KABANATA 1

1747 Words
KABANATA 1  HILA-HILA ko pababa ang laylayan ng suot na maiksing damit. Hindi ako komportable sa ganito ngunit ito ang pilit ipinapasuot ni mama sakin. Lulan kami ng tricycle na inarkila ni papa para maghatid at magsundo samin sa dadaluhang kasiyahan.  Hindi ako mapakali sa pagkabalisa. I am wearing a black velvet skin tight dress. It's skirt was a pencil type..very short and provocative. My back was bare down to my waist. Sinadya pa ito ni mama sa bayan para lang sa gabing ito. Inayos ko ang mahabang buhok at pilit na tinatabunan ang dibdib kong nakalantad dahil sa baba ng neckline. Panay ang pangaral ni mama sakin sa kung ano ang dapat kong gawin na taliwas naman sa aking kagustuhan.  Halos mapatalon ako nang bigla niyang tapikin ang kamay kong pilit ibinababa ang laylayan ng damit sa kadahilanang umaangat ito kada gagalaw ako. "Wag mo akong artehan dyan Megan ha! Ayusin mo 'yang galaw mo at nang mapansin ka ni Gob! Minsan lamang ang ganitong pagkakataon!" saad niya at tiningnan ako ng masama. Napayuko ako sa kawalan ng lakas na salubungin ang kanyang nagbabagang mga mata. "Ma, hindi po kaya masyadong maiksi itong damit ko? Hindi po ako komportable sa ganito."  Ang isiping makikihalubilo ako sa ibang taga La Carlota nang ganito ang suot ay talaga namang nakakahiya. Baka ay ano na naman ang sabihin nila. Kami na naman ang magiging sentro ng talakayan. "Anong hindi komportable-komportable dyan! Huwag mong pansinin iyang suot mo, ang kailangan mong pagtuunan ng pansin ay kung pano mo lalapitan si Gob! " Pinandilatan niya ako at inirapan. Ito ang lagi niyang bukambibig. Ang akitin ang binatang Gobernador sa aming nayon. Ang pumasok sa buhay nito at kung papalarin ay ang maging kabiyak. Mataas ang pangarap ni mama. Isang pangarap na sa hinapos ay alam kong malabong mangyari.  "Ma naman—" "Huwag mo akong maartehan dyan Megan! Matuto kang tumulong sa amin ng ama mo at nang magkasilbi ka naman sa pamilyang ito!" Bulyaw niya. Napabuntong hininga ako at mas minabuting huwag na lamang magsalita.  Kilala ang mga Rumualdez sa buong lungsod maging sa mga karatig lungsod dahil sa kanilang maayos na pamamalakad. Nagsimula ang henerasyon ng mga Romualdez sa pulitika kay Don Felipe Romualdez na ilang ulit ring nahirang bilang gobernador sa La Carlota. Walang sino man ang nakakatalo rito sa kadahilanang lahat ng mga mamamayang sakop nila ay pabor sa kanilang pamamahala. Naghari ang mga Romualdez sa larangan ng pulitika at sa ngayon nga ay isa na namang Romualdez ang syang nahirang na bagong Gobernador. Isang trabahador sa rancho ng mga ito si papa. Hinahangad ni mama na mapalapit ako kay Gov upang tumaas ang posisyon ni papa sa rancho. Hindi ako sang-ayon sa balak ni mama ngunit wala akong magawa dahil sa iginigiit nitong silbi ko sa aming pamilya.  Matagal nang bukambibig ni mama na mas bubuti ang aming pamumuhay kung makakapag-asawa ako nang isang mayamang lalaki na mag-aahon sa amin sa kahirapan. Minsan na ako nitong ibinugaw sa isang banyaga nang minsang may napadpad rito sa La Carlota. Ngunit si mama na mismo ang umayaw nang malaman nitong may asawa na ito't kasal pa. Sa ngayon ay heto na naman si mama at si Gov na naman ang pinupuntirya.  Alam kong malabong mangyari ang gusto niya. Matikas at matipuno si Governor Rake Romualdez kaya sa malamang ay mataas ang standard nito pagdating sa babae. Ang katulad kong laki sa nayon ay hindi papasa rito. Mas nararapat sa kanya'y isang babaeng papantay sa estado ng buhay niya.  