Pagkatapos ng mahabang bakasyon ay balik sa reyalidad na ang lahat. Busier schedules at daily hustles ulit ang magkasintahan. Hinatid s'ya ni Manuel sa bahay ni Madam Aura. Sabik ang lahat sa dalaga at syempre upang maipamahagi ang mga dala n'yang pasalubong. Lahat ng iyon ay libre na pinabibigay ni Manuel kaya ganun na lamang ang kasiyahan ng mga kasamahan. "Mabuti pa si Mr. Larson may pasalubong sa amin samantala iyong pinagbilinan namin ni isang kapiranggot na buhangin galing Bohol ay wala," biro ni Mandy. "Bakit kung hindi dahil sa akin sa palagay ninyo may mahihita kayo kay Manuel?" natatawang tugon ng dalaga. "Teka! Wow! May pasingsing na oh! Ano ang ibig sabihin nito, aber?" masayang puna ni Candy nang mapansin ang singsing na suot ng dalaga. Simple lang ito ngunit alam n'ya na

