Napasubo man ngunit pinilit ni Melissa na maging buo ang loob sa pagsama n'ya kay Manuel para sa kanilang unang date. Hindi lang sa edad ang gap nila ng lalaki maging sa financial na katayuan ay sobrang layo nila. Ngunit ang ipinagsiksikan ng dalaga sa kanyang isipan ay ang sinabi ng lalaki noong una silang nagkakilala ng personal sa birthday party nito tungkol sa pagkakataon at pagkakaroon ng oportunidad. Na kung nais ng pagbabago ay kailangan mag-take ng risk dahil baka iyon lng ang natatanging tsansa na nakalaan. Sa tingin naman n'ya, ay hindi s'ya dehado sa kagustuhan ng lalaki. "Babe, ano'ng oras ba ang date ninyo at kanina ka pa diyan, eh hindi ka matapos-tapos." Puna ni Candy. "Seven. Ano sa tingin mo?" nakangiwing tanong n'ya sa kaibigan. "Maganda. Bagay sa iyo. Halika, ako na

