at agad na ibinaba ang selpon.
Si Samantha naman ang sinusubukan niyang tawagan pero hindi din ito sumasagot mula pa kanina.
“That damn Girl!!!” padabog na sabi siya kasabay ng paghampas niya sa kanyang manebela. “Maabutan lang talaga kita!!!” sabi niya.
Mas pinabilis niya ang takbo ng sasakyan para lang mahabol ito, hindi niya alam kung isang oras o higit na ba nakakaalis si Samantha mula sa restaurant, pero nasisigurado niya na hindi pa ito nakakarating doon dahil dalawang oras ang byahe papunta sa construction site. At sa tindi ng trapik ngayon alam niyang lagpas pa sa dalawang oras bago ito makarating sa construction site.
Muling tumunog ang selpon niya, napakunot noo siya nang makitang niyang galing sa hindi kilalang numero ang tawag.
“Hello? Who’s this?” nakakunot noong tanong nito.
“Sir Alex, this is Aivee, I just called Sir Pierre ang sabi niya hindi niya daw kasama si Ma’am Samantha, pupunta din daw siya sa construction site”
“Did you tell him?”
“Yes Sir, I believe he has the right to know because his the boyfriend at hindi ko din matago sa kanya dahil nagtataka siya kung bakit ko siya hinahanap”
Napabuntong hininga siya. “Dapat hindi mo na sinabi”
“Mas okay kung alam niya din para dalawa kayong hahabol kay Ma’am Samantha, kung sino yung mas mabilis sa inyo”
“Fine! And how did you know my number?” tanong niya dahil sa pagkakaalam niya ay wala siyang pinagbibigyan ng numero niya.
“Binigay pala ni Ma’am Samantha yung nunmber mo in case na hindi ko siya ma kontak Sir”
“Okay, thanks for the update” maikling sagot niya, hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at agad na binaba ang tawag.
HALOS DALAWANG ORAS din ang nakalipas nang makarating si Alex sa construction site, agad siyang bumaba ng sasakyan, hindi na niya inaayos ang pag-park nito. Agad siyang pumasok sa loob ng construction site at nagtataka siya kung bakit wala ang mga trabahador dito sa oras ng trabaho, halos ang tahimik ng buong lugar.
“Ma’am Samantha!?” sigaw niya, pero walang sumagot.
Imposible na hindi marinig ni Samatha ang sigaw niya dahil hindi naman kalikahan yung lugar. Dumeretso pa siya ng lakad para tingnan ang bandang likod ng construction site, pero wala din si Samantha. Tumingin siya sa taas, imposible naman kung aakyat ito sa taas dahil hindi pa masyadong ligtas ang pag akyat doon lalo na kung hindi ito sanay sa pag akyat sa mga construction site. Muli siyang nag-ikot sa unang palapag at sinisigaw ang pangalan nito.
Nang mapansin niya na wala talagang sumasagot sa kanya ay nagpasya na siyang umalis na, pero muli siyang napatingin sa taas at sa hindi niya malamang dahilan ay tila may kung anong tumatawag sa kanya sa taas. Kaya nagpasya na lang siyang umakyat bago tuluyang umalis.
Dahan dahan ang pag-akyat niya dahil pakiramdam niya kapag nagkamali siya ng hakbang ay mahuhulog siya, kaya nagtataka siya kung sakali mang umakyat nga si Samantha.
“Ma’am Samantha!?” muling sigaw niya nang maka akyat na siya sa pangalawang palapag, pero wala pa ding sumasagot sa sigaw niya.
Hindi na sana siya dederetso pa sa pagtingin dahil delikado pa yung mga apakan ngunit may nakita siyang anino sa likod ng isang patong patong na hollow blocks.
“Samantha!?” tawag niya dito pero hindi man lang gumalaw ang anino.
Dahan dahan siyang lumapit kung saan nakatago yung aninong nakita niya, malapit na siya nang biglang gumalaw ang aninong nakita niya at tumakbo papalayo.
“Hey!” sigaw niya.
Mabilis na tumakbo ang taong nagmamay ari ng aninong nakita niya, sa paraan ng pagtakbo nito ay tila kabisado nito ang lugar at alam nito kung saan ligtas at hindi ligtas gumalaw.
Hinabol niya ito, hindi niya alam kung lalaki o babaw ito, pero sa tindig nito at tila isang lalaki, matangkad, malaki ang pangagatawan, pero may banda na kilos nito na para itong babae pero hindi siya sigurado. Hindi niya maaninag ang muka nito dahil naka bonet at kulay itim ang lahat ng kasuotan nito.
Dahan dahan ang paghabol niya dahil hindi niya alam kung ano ang matibay sa mga naapakan niya. Hanggang sa makarating siya kung saan nakatago ang hinahabol niya, napabilis ang bawat hakbang niya dahil kinabisado niya ang bawat hakbang ng kanyang hinahabol, hanggang sa makarating siya sa dulo kung saan lumiko ang kanyang hinahanap, pero nawala pa din ito sa kanyang paningin, dead end na ang kanan na nilikuan ng kanyang hinahabol. Nasa pangalawang palapag sila ngunit paglingon niya sa baba kung saan niya inaasahan na makikita ang hinahabol niya ay wala siyang nakita, tumingin siya sa taas para tingnan kung umakyat ba itopero wala din siyang nakita.
Malalim siyang napabuntong hininga at sumandal sa pader, nakaharap siya ngayon sa kabuuan ng pangalawang palapag. Napalingon uli siya kung saan nakatago kanina ang taong nakita niya nang may mapansin siya.
Dahan dahan siyang lumapit sa pwesto kung saan nakatago ang taong nakita niya kanina at doon niya lang nakita si Samatha na nakahiga sa sahig at walang malay.
“Oh s**t!” agad na niya itong nilapitan.
Nang tuluyan na siyang makalapit kay Samantha ay agad niyang hinipo ang leeg nito, nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman niyang humihinga pa ito, pero napansin niya na may dugo sa kanang bahagi ng katawan nito. Agad na hinahanap ni Alex kung saan nanggagaling ang dugo na iyon at nakita niya na merong malaking sugat si Samantha sa balikat nito.