Ang ilaw ng bar ay malabo, ngunit para kay Althea, masyado na itong maliwanag sa dami ng iniinom niyang cocktail. Ang musika ay malakas, at ang tawa ng kanyang mga kaibigan ay parang pangkulay sa kanyang gabing puno ng kalayaan.
“Althea, slow down!” tawag ng isa sa kanyang kaibigan, habang pilit hinahabol ang sinasabi niya sa boses na halong tawa at kalasingan.
“Hindi ako puwede dito! Ako ang bida ngayong gabi!” sigaw niya, tumatawa habang pinapahagis ang buhok niya pabalik sa balikat.
Hindi niya namamalayan na may nakatingin sa kanya mula sa kabilang dulo ng bar. Isang lalaking matikas, may hawak na tumbler ng whisky, at tila hindi na nakakabahala sa ingay ng paligid.
Si Governor Zachary Montefalco.Kilala sa kanyang kapangyarihan at sa kanyang maingat na imahen, pero ngayong gabi, may kakaibang ngiti siya habang pinagmamasdan ang isang dalagang nag-iisa sa gitna ng ingay.
“Althea Villanueva, tama ba?” malumanay niyang tanong habang lumalapit, at sa tono ng boses niya, halata ang pagkilala.
Napalingon si Althea, bahagya nang nahihilo sa alak. “Paano mo…?”
Ngumiti si Zachary, mahigpit ang hawak sa baso, parang may kontrol sa lahat, kahit sa gitna ng bar. “May mga paraan ang mundo para malaman ang tungkol sa mga tao.”
Napangiti si Althea, isang ngiti na halo ng pagka-intriga at kaunting pagtataka. “Eh, sino ka ba talaga para manghimasok sa gabi ko?”
“Isa lang akong lalaking puwede kang gawing responsable… o puwede rin kitang i-enjoy sa isang gabi.” Ang tono niya, may halong biro at misteryo, sapat para manginig ang tuhod ni Althea—kahit na lasing.
Hindi niya naisip na ang gabing iyon, ang simpleng kalasingan at pakikihalubilo sa bar, ay magiging simula ng isang lihim na pag-iibigan—isang gabing magbabago sa lahat ng nakasanayan niyang kontrol sa buhay.
Sa isang iglap, nagdesisyon si Althea: kalimutan ang mundo sa labas ng bar. At doon, sa piling ng lalaking hindi niya inaasahang makikilala, nagbukas ang pinto sa isang gabing puno ng tukso, pagnanasa, at delikadong excitement.
Bunga ng di mabilang na baso ng alak
kaya hataw na hataw SI Althea sa Dance Floor, nevermind na sa kanya kahit may humahaplos sa kanya , magpakasaya Siya at lumimot.
Flashback!!!
Samantala Kalalabas lang ni Gov galing VIP Room , napahinto Siya sa paglakad dahil kumpol ng mga sumsayaw sa dance floor , tanaw niya ang nangyayari sa dance floor!