"Here are the good and bad effects of your potentials. Take a look at it." Inabot ni Hestia ang papel sa bawat isa bukod sa akin dahil wala pa naman akong potensyal. Ikalawang gabi na nila ngayon na nag-eensayo ng potensyal sa tulong ni Hestia samantalang ang sa akin ay hindi pa rin lumalabas. Sinuri nila ang mga papel na hawak nila saka may inabot sa akin si Hestia. Tinanggap ko naman ang mga papel na 'yon, "Ito ang kopya ng mga potensyal nila. It's better for you to know it too." Nakalagay roon ang bawat litrato ng chemical na ginamit sa katawan namin. Pinapakita rin sa papel ang daloy o proseso kaya nagkaroon ng kapangyarihan. Aiden Harisson Potential: Night Vision Description: He was able to see in the night and it is called 'Night Vision', even if the things or a person were hid