Nakaramdam ako ng hiya sa sarili sa isiping iyon. I let out a deep breath harshly. Ilang minuto lang ang itinagal ng aming biyahe. Ang matitingkad na ilaw ang sumalubong sa amin pagdating. Marahas akong hinila ni mama palabas sa tricycle. "Umayos ka. Huwag mo akong gagalitin at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Ngumiti ka!" Nasa gilid lang ako nito at pilit na ngumingiti sa kabila ng pagkabalisang nararamdaman. Hindi ko mapigilang hilain ang damit pababa sa tuwing umaangat.  Napapiksi ako nang mariin akong hawakan ni mama sa braso nang tuluyang makapasok. "Ayan na si Gob umayos ka!" Bulong nito at may ininguso sa aking bandang likuran. Pumihit ako upang tingnan ito at halos mapako ako sa kinatatayuan nang magtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na pareho kaming nagkatinginan o sadyang kanina pa ako nito pinagmamasdan.  He's big, muscular and with an almost perfect symmetrical face. His eyes were dark but something was in it...something I couldn't name off. Beside him is a beautiful fair woman, nakaangkla ang manipis nitong kamay sa buskong bisig ng Gobernador. I tore my gaze off them. Biglang kinabahan sa pagtatagpong iyon. Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaglit ang banyagang damdamin. Malawak ang ngiti ni mama, marahil ay nakita nito ang saglit naming titigan ni Gov. Muli ay panakaw akong tumingin sa gawi niya. He's whispering something to the girl dahilan para tumawa ang kasama at bahagyang tinampal ang bisig niya. I shamelessly watched them, hindi alintana kung may makakapansin. God indeed has its favorites.  His eyes found mine and a smile crept in his lips. Nilingon ko ang aking likuran upang kompirmahin kung ako nga ba talaga ang tinitingnan niya...ngunit ang tanging naroon sa aking likuran ay ang kumpol at mga toreng bulaklak.  Kinurot ako ni mama.  "Huwag kang kung saan-saan tumingin. Kabilin bilinan ko sa'yong iyong pagpapapansin kay Gob ang pagbuhusan mo nang lahat ng iyong atensyon." Umismid siya at umirap. Napayuko ako, napabuntong hininga at tumango. "Halika at bumati tayo." Hinila niya ako papunta sa direksyon nila. Kahit gusto kong magprotesta ay mas minabuti ko na lamang na sumunod at baka kurot na naman ang abutin ko kapag nagkataon. Lumilikha ng kakaunting tunog ang suot kong takong sa tuwing naglalakad. "Magandang gabi po, Gov." Bati ni mama at diniinan ang pagkakahawak sa aking bisig. Pilit akong ngumiti kahit naaasiwa. "Magandang gabi rin sa inyo, masaya ako't nakadalo kayo." His voice was deep and husky. I felt a strange weakness in my knees. Nakakatunaw. His jaw was freshly shaven and he had the kind of face that stopped you in your tracks.  "Ahm ito po pala ang anak ko Gov." Bumundol ang kakaibang tambol sa puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa hiya, sa pagkabalisa o sa hindi ko maipaliwanag na takot.  Ano ba ang dapat kong gawin? Should I extend my hand for a handshake? O ngingiti nalang bilang pagbati?  After a second, I decided to do the latter. Tipid akong ngumiti at nagbaba ng tingin. My heart began to hammer. Hindi ko maiwasang humanga sa angkin niyang kagwapuhan, matikas ang kanyang pangangatawan at napaka respetadong tingnan sa suot nitong itim na coat na tinirnuhan ng kulay abong kurbata. Malayo ang agwat ng edad naming dalawa. Sa pagkakaalam ko ay bente syete na siya. His eyebrow rose and his lips curved in an amused smile. "Hindi ko alam na may anak pala kayo maliban kay Stacy aleng Josana. "  "Hindi ko lang po nababanggit sainyo Gob. Lumaki rin po kasi sya sa tiya nya sa karatig nayon at ngayon lang naparito." Hinila ko pababa ang suot at inayos ang buhok sa may dibdib. A smug smile crept on his face as he shamelessly watched me.  "Nako, maiwan ko muna kayo Gob at pupuntahan ko muna ang aking mga amiga doon." Pagpapaalam ni mama. Governor Rake Romualdez nodded in response. Bahagya pa akong nagpanic, hindi alam kung susunod ba sa kanya paalis o mananatili. Sa matalim na tingin ni mama ay alam ko na agad ang kasagutan. Ito na ang simula Megan. Hindi ko alam kung papaano sisimulan.  He cleared his throat. "Naaasiwa kaba sa suot mo?"  Bahagya pa akong nagulat nang magsalita siya. Tila'y nalulon ko ang sariling dila at hindi makapagsalita. I shook my head shyly. "Pansin kong hindi ka komportable sa suot mo."  I forced a smile. "Ay naku hindi naman po, Gov. Medyo umaangat lang kasi pero okay lang naman po." I said with equal politeness. The truth is, gusto ko na lamang na umuwi at balutin ang aking sarili. He smiled but there is no humor in it. "Rake nalang ang itawag mo sakin at wag mo na akong i 'po' kasi pakiramdam ko ay sobrang tanda ko na kapag ganon. Sa palagay ko naman ay hindi nagkakalayo ang edad nating dalawa. Ilang taon ka na nga pala?" Sumimsim siya sa hawak niyang baso na naglalaman ng alak. Inalok niya ako nito na sya ko namang tinaggihan.  "Eighteen."  Muli kong hinila pababa ang damit. Lumipad roon ang kanyang tingin at hindi ko maiwasang maasiwa sa paraan ng pagtitig niya. Bahagya siyang tumango. "I didn't expect you to be that—young. No offense meant, it's just that you're like a full grown woman in your dress. " He tilted his head at pinasadahan ako ng tingin. "—hindi ka umiinom?" Umiling ako at bahagyang ngumiti. Nahagip ng mata ko ang pagkahulog ng paningin niya sa aking dibdib bago ito nag-iwas ng tingin at muling uminom. "H-hindi ka pa ba nakakainom ng alak? Hindi ko akalaing sa panahon pa pala ngayon ay may babae paring hindi umiinom ng alak. That's good." Inilapag niya ang dalang baso sa maliit na mesang naroon.  "Hindi kasi ako pinapahintulutan ni papa na uminom ng alak." "Maganda nga iyong ganon. Hindi naman talaga bagay sa isang magandang dilag na kagaya mo ang uminom. Marami nang mga naglipanang kalalakihan ngayon ang nasasangkot sa mga krimeng may kinalaman sa mahahalay na bagay." He said in a low and even voice. Uminit ang pisngi ko sa narinig. Muli kong ibinaba ang laylayan ng aking damit nang maramdaman ang bahagyang pag angat nito.  "Here,"  Umikot siya papunta sa aking likuran at walang pasubaling ibinalot sakin ang kanyang coat na mabilis niyang nahubad. Kakarampot na espasyo na lamang ang nakapagitan sa aming dalawa. Naamoy ko na ang swabe nitong bango. I can feel his warm breath on my cheek. Sunod-sunod ang mga naging paglunok ko nang bumulong siya sa aking tenga. "You should not wear clothes like that, Meg. Its distracting. "  Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig lalo na nang banggitin nito ang pangalan ko. Makahulugan siyang ngumiti bago lumayo at uminom muli. Hindi ko na maintindihan ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Distracting? Nahagip ko si mama na malapad na ngumiti. Nagawa pa nitong mag thumbs up. Nag-iwas ako ng tingin at pinaypayan ang aking sarili. This is just the start ---mimi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD