Papasok na sana si Melissa sa loob ngunit hindi n'ya narinig ang pagtunog ng sasakyan ni Manuel. Nagpasya s'ya na silipin muna ang lalaki bakit hindi pa ito nakakaalis. Nakita n'ya na nakatayo ito habang hawak ang kanyang cellphone at ang isang kamay ay sa kanyang bulsa. Seryoso ito at mukhang nakikipagdiskusyon. "She isn't what you think, okay? She is nice, beautiful, smart, and young, but she is not a gold digger." Giit ng lalaki. Napahawak si Manuel sa kanyang sentido habang nakikipag-usap. "No, you should listen to me." Pakiusap ni Manuel sa anak na sa kabilang linya. Mukhang ayaw magpapatalo ng kausap nito. "Iba si Melissa at mali ka sa iniisip mo." Patuloy ni Manuel. Nakahawak na ito sa kanyang buhok sa sobrang gigil. "Ako ang mas nakakakilala sa kanya, kaya huwag kang basta n

