Lacer Security

2999 Words

"This can be shown us an evidence soon when it's time to report him," sambit ni Seven. Hanggang doon lang natapos ang record dahil namatay na ang recorder. Inabot ko kay Seven ang recorder saka umayos ng tayo. "Ibig sabihin alam na nila na kapag pumalpak ang eksperimentasyon nila, gano'n ang magiging epekto sa mga estudyante. Hindi lang nila inaasahan na dahil sa pagtigil ng proseso ang naging dahilan kung bakit lumala ang epekto sa kanila.” Bumuntong-hininga si Zyair, "E 'di parang tayo rin ay may kasalanan kung bakit sila namatay? Tayo ang dahilan kung bakit hindi natapos ang proseso ng eksperimento nila," malungkot na sambit niya. "Wala tayong kasalanan. Hindi rin natin 'to ginusto at hindi natin inasahan. Sila ang nakakatanda kaya alam nila kung ano ang tama at mali, samantalang ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD