Chapter 8: The ring

1550 Words
Nakauwi na ng bahay ang dalaga ngunit hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan ang nangyari kanina sa opisina ng binata. "Call me baby! I'm just one ring away!" pakanta-kanta pa si Melissa habang nagpapalit ng damit. "Anong title ng kanta? Ngayon ko lang yata naririnig iyan," puna ni Candy na kalalabas lang ng shower. "That's my own version," maarteng tugon n'ya. "Kumusta ang lakad mo? Parang nagbabad ka yata sa sementeryo sa sobrang tagal mo bago makauwi," puna ng kaibigan. "Nagbabad talaga ako, somewhere. You may want to guess?" tukso n'ya sa kaibigan. "Sa sementeryo nga," sagot ng dalaga. "No! Maliban doon," sagot ni Melissa. Umangat ang kilay ng dalaga at humaba ang nguso habang nag-iisip ng isasagot. "Saan? Nag-date ka sa ilalim ng sikat ng araw?" panghuhula nito. "Very wrong! My God! Ano ba sinabi ko sa iyo? Di ba hindi ko titigilan si Gregory?" naiinis na pahayag n'ya. "Oh yes! So what happened?" na-curious na tanong nito. "Hulaan mo!" pang-aalaska n'ya. "Naku! Ano ba iyan. Ano nga kasi? Kwento mo na at mamaya maghahanda na ako sa lakad namin ni Matt," paalam nito. "Ganun? Hayyyss, buti ka pa effortless. Pakisabi nga kay Matt, ilakad naman n'ya ako sa kaibigan n'ya," hiling ni Melissa. "Akala ko ba positive ang naging lakad mo kanina," nakakunot na ang noo nito. "Positive na slightly negative," napasimangot na tugon n'ya. "How come?" tanong ni Candy habang nagsisimula na mag-ayos ng sarili. Maaga daw kasi ang date nila ni Matt. Gusto n'ya tuloy mainggit sa kaibigan. "Nagpunta ako sa opisina n'ya pagkatapos ko dumalaw sa nanay ko. Ayun nagpang-abot naman kami. Feeling ko may something naman s'ya sa akin pero ewan ko kung ano ang pumipigil sa kanya." Kuwento n'ya sa kaibigan. "Hindi kaya masyado ka lang nag-assume? Maganda ka, sino ang aayaw sa iyo? Iba ang gusto dahil sa may kailangan at iyong tipong gusto ka dahil espesyal ka," pagpaliwanag nito. "Alam ko naman iyon kaya nga medyo nakakadismaya. Hindi ako maaring sumuko, pagkatapos kong isuko ang pinakaiingatan ko eh ngayon pa ba ako aatras." Pahayag n'ya sa kaibigan na nailing sa naririnig na mga salita na nanggagaling sa kanyang bibig. "Oh tapos?" saad ni Candy na naghihintay ng iba pa n'yang sasabihin. "Ayun kung hindi dumating ang sekretarya n'ya eh baka kung saan na kami nakarating," napapangiti na dagdag pa ni Melissa. "Hindi ko lubos maisip na maharot ka rin pala. I have never seen you flirting or clinging with guys. Ngayon pa lang, as in. Ganun na agad kalalim ang attachment mo dun sa lalaking iyon?" ang sabi ni Candy. "Bakit ikaw ba hindi? Bumigay ka nga agad kay Matt, masisisi mo ba ako? Total package! Wala akong mahahanap na kagaya n'ya. Plus he is single, so ano ang mali roon?" giit pa n'ya. "Whatever makes you happy! I can't blame you, maging ako kay Matt eh." Kinikilig na tugon ng kaibigan sa kanya. "That's what I'm saying," pagdidiin ng dalaga. "Okay na ba ang awra ko?" tanong ni Candy kay Melissa pagkatapos nito mag-ayos. "Gorgeous!" saad n'ya sabay palakpak. "Thanks Babe!" sagot nito na natuwa sa kanyang reaksyon. "Much welcome. Go!" pagtutulak n'ya sa kaibigan palabas ng silid. "I wish you luck!" pahabol na sigaw nito bago pa tuluyang makababa ng kanilang living room. Napaismid s'ya dahil sa nangyari sa kanila ng binata. Kung hindi sana dumating ang sekretarya nito. "Hay ewan!" naiinis na saad n'ya at asar na kinuha ang unan saka itinakip sa tainga habang patagilid na nakahiga. Kinuha n'ya ang telepono. Gusto n'yang itapon ito sa inis dahil wala s'yang natanggap galing sa binata. "Kairita! Sana kinuha ko ang number n'ya kanina," nakasimangot at tahimik na hiyaw ng kanyang isipan. Tinawagan n'ya si Candy. "Babe, sorry to disturb you! Pero baka maari kong mahingi number ni Gregory kay Matt?" hiling n'ya sa kaibigan na kararating lang sa lugar kung saan mag-date sila ni Matt. "Okay sige! Para matigil ka na diyan. I-text ko na lang sa iyo." Napipilitan na tugon nito. "Yes! Thank you much! I love you, Babe!" natutuwang saad n'ya. Pagkatapos, maibaba ang telepono ay tumakbo s'ya sa shower upang makapag-freshen up habang hinihintay n'ya ang message ng kaibigan. Pakanta-kanta pa s'ya nang matanggap ang mensahe galing rito. Malapad ang mga ngiti nang makuha n'ya sa wakas ang number ni Gregory. Agad na tinawagan n'ya ito ngunit busy line. "Pasado alas singko na ah, may kausap pa rin s'ya?" nagtatakang tanong n'ya. Ilang beses n'ya sinubukan na tawagan ito ngunit tumutunog lang ito at walang sumasagot . Sa inis n'ya ay pinatong n'ya ang cellphone sa kanyang kama at bumaba na upang tingnan ang ginagawa ng mga tao sa kusina. "Aalis ka?" tanong ni Mandy. "Hindi, nag-shower lang ako para feeling fresh. Ang init kanina sa labas eh," saad n'ya at tumulong sa kusina. Paminsan-minsan ay tumutulong sila sa mga gawaing bahay, lalo na ngayong dalaga na sila. Nais ni Madam Aura na marami silang matutunan kaya kahit na spoiled sila sa pangangalaga nito ay nakikigulo din sila sa pagluluto at paglilinis. Pagkatapos, makalimutan sandali ang inis at wala ng gagawin sa ibaba, ay umakyat s'ya pabalik sa kanilang silid. "Oh my God! Daming miscalls!" bulalas n'ya na pumapadyak pa. Tinawagan n'ya pabalik ito. "Hello? Who is this?" sabi ng lalaki na buong-buo ang boses. Feeling teenager s'ya sa mga oras na iyon. Napakagat labi s'ya at napapapikit nang marinig ang boses ng binata. "Hello? If you're not speaking, I have to end this call!" warning galing sa binata. "Hi! Pasensya ka na, hindi ko agad nasagot." Maagap na tugon n'ya. "You? How come you have my number?" nagkakasalubong ang kilay na bulalas ng binata. "Excuse me? You're the one calling me now, then you'll accuse me just like that?" nagtataray na sagot n'ya. "I am not stupid. You called my number and I called you back because of numerous phone calls. Why are you calling and why do you have my number? This is my business phone number," wala sa mood na tugon ng sa kabilang linya. "I asked you earlier to call me but you didn't, so I'm calling you." Turan n'ya sa binata. "Yes, you asked me, but I did not say yes. Ang kulit mo din talaga!" inis na sabi nito. "Ikaw naman ang suplado mo. I just miss you!" paglalambing n'ya. "If you have nothing sensible to say, let's quit this conversation. I have some other matters," pagtatapos nito ng usapan. "Why can you not say yes to me?" pangungulit n'ya. "You don't get it, do you? I do not like being with you," bulyaw nito. "But do you like me? There's a difference between the two." Giit ng dalaga. Narinig n'ya na napabuga ito ng hangin. "Can we go out tonight?" paanyaya galing kay Melissa. "Are you really this persistent?" tanong ng lalaki. "Sa iyo lang. Now, would you come with me?" mabilis na tugon ng dalaga. Hindi nakasagot ang binata kaya bagsak ang balikat ng dalaga dahil nasayang lang ang effort n'ya. "Okay, kung ayaw mo, it's fine with me. I just want you, but you don't even like me. Sorry, it's just the first time na humanga ako sa isang lalaki kaya hindi ko alam kung paano ba ang gagawin. I am too old to be immature. Sorry to have bothered you!" saad ng dalaga at ibinaba na ang telepono. Mahaba ang baba na nilagay n'ya sa bedside table ang kanyang cellphone. "Ano ba kasi ang dapat kong gawin?"Pabulong na sabi n'ya. Ilang minuto ang nakalipas ay tumunog ang kanyang telepono. Ayaw n'ya sana buksan ngunit galing ito sa binata. Lumiwanag ang kanyang mukha sa nabasa. Agad na nagbihis ang dalaga. Nagsuot s'ya ng hapit na damit at boots na walang takong. Nagpahid ng manipis na make up at red lip stick. "Akala ko ba wala kang lakad? Kanina ang haba ng nguso mo eh ngayon naman ang saya mo," puna ni Mandy. "I will be on a date!" masayang anunsiyo n'ya sa mga ito. "Is this for real?" sigaw ni Mandy. "Aja!" masiglang tugon n'ya. Kumindat at nag-iwan s'ya ng flying kiss sa mga kasamahan saka mabilis na lumabas ng bahay. Naroon na ang kotse ng binata sa labas naghihintay. Natanaw n'ya ito na pasilip-silip sa side mirror ng sasakyan. Agad na nakita naman s'ya nito. "Hi!" labas ang mga ngipin na nakangiti ang dalaga sa binata. Ang saya n'ya na makakasama n'ya ito ngayong gabi. Nakasuot ito ng simpleng shirt at men's shorts na bumagay sa suot nitong sapatos. "Are you not going inside? Hanggang tinginan lang ba tayo?" puna nito dahil hindi pa s'ya nakakasakay ng sasakyan. "Sorry!" sabi n'ya na nag-peace sign. Napailing ang binata sa kanya. Maging ito ay naguluhan sa galaw n'ya na minsan ay parang teenager kung kiligin sa tuwing nakikita ang crush ngunit madalas ay nakakapang-init kasama. Agad na pumwesto ang dalaga sa front seat katabi ng binata. Napatingin ito sa suot n'ya. "You like it?" nanunukso na tanong n'ya. Tumango ito, kaya lalong natuwa ang dalaga sa naging tugon ng binata. "Saan tayo?" naitanong nito. "Sa bazaar sa Mandaluyong, di ba mayroon doon?" saad n'ya. Napakunot ito ng noo dahil mukhang hindi ito aware. "Saan banda iyon?" tanong nito. "Gusto mo ako na mag-drive?" prisinta n'ya na may pilyang ngiti. "Just tell me the directions," saad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD