Chapter 7 Surprise visit

1787 Words
Maagang nagising ang dalaga. Alas singko pa lang ay nakabihis na s'ya. Kadalasan, alas otso na nagigising ang mga kasama maliban na lang kung may lakad sila. Sa bahay ni Madam Aura ay malaya silang gawin ang mga personal na lakad nila hanggat hindi naapektuhan ang kanilang trabaho na makakasira sa imahe ng negosyo nito. Ang tanging hiling lang ng babae ay makapag-serbisyo sila ng tatlong taon bilang kabayaran sa mga nagastos nito sa pangangalaga sa kanila. May personal allowances din sila at pagkatapos ng tatlong taon ay konting porsyento na lang ang mapupunta sa babae para sa maintenance at operational expenses nila kaya higit na makakabawi din sila. Kung tutuusin para kay Melissa ay higit na nakinabang sila na mga alaga ng babae dahil sa kabaitan, pangangalaga at pagtuturo nito sa kanila. "Saan ang lakad mo?" bungad ng babae habang nakaupo at nagkakape sa ibaba habang nakaharap sa pool. "Bibisita po sa puntod ni nanay," paalam n'ya rito. "Kailangan mo ng makakasama?" tanong sa kanya. "Hindi na po kailangan, salamat." Saad n'ya at sinabayan ito sa pagkakape. Gumawa s'ya ng sandwiches para sa kanilang dalawa. Kumuha naman ito at kinain ang gawa n'ya. "Birthday ng nanay mo, di ba?" sabi nito na naka-angat na ang mukha. "Opo, sana kung magkasama kami ay sabay naming i-celebrate ang kanyang kaarawan." Malungkot na tugon n'ya. Matagal na panahon na simula nang mawala ang kanyang ina ngunit masakit pa rin sa kanya sa tuwing maalala ang nakaraan kung bakit ito namatay. Sa tindi ng galit n'ya ay hindi na s'ya bumalik pa sa lugar na nagmitsa ng kamatayan nito. Minsan hindi n'ya maiwasan na sisihin ang sarili dahil kung hindi dahil sa kanyang kakulitan na makita at makasama ang pamilya ng ina. Nagkamali s'ya sa pag-aakala na mapabuti sila. "Hindi bale dahil kasama mo naman kami." Saad ni Madam Aura. "Salamat po sa lahat na pangaral at pagtitiyaga ninyo. Malapit na din ako makabawi sa inyo," saad n'ya na nakangiti. "May binabalak ka?" nakakunot ang noo na tanong nito. "Gusto ko mag-asawa ng mayaman at maging principal sponsor ng organisasyon natin," saad n'ya. "Gagawin mo pa yatang charity house itong bahay ko. Actually, hindi malayong mangyari iyan lalo na tumatanda na ang Lola n'yo." Biro nito. "Hindi naman halata eh, hahaha!" natatawang saad n'ya. Napatitig s'ya sa istriktang pagmumukha ni Madam Aura. "Anong mayroon sa mukha ko?" nakaangat ang kilay na tanong nito. "I wonder why you remain single all this time," pahayag ng dalaga na hindi naalis ang mga mata sa babae. "It was my choice," tipid na tugon nito saka humigop ng kape. "What happened? Napakabuti ninyo at napakaganda para lang piliin na mag-isa sa buhay," curios na usisa ni Melissa. "Everything has its reasons. As for me, I chose to be like this. I don't feel alone dahil sa inyo. I have loved once, ngunit nasaktan ako. But I didn't regret it. Dati na akong escort, I have been doing this all my life. Maybe this is my sole purpose talaga," kuwento ng babae na malamlam ang mga mata. Niyakap ni Melissa ang babae na nagsilbing ina na ng lahat. "Mahal po namin kayo!" saad ng dalaga. "Isa pang coffee, please," pabiro na sabi nito. "Enjoy your cup of coffee, but I have to go now," saad n'ya nang mapansin na alas sais na ng umaga. Ayaw n'ya maabutan ng mainit na sikat ng araw. Nagpaalam s'ya kay Madam Aura hawak ang maliit n'yang bag. Nagmamadali na sumakay s'ya sa sariling kotse at mabilis na pinaharurot ito palabas ng village. Agad naman s'ya pinagbuksan ng guard. Isang oras din mahigit ang kanyang nilakbay dahil sa sobrang siksikan sa kalsada. Palibhasa ay araw ng lunes. Sakto pagdating sa sementeryo ay kabubukas lang din nito. Dala ang nabiling bulaklak at cake ay naupo s'ya sa harapan ng puntod ng ina. Sinindihan n'ya ng kandila ang cake at bumulong ng maiksing panalangin. "Happy birthday po nanay!" bati n'ya sa namayapang ina. Nararamdaman n'ya ang presensya ng ina dulot ng malamig na hangin na dumadampi sa balat n'ya. "Mahal na mahal kita. Alam mo, malapit ko na matupad ang mga pangarap natin." Kwento ng dalaga sa namayapang ina. Nakadantay ang kanyang kanang kamay sa puntod ng ina na gawa sa semento. "May nakilala ako na gustong-gusto ko ngunit ayaw n'ya sa akin eh. Sana naman tulungan ninyo ako na mapaamo s'ya. Mayaman at gwapo, di ba iyon din ang gusto ninyo para sa akin? Basta, sa muling pagbalik ko dito ay naabot ko na ang pangarap natin." Mahabang pangungusap ni Melissa sa puntod ng ina. Pagkatapos bumisita sa ina ay sinubukan n'ya dumaan sa opisina ni Gregory. Matatagpuan ito sa Mandaluyong base sa datus na nakalap n'ya sa data sheet ni Candy. "Tingnan natin ang pagiging mailap mo," bulong n'ya. "Good morning maam, saan po ang tungo natin?" tanong ng guard. Wala sa plano n'ya ang dumaan sa opisina ng binata ngunit wala s'yang gagawin pagkatapos maliban sa magpunta ng mall. "Kay Mr. Madson sana," magalang na tugon n'ya gwardiya. "Paki-iwan na lang po ng ID ma'am," pakiusap nito saka s'ya binigyan ng visitor's pass. "Mabuti hindi masyadong mahigpit dito," bulong ng dalaga. Pagkatapos iwanan ang ID ay tuloy-tuloy na s'ya sa opisina ng binata na tila ba ay kabisado na n'ya ang lugar. Sanay s'ya na pinagtitinginan ng mga tao. "Hi, Miss Beautiful!" bati ng isang lalaki na kasalubong n'ya. Naka-suot s'ya ng fitted pants at blazer sa itaas na may manipis na panloob kaya bahagyang naka-expose ang kanyang dibdib. Naka-high heels ang dalaga at nakalugay ang mahaba n'yang buhok. "Hello, saan dito ang opisina ni Mr. Madson?" tanong n'ya sa lalaki. "What's your name? I am Felix," interesadong pagpapakilala nito sa kanya. "Melissa. Pwede mo ba ako samahan sa opisina ni Mr. Madson?" malambing na pakiusap n'ya sa lalaki. "Sure. How can I resist? Ano nga pala ang kailangan ninyo kay Sir?" usisa nito. "Wala naman. I came to pay him a visit. It's actually a surprise visit." Malanding tugon n'ya. "Oh! Kaya pala ngayon lang kita nakita," matamis ang mga ngiti at nang-aakit ang tingin na sabi nito sa kanya. Ngumiti lang ang dalaga habang inaalalayan s'ya ng lalaki patungo sa opisina ng binata. Habang naglalakad ay namamangha ang dalaga sa nadadaanan na pasilyo. Malinis, maluwag at maaliwalas. "Mukhang masarap dito magtrabaho ah," puna n'ya habang pinag-aaralan ang bawat sulok. "Of course, lalo na kung nandito ka siguro nagtatrabaho," pagpapahaging ni Felix sa dalaga. Natawa ang dalaga sa sinabi nito. Nasa ganung eksena sila nang nadako ang tingin ni Gregory sa kanila na tila nagbubulungan habang naglalakad. Katatapos lang ng board meeting ng binata at may tinitiyak lang sa kanyang sekretarya nang napansin ang dalawa. "Ano ang ginagawa ng babaeng ito sa building ko?" nakakunot ang noo na usal ng lalaki. "Hi!" bati ng dalaga nang mapansin ang lalaki na papasok na sa kanyang opisina. Napalingon ito nang tinawag n'ya. "See you later!" pahabol ni Felix sa dalaga. "Close kayo?" saad ni Gregory kay Melissa na nakabuntot na papasok ng kanyang opisina at pabagsak na naupo sa naghihintay na swivel chair. Nasa labas pa ang sekretarya