Naging mapayapa ang gabi para kay Melissa. Para bang fulfilled na ang kanyang mission. Nakangiti habang nakapikit ang kanyang mga mata.
"Good morning!" masiglang bati n'ya sa mga kasama sa silid na sina Candy at Mandy.
Gising na rin ang mga ito ngunit ayaw pa magsibangon.
"Kay ganda ng umaga." Bati naman ni Candy.
"Ang sabi magkikita lang ang nangyari aba eh buong araw at gabi nawala pati anino, pagbalik eh mistulang napakasariwa." Biro ni Mandy.
"Oo nga. Ano ang nangyari?" usisa ni Candy.
"Itinatanong pa ba iyan," sagot n'ya na may kasamang magandang ngiti.
"So, ano ang status ninyo?" pangungulit ni Mandy.
"No strings attached." Mayabang na anunsiyo n'ya na ikinagulat ng mga ito.
Ang pagkakilala ng mga ito sa kanya ay mataas ang standard pagdating sa mga lalaki. Kaya nga ni minsan ay hindi s'ya nagpaligaw. Puno ng pagtataka ang mukha ng dalawang kasama.
"Pumayag ka basta ng ganun lang?" manghang tanong ni Mandy.
"Why not? Totoo nga ang sinabi nila noh, sapul walang lusot nagiging marupok ka sa tuwing kasama s'ya pag tinamaan ka." Pahayag n'ya.
"Melissa, ikaw nga ba talaga iyan?" ulit ni Mandy.
"Of course, it's me." Maanghang na tugon n'ya.
"You're too different from the girl we used to know," puna ni Mandy.
"Can't blame her. Things areunpredictable. Sabi nga nila just grab the chance no matter what life has to offer. Live life to the fullest. Kung mahal mo at masaya ka, go with it. You just have to be ready sa magiging consequences." Patuloy ni Candy na pilit inuunawa ang kaibigan.
"For me, I like him. I'm willing to do anything for him. Maybe he is just attracted to me and whatever his reasons are, I'll take it from there hanggang sa matutunan n'ya akong mahalin ng buo." Pagdadahilan ng dalaga.
"Even if it makes you cheap?" paninigurado ni Mandy.
"I look cheap already sa kanyang paningin, but I don't care about how he sees me. It will change over time," giit pa n'ya.
"Tsk tsk." Tanging reaksyon ni Mandy.
"Nasasabi mo lang iyan because you are not in the situation." Nakangiting tugon ni Melissa at tinapik sa balikat ang kaibigan.
Tumayo na s'ya para bumaba sa kanilang sala. Magkakaroon daw ng pagtitipon ang lahat para pag-usapan ang susunod nilang raket.
"Ano pa ang hinihintay ninyo? Hindi maaring maghintay si Madam Aura ng matagal," saad ni Melissa sa dalawang kasama na nakahiga pa rin.
Agad na tumalima naman ang mga ito dahil sa huli n'yang sinabi. Pagdating sa ibaba ay hindi pa sila kumpleto. Marami pa ang hindi nakalabas ng kanilang silid. Naghanap ng mauupuan ang tatlong dalaga at sakto sa kanilang pagdating saka naman nagsibabaan ang iba pang alaga ni Madam Aura. Nagsimula ang kanilang pagtitipon sa maiksing panalangin at si Madam Aura ang nanguna sa naturang pagtitipon. Ayondito,o ay lima sila na magkasama nila Mandy, Candy, Leslie at Aria sa party ni Senator Monteclaro na gaganapin sa Batangas. Isa daw itong private resort. Kaarawan ito ng Senador na nakaraang gabi lang n'ya nakilala at sandaling nagkausap. Pagkatapos ng kanilang orientation ay nagsibalikan na sila sa kanilang mga silid upang paghandaan ang naturang event.
"Done!" sigaw n'ya matapos makapili at maiayos ang mga gagamitin.
Nakalagay na rin ito sa isang malaking shoulder bag. Ilang araw na lang ay papunta na sila ng Batangas.
"Busy?" message galing kay Gregory.
"Himala!" bulong n'ya na nakangiti.
"Ano ang himala diyan? Baka masama kamo ang pakiramdam at kailangan ang iyong kalinga," saad ng kaibigan na si Mandy.
"Ikaw panira ka talaga. Huwag kang over react, Babe!" tugon n'ya kay Mandy.
