Wala akong gana pumasok ngayon kaya katulad ng dati kong ginagawa, napag-desisyunan kong tumambay sa rooftop. May mga bantay sa garden kaya ayoko doon. Tinatamad ako lalo na't sobrang daming mga bagay ang bumabagabag sa utak ko ngayon. Nag-text ako kay Zyair na sabihin sa guro namin kapag hinanap ako ay masama ang pakiramdam ko. Maaga pa naman at palitaw pa lang ang araw. Gusto kong masaksihan ang pag-litaw nito kaya sa rooftop ko naisipang tumambay. Suot ko ang earphones ko saka umupo sa isang upuan na nandoon. Kitang-kita ko mula rito ang kabuuan ng HIU at dito din magandang pagmasdaan ang araw. Sobrang lakas ng tugtog ko kaya ang sarap sa pakiramdam na dumadagundong sa utak ko ang liriko ng kanta. Ngunit hindi pa din mawala sa isip ko ang mga nangyayari ngayon sa paligid namin. Bago pa

