"Baby, come with me." Boses ni Gregory. Napatingin si Melissa na hindi makapaniwala kung s'ya nga ba ang tinutukoy nito. "Yes, it's you, beautiful lady. Come on! Hold on to me and don't let go. I can't lose you," sabi ni Gregory na tila nagsusumamo. Napamaang ang dalaga ngunit nang nakasiguro na s'ya nga ang tinutukoy nito ay saka lamang s'ya gumalaw. Slow motion lang lahat. Marahan s'yang naglakad papalapit sa lalaki na nakalahad ang dalawang kamay. Nakangiti ito nang malapad at masaya na naghintay sa kanya. Hindi maawat ang kasabikan nang tuluyan ng nakalapit ang dalaga. Mahigpit na yakap at malalim na halik ang kanilang pinagsaluhan. Pinakawalan s'ya ng binata saka tinitigan ang kanyang mukha. "I like you. I think I love you!" pahayag nito. Mababasa sa mga mata nito ang tunay na n

