Napaisip si Melissa dahil mataas masyado ang kanyang expectations after ng kanilang kasal. Inaasahan kasi n'ya na may surpresa mula sa asawa. Ngunit pinagkasya n'ya na lamang ang sarili sa naging desisyon ni Manuel. Ang nagustuhan ni Melissa sa lugar ay ang kalayaan ng guests na pumili ng fresh food, kumbaga farm harvest to table ang set up. Kaya nagagawa n'yang makigulo maging sa paghahanda ng kanilang breakfast. "Wow! Babe, I'm so proud of you. Nagawa mong manghuli ng isda at makapaghanda ng breakfast for everyone this early," panunukso ni Mandy. "Hahaha, hindi noh! Alalay lang ako, sina Manang ang nagluto." Sagot ni Melissa sa kaibigan. "Siya, sige na. The food is ready! I hope you enjoy the freshness of our meal today," anunsiyo ni Manuel. Masaya at maganang nag-almusal ang grupo