"Maybe I am overreacting. But I am just overly concerned about you," giit nito.
"Huwag ka masyadong mag-worry dahil kukulubot iyang mukha sa stress," biro n'ya rito.
"Aysus. Huwag mo ng tangkain pang ibahin ang usapan, basta ang sinasabi ko. Ang mahirap diyan baka iputan ka lang, naku!" dugtong pa ng kaibigan.
"Huwag kang nega, okay? Trust me," tugon n'ya.
"As if may magagawa ako. Baka magiging labas n'yan eh ako pa ang kontrabida." Hindi mawala ang pag-aalala ni Mandy.
"Nauunawaan ko. Just stop, alright." Napipikon na sabi n'ya dahil paulit-ulit lang ito ng sinasabi.
Tumigil naman ito sa pagsasalita at nakanguso na napatingin sa kanya.
"Wait, sagutin ko lang message nito." Paalam n'ya.
Matagal silang nag-uusap ng binata sa text at para s'yang baliw na nakangiti mag-isa.
"Babe, may naghahanap sa iyo sa ibaba." Saad ni Mandy na lukot ang mukha.
"Bakit ganyan naman ang itsura mo?" tanong n'ya ngunit hindi naman ito sumagot.
Seryosong mukha ang bumungad sa kanya. Hindi n'ya inaasahan ang biglang pagsulpot ng binata sa bahay ni Madam Aura. Gusto n'ya lumundag sa excitement kahit hindi pa n'ya natukoy ang talagang pakay nito.
"Ganito na ba ako ka importante?" kinikilig na bulong n'ya sa sarili habang naglalakad pababa ng hagdan.
Hindi n'ya napansin na sa kanyang hinaharap pala napako ang tingin ng binata dahil ang mga mata n'ya ay sa kanyang daraanan.
"Hi! What brings you here?" masiglang bungad n'ya.
"I came to see you. I like those crowns," saad nito na nakatingin pala sa kanyang dibdib.
Sinundan ng dalaga kung saan nakatingin ang binata saka n'ya napagtanto na sa dibdib pala n'ya ito nakatitig at ang crown na tinutukoy nito ay ang kanyang n*****s. Biglang nahiya ang dalaga at nag-cross ng dalawang kamay upang mapagtakpan ng bahagya ang namimintog na korona.
"Why did you cover them up? I said I liked them," tukso nito na nakangisi.
"Heh! Bakit ka nga napadpad dito?" untag n'ya sa bisita.
Mukhang kagagaling lang nito sa trabaho.
"Wala naman. It popped out of my mind in a second so I'm here. I had a meeting with a client nearby," paliwanag nito.
"Okay, so?" sagot n'ya na naghihintay ng iba pang sasabihin ng binata.
"Can we go out tonight?" saad ni Gregory na ikinagalak naman ng dalaga.
"First date na ba ito? Diyos ko, it's a sign na." Kinikilig at tahimik na bulong n'ya habang nakangiti sa binata.
"So? Are you gonna come with me or not?" ulit ng binata nang napansin na nakatunganga lang ang dalaga habang nakatingin sa kanya.
Mukhang wala sa huwisyo n'ya ang dalaga. Dinama ni Gregory ang kanyang noo.
"Okay ka lang? You do not have a fever naman ah," saad nito at sinalat pa ulit s'ya nito.
"I'm good. Can you wait for me?" namalikmata na sagot n'ya.
"Go!" tugon nito kaya mabilis na umakyat ng kanyang silid ang dalaga upang mag-shower.
"Ayeeee! Niyaya n'ya ako mag-dinner." Hiyaw n'ya habang nasa shower at napailing na lang ang dalawang kasama.
Naiwan sa ibaba si Gregory at nadatnan ito ni Madam Aura doon. Masaya naman nitong in-entertain ang bisita. Samantala sa kanyang silid ay excited at hirap makapili ng isusuot n'yang damit si Melissa.
"Ano ba iyan, ang tagal makapili. Lahat naman bagay sa iyo ah," nagreklamo na saad ni Mandy.
"Oo alam ko pero alin ba ang pinakamaganda," ulit n'ya sa dalawang kaibigan.
"Ito na lang," sagot ni Candy na hawak ang isang kulay sunflower na damit.
"Sige. Mukhang sa beach lang ang datingan ah, presko sa paningin." Natutuwang tugon n'ya at mabilis na sinuot ang napiling damit.
"Go na, naghihintay na ang gwapo na lalaki sa ibaba." Sabi ni Mandy na noon ay nahihilo na sa kanyang pag paroo't parito.
Pagbaba n'ya ay malapad na mga ngiti ang sumalubong sa kanya mula sa gwapong bisita at kay Madam Aura.
"You take care of my baby," paalala ni Madam Aura.
Ngumiti ang binata bilang tugon saka nagpaalam. Humalik sa pisngi ni Madam Aura ang dalaga bago sila umalis. Hindi pa rin nawawala ang pagiging gentleman nito. Hawak nito ang kanyang kamay at siko saka inalalayan sa pag-akyat ng sasakyan.
"Thank you," maluwang ang ngiti na saad ng dalaga.
Isang matunog na halik ang binigay nito sa kanyang pisngi. Pumwesto na ito sa driver's seat saka muling tumingin sa kanya upang tingnan kung okay na ba s'ya.
"Where are we going?" tanong n'ya.
"Greenbelt," tipid na saad nito.
"Sosyal," bulong n'ya.
"Maybe you wanna go elsewhere?" balik tanong nito sa kanya.
"Wherever you want to go, I'm good." Sagot n'ya sa mapang-akit na boses.
"Okay," napapangiti na tugon nito habang nakatingin sa kanilang daraanan.
Sa isang private at fine dining restaurant s'ya nito dinala. Mabuti na lang iyon ang napili n'yang suotin kaya medyo hindi alanganin sa venue. Inayos pa n'ya ulit ang kanyang kasuotan bago humawak sa braso nito papasok ng kainan.
"Favorite place mo!?" tanong n'ya.
"Not really but I prefer this place dahil tahimik at may privacy." Saad nito.
Iginiya sila sa isang private room kung saan naka-ready ang kanilang inumin at mga gagamitin. Inalalayan s'ya ng binata na makaupo. Fully set up ang lugar at may nakatayong server. Kinausap nito si Gregory at agad itong tumalima. Maya-maya lang ay may maliliit na tugtog na s'yang maririnig at hindi nagtagal ay i-serve na ang kanilang pagkain. Inikot n'ya ang paningin at sadyang napakatahimik at privy ng lugar kaya hindi nakapagtataka na gusto dito ni Gregory.
"Sino pa kaya ang mga dinala n'ya rito?" naisip n'ya.
"I seldom go here with my exes." Sabi nito na s'yang sagot sa lihim n'yang katanungan.
Natapos ang kanilang pagkain at naligpit na lahat ng waiter ngunit mukhang wala pang balak umuwi ng binata. Nakakapanibago dahil seryoso at napakatahimik nito ngayon. Salamat sa mga turo ni Madam Aura kaya hindi s'ya nahirapan sa mga ganitong okasyon kung paano mag-behave at ang mga dapat gawin.
"Lets go up there," sabi nito sabay turo sa roof top ng restaurant.
Kinuha nito ang kanyang kamay at hawak nito ito hanggang sa makarating sila sa tuktok. Sinara nito ang pintuan ng naturang silid.
Dalawa lang sila na naroon.
"What a beautiful view!" bulalas ng dalaga.
Nagkikislapan na mga ilaw mula sa mga gusali at sasakyan ang makikita. Panandalian na naging tahimik ang kanyang utak at walang ibang iniisip kundi i-enjoy ang moment kasama ang binata. Lumapit ito sa kanya at niyakap s'ya mula sa likuran.
"I missed you, I missed this." Bulong nito na nagsisimula na naman gumalaw ang mga kamay.
Hinarap ito ng dalaga.
"What if I fell in love with you, would you accept that?" hirit ng dalaga.
"Love? That's not possible, we know that. We just want each other, right? Let's just stick to that," giit ng binata.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang magpakalunod sa agos. Habang tumatakbo ang mga oras na kasama n'ya ito ay mas lumalalim ang dahilan kung bakit nanaisin n'ya na makasama ito. Muling naglagablab ang apoy sa pagitan nila ng binata. Mismo sa mamahaling lugar na iyon doon sa tuktok kung saan walang ibang makakaalam kundi sila lamang at ang nagkikislapang mga bituin sa langit ay muling pinaligaya nila ang isa't isa. Natapos ang gabi na may parehas na ngiti sa kanilang mga labi. Ngiti na hinihiling ni Melissa ay sana huwag mapawi.