Habang nagmamaneho patungo sa kanilang destinasyon ay buong oras din na kay Gregory lang nakatuon ang kanyang atensyon. Hindi n'ya maalis ang mga mata sa pagkakatitig sa napaka-gwapo nitong mukha.
"Can you close your mouth while staring at me?" hindi na napigilan na puna ng binata nang napansin na kanina pa nakamasid sa kanya si Melissa.
"Pati ba naman iyon," pabulong-bulong na saad n'ya.
"Are we going in the right direction?" tanong nito na hindi sigurado sa kanilang daraanan.
"Yes, we are heading in the right direction. Kahit naman saan mo ako dalhin ay sasama ako," pahaging na tugon ng dalaga na alam n'yang naiintindihan ng lalaking kasama.
"What if I bring you to hell?" pang-aarok nito.
"If it is the only way going through your heart, why not?" sagot ng dalaga.
Hindi makapaniwala si Gregory sa mga naririnig galing sa dalaga.
"Sounds corny!" kutya ng binata na hindi natutuwa.
"Maybe yes, but it feels good, right?" giit ng dalaga.
"I don't think so. What else should I hear from you? You're still young, so it's understandable, but I don't bet on it." Patuloy ng binata.
"I'm not that young, you know that. I can be a mother for real," pagpaparinig ng dalaga.
"A mother, really? Do you think someone will take you seriously? You should look for another job to be able to do that," sarcastic na saad ng binata.
"Ganyan talaga kung makapanghamak ka sa trabaho ko eh noh? Hello? Ganito lang ang trabaho ko pero matino akong babae at hindi ako basta pumapatol. In fact, ikaw lang ang pinagbigyan ko." Napikon na buwelta ng dalaga.
"So, should I take that as a sort of what? I don't understand, you went lower than what I thought and you wanted me to have a good impression of you?" nailing na pahayag ni Gregory.
Napaismid at napahalukipkip na lang s'ya sa tabi. Na-offend s'ya sa sinabi nito ngunit ayaw n'yang patulan pa. Ito ang unang beses na lalabas sila kaya hindi maari na basta lang ito ma-spoil.
"Why are you not talking now?" puna nito habang nagmamaniobra na ma-ipark ang kotse nito.
Hindi ito pinansin ng dalaga at nauna ng bumaba papunta sa lugar kung saan sila unang mag-date. Hindi man ito sosyal gaya ng inaasahan n'ya ay pabor na rin ito para sa kanya na nais makasama ang binata. Sa isang food bazaar, sila nagpunta ni Gregory. Napapagitnaan ito ng matatayog na gusali at halos karamihan ng mga food lovers ay naroon. Para itong food festival, kung saan iba't ibang specialties ang ipino-promote upang maibenta ang kanilang mga produkto. Nakatayo si Melissa sa harapan ng isang kiosk na nagluluto ng mga barbecue mapa-chicken, fish at pork. Kanina pa s'ya nagugutom. Masyadong crowded iyong place pero okay lang s'ya naman ang may gusto na doon sila kumain.
"What are we doing here?" tanong ni Gregory na biglang sumulpot sa kanyang tabi.
"Looking for something to eat. What do you want for dinner?" saad n'ya na nawala na ang inis sa binata.
Feel n'ya ang matigas na katawan nito, habang nakatayo sa kanyang likuran. Nakasiksik din kasi ang binata sa kanya sa dami ng tao sa lugar.
"I don't know. Ano ba ang masarap?" tanong nito na mukhang hindi alam kung alin ang kakainin sa dami ng naka-display sa paligid.
"Ako, ayaw mo?" sagot n'ya sabay lingon dito at tiningnan ito ng malagkit.
Natawa naman ito sa kanyang sinasabi at sinundot s'ya sa tagiliran.
"Masarap kang batukan," saad ng binata.
"Sus! Deny pa, nag-enjoy ka rin naman." Tukso n'ya rito.
"Ano nga ang masarap kainin?" tanong ulit ni Gregory.
"There" Sagot ni Melissa sabay turo sa isang naka-display na plato na naglalaman ng iba't ibang uri ng barbecue.
"Are you sure?" nagdadalawang-isip na tugon ng binata.
"I am very sure. Saka na-miss ko kumain n'yan, madalas kasi gulay kami sa bahay. Ikaw ba? Siguro fast food at puro ka din order sa labas noh?" sagot ni Melissa.
"No wonder with your size," komento nito.
"Excuse me? Sexy ko kaya," confident na tugon ng dalaga.
"Sige na! You place your order. I'm so hungry na." Reklamo ng binata saka binigyan s'ya ng cash para pambayad sa kanilang pagkain.
Hindi ito tinanggap ng dalaga.
"Why? Isn't it enough?" tanong ng binata saka dumukot pa ulit ng isa pang libo.
"No, you keep that. I'll take care of this. Mabuti pa maghanap ka ng mauupuan natin," utos n'ya sa binata na nakunot ang noo sa inasta n'ya.
Hindi nito inaasahan na ang babae magbayad ng kanilang order. Hindi na ito nagpumilit pa kaya naghanap ito ng pwesto na hindi medyo malayo sa crowd. Hindi kasi sanay sa magulong lugar ang binata. Pagkatapos um-order at bayaran ito ay hinanap ng dalaga ang binata. Lumapit s'ya kinauupuan ng binata at tumabi rito. May binabasa ito sa cellphone.
"What's that?" usisa n'ya habang patuloy pa rin ito sa ginagawa.
"Work related." Tipid na tugon ni Gregory.
"Hanggang dito ba naman dala mo pa rin ang trabaho." Saad n'ya.
"You can't relate to this dahil iba naman ang field of work mo," sagot sa kanya.
"What are you trying to say? That my job is worthless at nakakabobo?" magkasalubong ang kilay na tanong n'ya.
"I didn't say that. It came out from your mouth," simpleng tugon nito na hindi naalis ang atensyon sa binabasa.
"Kahit ganito lang trabaho ko ay naging makabuluhan naman ang buhay ko. This has become my choice because I have nowhere to go. I am an orphan, my own family do not want me yet I survived. I'm proud of that," taas noo na sagot ng dalaga.
Napaangat ng ulo ang binata sa kanyang sinabi.
"You said you are an orphan? How come you have a family." pag-uulit nito.
"Yes, I am an orphan. I was considered to be one when my father left us and my Nanay died. Their respective families have rejected me before I even exist." Pahapyaw na kwento n'ya.
"Sorry to hear that," tanging nasambit ni Gregory.
"No, I don't need that. Ayoko na kinaaawaan ako. Just stop judging me because you do not know me," pahayag ng dalaga.
Hindi sumagot ang binata subalit matamang nakatitig ito sa kanya.
"Why you have changed your mind?" tanong ng dalaga.
"About what?" balik tanong ni Gregory sa dalaga na nagsisimula na naman na maging maharot sa uri ng mga tingin na pinupukol nito.
"Akala ko ayaw mo sa akin. Na-konsensya ka ba o nanghinayang na basta ayawan ang kagaya ko?" sabi n'ya rito.
"I didn't know. It was a last minute decision." Tipid na tugon ng binata na bumuhay sa kanyang pag-asa na magugustuhan din s'ya ng binata.
Nagdulot ito ng magandang ngiti sa dalaga.
"Why are you smiling?" tanong nito.
"Do I not look good when smiling?" saad n'ya.
"I feel anxious with that smile," sagot ni Gregory.
"How come? You are affected, aren't you?" panunukso n'ya sa kausap.
"We better eat," pag-iwas ng binata sakto naman na dumating na ang kanilang pagkain.
"Sige lang, akala mo makakalusot ka. Madami pa naman pagkakataon, akala mo." Pabulong-bulong na saad n'ya.
Maganang kumain ang dalawa. Maging ang dalaga ay sobrang natakam dahil madalang sila sa karne sa bahay ni Madam Aura.
"Mukhang pati ikaw yata ay na-deprived sa ganitong pagkain," natatawang puna n'ya.
"Just a little." sagot ng binata na napadighay pagkatapos maubos ang kanyang pagkain.
"A little, huh. Sa lahat na lang ba ng bagay ay denial ka." Puna n'ya.
"Dami mong comment noh, lahat na lang napapansin mo." Tugon ng binata.
"Ikaw nga judgemental eh," hindi nagpapatalo na tugon n'ya.
"Uwi na tayo after?" tanong nito.
"Ikaw kung may gusto ka pang gawin, sasamahan kita." Nanunukso na saad n'ya.
Hindi ito sumagot bagamat kinuha nito ang kanyang kamay at hinila na pabalik sa parking. Nakaramdam naman ng kakaibang kilig ang dalaga sa ginawa ng binata.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Melissa.
"I don't know." Saad ng binata.
Pagka-akyat ng sasakyan ay agad na pinaandar nito ang makina. Hindi kumibo si Melissa pero excited s'ya sa kung saan man s'ya dadalhin ng binata. Wala sa daraanan ang kanyang atensyon kundi sa binata. Hindi n'ya napagsasawaan titigan ang lalaking ito kahit kailan. Huminto na ang sasakyan ngunit wala sa loob ni Melissa na tingnan kung saan s'ya dinala ni Gregory. Ang masolo ito ay isa ng kasiyahan sa kanya. Umusod palapit sa binata si Melissa at hindi ito nagpaawat pa. Hinalikan n'ya ito sa mga labi at pilit na lumingkis sa matigas na katawan nito. Hindi makagalaw ang binata bagamat hindi ito nagulat sa ginawa ng dalaga. Walang pagtututol na nagmula sa binata kaya mas lumakas ang loob ni Melissa. Gumalaw s'ya at tuluyan ng naupo sa harapan ng binata habang patuloy pa rin sa ginagawa. Nagsimula ng manggalugad ang mga kamay ng binata na s'ya namang nagustuhan ng nadadarang na dalaga.
"You don't know how much I want you," usal ng dalaga habang napapakapit sa binata.
"Jeeeeezz!" mura ng binata nang biglang may bumusina sa kanilang likuran.
Napatigil ang dalaga at sumilip sa labas upang tingnan kung ano ang nangyayari. Si Candy at si Matt. Saka n'ya napagtanto na nasa
labas sila ng bahay ni Madam Aura.
"Shunga ko naman! Akala ko kung saan mo ako dinala," nakasimangot na reklamo ni Melissa at natampal n'ya si Gregory sa inis.
"I didn't know where to go kaya naisip ko na ihatid na lang kita," depensa ni Gregory.
"Without asking me," naiinis na sagot ng dalaga.
"Ano na ang balak ninyo? Dahil kami ay papasok muna ng bahay," sigaw ni Candy na kasama si Matt sa sasakyan.
"Kaasar!" yamot na saad ni Melissa habang tahimik na nakatingin lang si Gregory.
Nagmaniobra na ang binata paliko sa katabing lote upang makapasok ng compound ang sasakyan ni Matt saka ito tumigil. Mukhang walang balak ito pumasok ng bahay.
"What do you want?" tanong ng binata kaya napatingin ang dalaga.
"Wrong question. Who do I want? I want you," diretsong sagot n'ya.
"Let's talk about that some other time." Pagtatapos nito ng usapan kaya lalong na-bad trip ang dalaga.
Umaasa pa naman s'ya na magiging something memorable ang gabing iyon. Which is super memorable talaga sa hindi n'ya inaasahan na pangyayari.
"No, let's talk about that right now." Saad n'ya ng madiin.
"Sige na, pumasok ka na so you can rest. We still can see each other," mahinahon na tugon nito.
"Alam mo ang gulo mo. Hindi ko alam kung nagpapakipot ka lang o ayaw mo talaga sa akin. Sabi ko naman sa iyo di ba, try me. Let's have a good deal. Game ako, ikaw game ka ba?" hamon ng dalaga kay Gregory.
"We are on a different level. What happened between us was just for a short time. I have told you that, there's nothing more to it." Paliwanag ng binata.
"Different level, huh? Then why do you seem affected whenever I get close to you?" pangungulit ng dalaga.
"Because I am just a man," pagdadahilan nito.
"And what about me?" hamon pa ng dalaga.
"You're a beautiful and hot woman," sagot naman nito.
"That you cannot resist, right?" pang-aakit ng dalaga.
Napahilamos ang binata dahil sa kakulitan ng dalaga.
"You are harassing me," reklamo ng binata.
"I don't think so, you like me just that you do not like the idea of liking me. Tama ba ako?" giit pa ni Melissa.
"Why are you so persistent?" nakukulitan na tanong ng binata.
"Because I never stop until I get what I want. Sooner or later, I'm telling you now. Mahuhulog ka rin sa aking mga kamay. So don't waste our precious time, dear!" nakangiting saad ng dalaga.
"Bahala ka nga. You better go now!" pagtataboy ng binata sa kanya.
"I'll go for now. If ever you changed your mind just like what happened today, I'm one ring away." Paalala ng dalaga.
Napatango lang ang binata at bago pa bumaba ang dalaga ay nag-iwan pa ito ng halik sa binata.
"See you tomorrow," nakukulitan na sagot ng binata.
Malapad ang ngiti na naglakad habang pakendeng-kendeng na papasok ng bahay si Melissa. Para na s'yang nanalo sa naging sagot ng binata.