KABANATA 45 - NEW UPDATE “O, STEPH. Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit ganyan ang itsura mo?” takang tanong ng isang ale kay Stephanie nang makita siya nitong paika-ikang naglalakad. Totoong nananakit ang buong katawan niya. Hayop na babaeng ‘yon, hindi niya alam na sakabila ng maamo at maganda nitong mukha ay warfreak at basagulera pala! Para siyang nakipaglaban ngayon ng boxing at hindi na makilala ang itsura niya. Peste! “Malamang nasaktan ako ng physical, manang! Kailangan pa bang tanungin ang obvious?!” bwisit na sagot niya. At dahil hindi nga ganoon ang ugaling pinakita niya sa hasyenda, nagulat ang ale sa pinakita niyang ugali. “Bakit ka ba nagagalit eh sa concern lang naman ako sa’yo. Nagtatanong lang eh… supladita,” ingos nito at pinagpatuloy ang pagwawalis ng bakuran. Nakaisip siy

