KINABUKASAN NA KINABUKASAN ay may abogado at pulis na dumating sa bahay nila Jaime. Galing ito kay Stephanie at sinasabi roon na kakasuhan daw si Georgianne ng physical injury. Pinakita ng abogado ang medical certificate ni Steph at mga pictures. Marami ngang pasa ito sa mukha at may blackeye ang isang mata. Putok din ang labi at namamaga ang mukha. Napangiwi si Georgianne. Hindi niya inakalang lampa itong si Steph at ganoon agad ang mangyayari rito. Siya rin naman ay sinaktan nito at sinabunutan pero hindi naman ganoon ang naging itsura at pinsala niya. Nang makaalis ang mga bisita ay tinignan siya ng seryoso ni Jaime. “What was that, Georgianne?” Napalunok naman siya. “Siya ang nauna, Jaime! Maniwala ka saakin. Siya ang unang nanakit. Gumanti lang ako. Kilala mo naman ako diba? Hind

