Nagising ang dalaga sa ingay ng mga kasama na kararating lang galing sa kung saan. Nagkakatuwaan ang mga ito at naririnig ang kanilang malalakas na boses sa pangalawang palapag. Gusto pa sana n'ya matulog ngunit napansin n'ya na hapon na pala. Napaunat ang dalaga at tiningnan ang kanyang cellphone.
"Walang paramdam si Sir ah," bulong n'ya at nagsimulang hanapin ang social media account nito.
"Tsk tsk, ganun ka na ba ka-busy na ni isang social media account ay wala ka o baka naman ibang name ang gamit mo." Pabulong-bulong na sabi n'ya.
Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng silid. Si Candy.
"Kauuwi mo lang?" usisa n'ya sa bagong dating.
Ngumiti na hindi nagsasalita. Nagsimula nitong hubarin ang suot na sandal. Tatlo sila ni Mandy sa room ngunit wala ito marahil ay nasa ibaba kasama ang iba pang anak-anakan ni Madam Aura.
"Akala ko, ako lang ang late na nakauwi. Mukhang masaya ang buong araw at gabi natin ah. Pangungulit n'ya sa kasama na umaasa na magkuwento ito. Napangiti ito ng malawak at ibinagsak ang pagod na katawan sa sariling higaan.
"What's with the smile. Hay naku! Gusto ko ng mainis sa iyo," reklamo n'ya na naasar na sa pagiging tahimik nito.
Si Candy ang isa sa mga pinakamalapit na kaibigan n'ya sa malawak na bakuran ni Madam Aura.
"Matt was so damn good! Hindi na ako makapaghintay pa na magkasama ulit kami," masayang turan nito.
"Oh my God! Kailan ka pa naging easy to get?" biro n'ya.
"We like each other. Feeling ko s'ya na ang katuparan sa mga kahilingan ko," nangangarap na saad nito.
"Good for you! Mutual agad kayo, samantala sa akin ang sungit ng type ko." Pakli n'ya na naalala ang huling pag-uusap nila ng binata.
"Bakit? Akala ko ba okay kayo at swak dahil mukha naman kayo nagkasundo kagabi," saad ni Candy sa kanya.
"Ayun na nga, I like him. He is a total package, goodness! And he is so yummy!" sagot ni Melissa sa kaibigan.
"So may nangyari nga?" pangungulit nito.
"Deny ko pa ba? Ang yummy nga di ba? Hahahaha, I can't think of any reason for him to dislike me. Alam mo ba na harap-harapan n'yang sinabi sa akin na hindi ako ang type n'ya. Sh*t! Pangit ba ako?" pahayag ni Melissa.
"Tsk, ang ganda mo noh kaya nga na-hook agad. Babe, I don't want you to get hurt. Sinabi naman n'ya sa iyo na hindi ikaw ang tipo n'ya, maybe you can just find someone else?" suhestiyon ni Candy.
"No, I gave him my all already. Walang dahilan na hindi ko s'ya i-push through. I might have sounded cheap, but I do not care. I'll go get him," confident na sabi n'ya sa kaibigan.
"Let me remind you to be wiser, use your brain, huwag puso at lalong huwag puson." Paalala nito.
"Nagsalita ang brainy. Bakit sa inyo ba ni Matt walang nangyari?" usisa n'ya kay Candy.
"Palagay mo?" matamis na mga ngiti ang isinukli nito sa kanya.
"Nadale ka 'te!" saad n'ya at nailing sa kanyang sinabi.
"The feeling is mutual. I like him and he likes me too. In fact, he is inviting me to go on vacation in Palawan." Pagbabalita nito.
"Wow! Can I join? Gusto ko makarating doon," excited na sabi ni Melissa.
"No! Remember, you really have to work harder and put more effort sa lalaking gusto mo." saad ni Candy.
"Of course!" sagot ni Melissa.
"Prove him that he was wrong." Dagdag na sabi ni Candy kay Melissa na noon ay lumapit na sa kanya.
"Hindi ko s'ya susukuan. Not now, not tomorrow, and never!" pangako at pagdidiin n'ya.
"That's my girl! Shower muna ako," paalam ni Candy at tumayo na ito patungo sa shower room.
Bumaba si Melissa sa maluwang na living room at nadatnan ang mga kasama na masayang nag-uusap habang kumakain ng meryenda kasama si Madam Aura. Kahit pa na nagkakaedad na ang babae ay maaninag pa rin ang likas na ganda nito. Mahal na mahal ito ng kanyang mga alaga kaya may portion sa kanilang kita ang napupunta sa home and school improvement ng kanilang samahan. Naging family business na nila ang nasimulan ni Madam Aura.
"Melissa, ano oras ka umuwi?" usisa nito nang mapansin s'ya na pababa mula sa ikalawang palapag.
"Mga alas nuwebe po, mukhang nagkakatuwaan kayo ah!" Sagot n'ya kay Madam Aura.
"Kasi may kliyente tayo, si Mr. Larson. Nagpadala na agad s'ya ng mga damit at ilang gamit para sa gaganaping birthday party n'ya. Pagpipilian daw ng aking mga alaga na dadalo sa kanyang kaarawan. Matagal pa naman pero nag-early booking na s'ya dahil ayaw n'ya ng aberya." Pagbibigay-alam ni Madam Aura.
"Ah kaya po pala. Sino daw po ang mga dadalo sa amin?" tanong n'ya.
"Lahat kayo ang sasama kasi malaking raket ito. Si Mr. Manuel Larson ay isa sa pinakamayaman na hotelier dito sa bansa, kaya medyo mataas ang expectations but he is nice. I've met him twice," kwento ng babae.
"Lahat naman po yata ng mga naging kliyente ninyo ay big-time," saad n'ya.
Napangiti ito sa kanyang tinuran. Dahil nagkakagulo pa ang lahat sa pagpili ng kanilang isusuot, kaya nagpasya ang magkaibigan na Melissa at Candy na tumambay sa favorite place nila. Ang poolside sa malawak na bakuran ng compound.
"Kailan ang punta mo sa puntod ng nanay mo?" tanong ni Candy.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kuwento ng buhay ng bawat isa sa loob ng bahay ni Madam Aura. Bago pa sila tumuloy sa malaking bahay na ito ay naipabatid na ang kanilang talambuhay sa lahat ng naroon. Kaya walang maitatanggi ang bawat isa.
"Bukas na siguro, ikaw ba?" tugon n'ya sa kaibigan na nakatanaw sa malinaw at malinis na tubig ng pool.
"Hindi ko pa alam. Baka bago ako magpunta ng Palawan, gusto ko makausap ang aking mga magulang." Nakangiting tugon nito na hindi maalis ang tingin sa maasul na tubig.
Napatungo na rin ang dalaga bago natuon ang pansin sa nakahiwalay na gusali sa bahay ni Madam Aura.
"Ang tibay ng gusaling iyon, kasing tibay ng samahan ng lahat ng mga naninirahan dito. Naging malungkot man ang ating nakaraan, malaking biyaya din na dito tayo napadpad. Minsan ba ay may pinagsisihan ka?" saad n'ya sa kaibigan na nalipat din ang atensyon sa kanyang tinutukoy.
"Wala ako'ng pinagsisihan bagamat ay naging mas matatag ako at nagawa ko ang mga nais ko. Kaya saan man ako mapadpad kahit kailan itong lugar na ito ang babalik-babalikan ko." Sagot nito.
"Ako din, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi ako natagpuan ni Madam sa labas ng hospital. Dito ko naranasan na kahit paano ay guminhawa ang buhay at may nagpapahalaga sa akin." Tugon n'ya.
"Ayaw mo ba mag-aral sa kolehiyo?" tanong nito.
"Iniisip ko rin iyan. Pero sa ngayon ang bago kong misyon ay si Gregory Madson. Gusto ko s'ya. Lahat gagawin ko upang magiging akin s'ya. Hindi magtatagal ay mapapaamo ko rin s'ya," nangangarap na saad ng dalaga.
"Ikaw pa ba! Basta huwag kang tumigil sa mga nais mong gawin. Keep moving!" paalala ng kaibigan.
"Oo naman. Basta pag ikinasal kayo ni Matt ha, huwag mo ako kalimutan." Paglalambing n'ya sa kaibigan.
"Of course, gagawin kitang ninang ng mga anak namin noh!" sagot ni Candy.
"Paano ko kaya mapaamo ang lokong Gregory na iyon? Sa tingin mo?" problemadong tanong n'ya sa kaibigan.
"Siguro, alamin mo ang mga gusto n'ya. Go with the flow, hanggang sa mahulog na rin ang loob n'ya." Opinyon ni Candy.
"Sure ka?" paninigurado n'ya sa tinuran ng kaibigan.
"I'm actually not sure, dahil hindi naman ako expert sa ganyan eh pero try mo lang naibigay mo naman na ang hindi dapat di ba, hahahaha so dapat wala ng inhibitions." Dugtong ni Candy.
"Totoo pala na masakit noh!" saad n'ya.
"Oo, masakit talaga pag first time," napa-kagat sa labi na tugon ni Candy.
"Si*a! Iyong ma-basted ang sinasabi ko," natatawang sabi n'ya.
"Iyon na nga, masakit naman talaga ang ma-basted ng taong gusto natin lalo na first time magkagusto tapos mapunta lang sa wala. Sheket bes! Ano ba kasi ang iniisip mo?" nag-iinarte na saad ni Candy sa kanya na naka-make face pa.
"Hindi ko alam kung utak ko ba ang madumi o iyong bibig mo," tawang-tawa na sabi n'ya.
"Let's have both!" biro ni Candy.
Gabi na nang sila ay bumalik sa loob ng bahay. Pagkatapos makapili ng isusuot sa party ni Mr. Larson ay sabay na sila naghapunan lahat. Magulo, maingay ngunit masaya pag sila ay buo at sama-sama.
"Kampay-kampay para sa masayang samahan!" hiyaw ni Madam Aura habang may hawak na brandy.
Hindi nagtagal sa ibaba si Melissa dahil gusto n'ya paghandaan ang mga gagawin sa pakikipaglapit kay Gregory.
"Mukhang mahihirapan ang beauty ko ah. He must be worth it." Saad n'ya sa sarili bilang paalala na hindi dapat s'ya basta na lang susuko.
Lumaki s'ya sa kahirapan at rejections, simula bata pa lang s'ya kaya alam n'yang malalagpasan n'ya ang lahat. Naniniwala s'ya na kabilang din doon ang pinagnanasaan na lalaki, si Gregory.