at may kinakausap pa na ibang miyembro ng board. "Nakipagkilala lang at sinamahan n'ya ako papunta dito sa opisina mo. Busy ka ba?" tanong ni Melissa na lumapit sa binata at dahan-dahan na hinihimas ang balikat nito pababa ng dibdib. "As always. What do you want and why are you here?" usisa ni Gregory sa dalaga na pinipigilan ang malikot na mga kamay nito. "I came to see you. Wala naman sigurong masama," saad n'ya. "Not during work hours," sagot ng binata. "Okay! Bakit hindi ka man lang tumawag?" tanong ng dalaga na tila may bahid ng pagtatampo. "Why would I call you?" nakaangat ang kilay na sagot ni Gregory. "Didn't you miss me? Because I do," nang-aakit na bulong n'ya sa tainga ng binata. Bahagyang napasinghap ito sa kanyang ginawa kaya napangisi ang dalaga dahil effective ang ginagawa n'ya. "What happened between us was just a one-night stand. I am not into a serious relationship right now, okay? I'm a busy person and I can't give you what you want." Pahayag ng binata na hindi nagpaligoy-ligoy. Gusto magdamdam ng dalaga ngunit kailangan n'yang maging matatag. "I get it. Just like what I have said, I want you. No one can stop me from wanting you. Why don't we give this one a try, hmmm?" sabi ni Melissa sa malanding boses. "I know what you want. Sorry, I can't fall into that trap. You better go before I drag you out of my building," utos ng binata. "You can't just get rid of me that easy, honey!" bulong ng dalaga at naupo sa harapan ng lalaki. Nagulat ang binata sa ginawa ni Melissa. Sinusubukan na pigilan ni Gregory ang kanyang mga kamay ngunit hindi nito mapigilan ang iba pang nais gawin ng dalaga. "How about this?" kagat labi na usal n'ya habang nakaupo ng nakaharap at gumigiling sa harapan ng lalaki touching his member. Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gregory. "Stop it!" pakiusap nito. "Why would I? You do not like it?" panunukso ni Melissa. "Don't do this please! Not here," mariin na pakiusap ni Gregory sa kanya. "You sure, hon?" patuloy pa ng dalaga na nakaramdam na ng pagkadarang. "What are you doing, you sl*t?" marahas na bulong ng binata. Gusto ng bumigay ni Gregory. Ngunit napatigil ang dalaga dahil biglang nagbukas ang pintuan ng opisina ng binata. "Sir, I just want to-," naputol ang iba pang sasabihin ng sekretarya nang mapansin na may ibang kasama ang Boss at sa awkward na position pa. Mabilis na binuhat ni Gregory si Melissa upang mahiwalay sila at hindi na kumontra pa ang dalaga. Maging s'ya ay nakaramdam ng hiya sa nangyari ngunit napangiti s'ya dahil alam n'ya na nagugustuhan ng binata ang kanyang ginawa. "Sorry, I didn't mean to interrupt you guys." Paghingi ng paumanhin ng sekretarya. "It's okay. Melissa, can you please? I have so many things to do," pakiusap ng binata na halos lumuwa ang mga mata. "Okay. Don't forget to give me a ring," paalala n'ya sa binata. "Fine. Just go!" utos nito. Kumindat pa ang dalaga at hinalikan si Gregory sa mga labi bago tuluyang lumabas ng opisina nito. "Sorry about that. Where are we?" pag-uulit ng binata sa sekretarya. Iyon ang huling narinig ng dalaga mula kay Gregory bago s'ya tuluyang lumabas ng gusali. Hindi na n'ya napansin pa si Felix, ang lalaking naghatid sa kanya sa opisina ni Gregory. "You'll be mine, that I promise." Usal n'ya habang nakamasid sa mataas na gusali na pagmamay-ari ng binata. Naalala n'ya ang naging reaksyon nito kanina. Alam n'ya na hindi magtatagal ay magiging matagumpay s'ya sa kanyang nais.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD