bc

Hello again, Mr. Billionaire

book_age18+
447
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
possessive
goodgirl
boss
drama
bxg
office/work place
love at the first sight
naive
shy
like
intro-logo
Blurb

Matinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo.

Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para maangkin nang tuluyan ang dalaga at nagtagumpay siya. Ngunit paano nila iingatan ang pagibig na pilit hahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila?

chap-preview
Free preview
Prologue
MIRASOL Bahala na! Iyon ang nasa isip ko habang kinukuskos ng bath's sponge ang hubad kong katawan na nakalubog sa tubig ng napaka-gandang bathtub na may mabangong aroma. Kailangan ko ng pera kaya ko ito ginagawa. Sabihin man na mali, marumi, nakakadiri ay wala na akong pakialam. Mula kay Mr. Cheng ay sa ibang lalaki ko piniling ibenta ang sarili. Triple raw ang ibabayad sa akin, ang sabi ng personal bodyguard nito na siyang sumundo sa akin sa parteng iyon ng lansangan kanina. Tumakas ako kay Mr. Cheng dahil nakonsensya ako sa balak gawin. Ngunit nang tumawag ang kapatid at sabihin nitong kailangan nang operahan si Lileth ay agad akong nagpasyang bumalik sa lalaki. Paglabas ko sa pinagkukublian ay may tumigil na magarang sasakyan sa tapat ko at inalok nga ako ng nagngangalang Samuel. Handa raw magbayad ng triple ang boss nito kapalit ng isang gabi. At paano pa ako tatanggi kung nasa ganoon na akong sitwasyon? Hiling ko lang na sana'y hindi matandang lalaki ang amo nito. Pero may magagawa pa ba ako kung kasing edad rin ni Mr. Cheng ang boss na sinasabi niya? Pinalis ko ang lungkot na biglang naramdaman. Ilang minuto na ako roon kaya ipinasya kong umahon na sa tubig. Ang instruksyon sa akin nung Samuel ay hintayin ko lang daw sa silid na iyon ang boss niya dahil may mahalaga pa raw itong ka-meeting. Sa kabila ng kaba ay agad akong nagbanlaw ng mabulang katawan saka nagsuot ng silk robe na tanging naroon sa banyo. Paglabas ko ay muntik na akong mapalundag sa gulat nang may mamataang malaking bulto ng lalaki na nakatayo sa salaming dingding ng silid. Nakatanaw ito sa malawak na syudad na napapaligiran ng iba't-ibang ilaw mula sa mga billboards at buildings. May tangan itong bote ng alak at nakatalikod sa gawi ko. Lumingon siya nang maramdaman ang aking presensya. Muntik na akong matulala pagkakita sa mukha ng lalaki. Kulang ang salitang gwapo para ilarawan ang hitsura nito. May maamong mga mata na tila nanunuyo kung tumingin, matangos na ilong, kilay na tama lang ang kapal, pero ang nakapagpatulala sa akin ay ang labi nito na bahagyang mamasa-masa dahil sa iniinom na alak. He is wearing a business suit at tanggal na ang butones ng pang-itaas na long sleeve kaya lantad ang mabalahibo nitong dibdib. Kahit medyo dim light ang kulay ng paligid ay nakakasilaw pa rin ang kagwapuhan nito na naghuhumiyaw sa buong silid. Ito ba ang boss na sinasabi ni Samuel? napaka-imposible naman yata. Bakit ang ganitong hitsura ay kakailanganing bumili ng babae na nakita lang kung saan? sigurado akong sa katayuan pa lang ng pamumuhay ng binata ay maraming babae na ang nagkakandarapa sa kaniya, huwag nang idagdag ang mala-Adonis nitong katawan at mukha. Pero teka lang! Bahagyang kumunot ang aking noo nang matitigan ang lalaki na noo’y kay tiim ng tingin sa akin. Parang pamilyar ang mukha niya. Tila nakita ko na ito somewhere o baka nagkakamali lang ako. "Mukhang sanay na sanay ka na sa ganitong trabaho, ah?" wika nito na ikinakunot lalo ng aking noo. Bukod sa sarkastiko nitong boses ay ipinagtaka ko rin ang galit na kalakip niyon. "S-sabi po ng bodyguard niyo—babayaran n'yo raw ako—" "Yup!" madilim ang mukha na sagot nito. Pagkuwa’y padabog na ibinaba ang bote ng alak sa side table bago ito naupong tila hari sa malaking leather couch na naroon. "A-ah, eh . . ." Nangangatal ako at hindi malaman kung ano ang sunod na sasabihin. Ang kaba ko ay bunga ng pagtitig nito sa aking katawan. Naroon ang pagnanasa ngunit may talim rin sa mga mata ng binata habang binibistahan ako. "Oh, I forgot! Let's talk about your payment. Magkano ba ang kailangan mo?" Saglit akong natilihan sa tanong. Para kasing ano mang sandali ay sasabog ito sa galit. Iyon ang tingin kong hitsura nito na ipinagtataka ko nang labis. Naisip ko tuloy na baka wala ito sa mood nang dumating. Marahil ay dahil sa trabaho nito kaya parang yamot ang lalaki. Pero hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya kahit nagsasalubong ang kilay. Ano pa kaya kapag ngumiti ito? Mirasol, Mirasol! Ano’ng kahangalan iyang naiisip mo? Sa gitna ng sitwasyon ay nakuha mo pang mabighani sa hitsura niya? kutya ng aking utak. "Tell me how much you want, lady! For your goddam body! " untag nito nang hindi agad ako nakasagot. Napayuko ako dahil bigla akong nakadama ng hiya. Bumalik rin ang kaba sa aking dibdib saka napasulyap sa pintuan. Gusto kong tumakbo at tumakas muli sa ikalawang pagkakataon pero nang maalala ang pamangking may sakit ay kinalimutan ko ang takot sa maaring mangyayari. "L-Limang Daang Libo . . ." lakas-loob kong wika sa kabila ng pangangatal. Nagawa kong tumitig nang tuwid sa mga mata ng lalaki nang sabihin iyon. Inalis ko ang hiya dahil kaligtasan ni Lileth ang nakasalalay roon. Siguro'y sobra na ang Limang Daang Libo sa operasyon ng pamangkin ko. Si Mr. Cheng nga ay One Hundred Thousand lang ang offer. Kung tataasan ko pa ay baka tumanggi ang kaharap. Nakakalungkot lang na ganoong halaga lang pala ang katumbas ng bagay na pinaka-iniingatan ko sa buhay. "Tsk! Ganyan lang pala ang halaga mo! kung alam ko lang—tssk, never mind." Umangat ang tingin ko sa lalaki dahil sa narinig. Alam kong pulang-pula ang aking mukha. Gusto kong ipaliwanag ang lahat sa kanya, sabihing ginagawa ko lang iyon dahil sa pamangking may sakit. Para bang nais kong linisin sa binata ang aking pagkatao pero ano bang silbi niyon? Estranghero kami sa isat-isa at pagkatapos ng gabing ito ay tiyak na hindi na ako maaalala pa ng lalaki. Pera ang kailangan ko kaya hindi na namin kailangang mag-usap. "S-sabihin n'yo kung kaya niyo ang presyong kailangan ko. M-may naghihintay sa aking ibang customer at—" naputol ang aking salita nang marahas itong tumayo at hinaklit ang aking braso. "F*ck you!" Muling nanlaki ang aking mga mata sa lalaki. Bakit bigla-bigla na lang itong nagagalit? At bakit natatakot ako sa ibinabadya ng mga mata niya? Pero ang takot na iyon ay balewala sa malakas na pintig ng aking dibdib dahil sa paglalapit namin. Sobrang bango nito! Ang sarap langhapin at mas gwapo pa ito sa malapitan. Kahit galit ay nakaka-akit pa ring titigan ang kaniyang mukha. "M-mister . . ." Pumiksi ako nang makabawi. Marahas niya akong binitiwan kaya natumba ako sa malambot na kama. Dali-dali kong inayos ang roba na nalilis ang laylayan sa aking hita. "Babalik ka sa matandang iyon? Ibebenta mo ang sarili mo para sa ganoong halaga?" asik nito. "K-kailangan ko ng pera at wala po kayong paki ro'n!" naiinis ko nang pakli saka bumangon sa kama. "Bakit ka tumakas kung ganoon?" Hindi ako nakasagot sa tanong kaya nagpatuloy ang lalaki. "Nabababaan ka sa offer, 'di ba?" sarkastiko nitong dagdag. "H-Ho? Hindi ganoon—" "I'll pay you! I'll give you One Million Pesos for your virginity!" aniya na ikinalaki ng dalawa kong mata. Isang milyon? Saglit akong nalula sa presyong sinabi nito. Oo nga't tiyak na barya lang iyon sa lalaki pero sa tulad naming laki sa hirap ay kayamanan na ang ganoong kalaking halaga. Pero baka naman nagbibiro lang ito. Sinong tanga ang bibili ng babae sa halagang Isang Milyon? sa hitsura nito—kahit sinong sikat na modelo ay papatol sa kaniya nang libre. "S-sigurado po kayo?" naniniguro kong tanong. Mapakla itong ngumiti saka hinaplos ang aking mukha. Nangatal na naman ako dahil sa ginawa niya. "Kahit ilang milyon pa'y kaya kitang bayaran," he said. "Basta siguraduhin mo lang na ako lang ang makikinabang sa katawan na iyan!" Saka bumaba ang haplos nito sa aking leeg hanggang dumako sa puno ng aking dibdib na nakahantad sa suot na silk robe. Tila boltahe ng kuryente ang aking naramdaman kaya mabilis kong pinalis ang palad ng binata. "Ano ba'ng sinasabi mo? Isang gabi lang ang alok ko at pagkatapos nito ay hindi na tayo magkikita!" saad ko matapos tangkaing takpan ang mga dibdib. "Tsk! Okay. If that's what you want. I'll give you One Million, but make sure na virgin ka pa—" pagkasabi ay hinila niya akong muli saka ini-angat ang mukha ko sa pamamagitan ng paghawak sa aking panga at ulo. Bumalik ang talim sa mga mata nito nang dugtungan ang sinasabi "If I found out tonight na hindi ka na virgin—then you'll be punished, naiintintindihan mo?!" dagdag pa nito na lalong ikinalaki ng aking mga mata. Bago pa ako makasagot ay nahapit na niya ako at sinakop ng kanyang labi ang akin. Para akong nanigas sa halik na iyon at saglit na hindi nakakilos. It was my first kiss. Hindi ko akalain na ganoon ang mararamdaman. Dapat ay umatungal ako ng iyak dahil isang estranghero ang kumuha ng first kiss ko na inilalaan ko sana sa magiging asawa balang-araw. Pero wala akong ibang nararamdaman kun'di ang malakas na t***k ng hubad nitong dibdib na nakalapat sa akin. Para bang natural lang ang ganoong bagay sa pagitan namin ng binata. Ilang segundong tumagal ang halik. Itinulak ko lang siya nang pangapusan na kami ng hininga. Ngunit muli lang nitong kinamkam ang labi ko. Sa ikalawang pagkakataon ay medyo gumaan na ang halik nito. Nawala ang dahas at tila nanunuyo na ang kaniyang labi. Tinuturuan ako kung paano gumanti sa ginagawa ng labi at dila niya sa aking bibig. Hindi ko akalain na ganoon lang pala kabilis matutunan ang bagay na iyon. Natagpuan ko na lang ang sarili na ginagantihan ang halik ng binata. Narinig ko ang pag-ungol nito at mas lalo akong idiniin sa kaniya. Ipinasok niya ang dila sa aking bibig at nakiliti ako dahil doon. Nang imulat ko ang mga mata ay nasa kama na kami at nanghilakbot ako nang mapansing wala na pala akong saplot at ito man ay naghuhubad na rin habang nakaluhod sa tapat ko. Paanong nawala ang roba sa aking katawan nang hindi ko namamalayan? Ni ang paggiya sa akin doon ng lalaki ay hindi ko rin napansin. Natakpan ko ng magkabilang palad ang mga mata nang mahubad ng binata ang lahat ng saplot niya. Inalis nito ang mga iyon na tila inuutusan akong titigan ang mala-Adonis niyang katawan. Bumalik sa akin ang takot nang makita ang bagay na iyon sa pagitan ng kaniyang mga hita. Lihim kong naitanong sa sarili kung kakasya ba iyon sa akin? Oh my God! Sa dami ng iisipin ay iyon pa talaga ang naisip ko? Ngunit tila nasama sa hangin ang aking mga agam-agam nang maglapat ang hubad naming katawan. Muli niya akong hinalikan nang may pagsuyo. "Relax and enjoy this night, Mirasol. I'll make you see who you truly belong—who really own you. And that is me! Only me, Mirasol! You are mine!" may diin nitong sabi. Itatanong ko sana kung paano niya nalaman ang aking pangalan pero nawala iyon sa utak ko nang maramdaman ang daliri niya sa basa ko na pa lang kasarian!" "Ughhh..." hirap kong daing na hindi malaman kung saan ibabaling ang mukha. Napakasarap na pakiramdam na hindi ko makakalimutan kahit na kailan. Ngayong gabi ay susundin ko ang sinabi ng lalaki. Kalilimutan ko muna ang mga problema at magpapasasa sa ligayang dulot ng mga halik at haplos ng estranghero. Inalis ko muna sa utak ang pamangking nakaratay sa ospital, ang patong-patong naming utang sa tindahan, ang matrikula ko sa paaralan at ang napakaraming suliranin ng aking pamilya. Sa gabing iyon ay ako lang at ang lalaki at ang ginagawa namin ang ilalagay ko sa aking utak. Nagpakalunod ako sa ginagawa namin. Paano akong nadarang sa hindi kilalang binata? naisip ko pa na ganito rin kaya ang mararamdaman ko kung si Mr. Cheng ang pag-aalayan ko ng sarili? Kinilaburan tuloy ako nang maalala ang matanda. Iwinaksi ko iyon sa isipan at nag-focus sa binatang nasa pagitan na ng aking mga hita at tila sabik doong humahalik. Hindi maipaliwanag na kiliti ang aking naramdaman kaya naitulak ko ang ulo nito palayo roon nang tila may nais umalpas mula sa aking kaibuturan. "Let it go, Baby . . . It's okay." Napangiwi ako nang maramdaman ang daliri niya na marahang pumasok sa akin. Mahapdi pero may kasamang kiliti lalo na nang pagalawin iyon ng lalaki sa ekpertong pamamaraan. Para akong mababaliw at hindi malaman kung saan ipapaling ang mukha. "Tama na..." nagmamakaawa kong sabi na may halong daing dahil para ba akong maiihi na 'di maintindihan. Ngunit sa halip na tumigil ay bumaba pang muli ang labi niya roon at isinabay and dila sa malikot niyang daliri. Ilang saglit ay may naramdaman akong tila sumabog sa aking kaibuturan. Halos hindi ko kinaya kaya ikiniwal ko ang katawan. Maluha-luha ako pagkatapos ng luwalhating iyon. Nanlambot ako at nakadama ng antok pero hindi pa pala tapos ang lalaki. "The sweetest juice I've ever tasted," he whispered in my ear then bit it not so gentle kaya napadaing ako nang bahagya. Dumako ang halik nito sa aking dibdib saka ko naramdaman ang matigas na bagay na nagpupumilit pumasok sa akin. Bumalik ang takot ko at agad na nagtangkang itulak ang lalaki ngunit hinawakan niya ang dalawa kong kamay saka inilagay sa aking ulunan. "A-aray ko!" iyak ko nang tuluyan siyang makapasok. "Shhh! The pain will disappear if you'll kiss me." "Ha?" maang kong titig sa lalaki. May kakaibang kislap sa mga mata nito nang tumigil saglit sa paggalaw sa aking ibabaw. Nawala ang kanina'y madilim na awra at pumalit doon ang pagsuyo na halos ikatunaw ko. "Trust me. It will lesser the pain," nakangisi nitong saad. At dahil wala akong alam pa sa ganoong bagay ay sinunod ko siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang mukha saka inosenteng hinalikan ang kaniyang labi. And he's right somehow. Nawala nga ang kirot at hapdi nang halikan ko siya ngunit saglit lamang pala iyon dahil nang gumalaw na ito ay halos mapasigaw ako sa sakit. Para akong hinihiwa ng kutsilyo kaya nakalmot ko siya sa likod at batok. "Tama na!" hikbi ko. He’s kissing my neck and chin. "Shhh . . . mawawala rin ang sakit, promise!" "Urghhh." "Feel me, Baby! Moan for me!" humihingal nitong utos habang inaangkin ako. Ilang saglit lang ay nag-iba ang aking pakiramdam. Nawala na ang hapdi at pumalit doon ang kakaibang kiliti na mas matindi pa kaysa kanina. Napapasinghap na ako at sinasalubong ko na pala siya sa papabilis na pag-angkin sa akin. "Ahhhhhh!!" patili kong ani nang muli kong marating na kakaibang daigdig na iyon kasunod ang binata. Pagkatapos ay habol namin ang paghinga. Ilang saglit itong nakasubsob sa pagitan ng aking dibdib bago umangat at mabilis akong hinalikan sa labi. Napagod ako kaya hindi ko na nagawang imulat ang nakapikit kong mga mata. Naramdaman ko lang na may inabot ito sa side table at nang bumalik ay may isinuot sa aking leeg. "Wear this as a sign that you are my property. You are mine now, Mirasol." he declared pero iginupo na ako ng antok dahil sa matinding pagod kaya hindi ko na masyadong naunawaan pa iyon. NANG magising ako ay madaling araw na. Nakayakap ang lalaki sa aking baywang at nakapaloob ako sa mga bisig niya. Saglit kong tinitigan ang gwapo nitong mukha. Kakatwang wala akong naramdamang lungkot o pagsisisi sa nangyari. Bagkus ay napangiti ako habang pinapasadahan ng tingin ang binatang pinag-alayan ng lahat. Hindi ko man ito kilala ay isa lang ang natitiyak ko. Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Masarap pa sanang damhin ang init ng yakap nito. Kaya lang ay kailangan ko nang umalis para harapin ang totoong mundo. Kung ano man 'yung bigla kong naramdaman para sa lalaki ay kailangan ko na agad putulin. Dapat kong itatak sa isip na binili lang nito ang isang gabi na iyon at walang ibang ibig sabihin ang lahat ng naganap kagabi. Walang ibang kahulugan ang maiinit niyang halik at yakap, maging ang mga sweet words na ibinubulong niya sa tapat ng aking tainga para pawiin ang kirot ko. Bunga lang iyon ng pagnanasa at wala ng iba. Kaya naman maingat akong kumawala sa bisig nito at umalis sa kama. Dahan-dahan kong isinuot ang damit na suot kagabi saka lumapit sa table. Nakita ko roon ang cheque. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang Limang Milyon ang nakasulat doon. Kaya naman hinanap ko na lang ang wallet ng lalaki sa silid at nang mamataan ang pantalon nito na nakakalat sa sahig ay kinuha ko ang wallet niya roon saka binuksan. Nakakita ako ng makapal na pera, kinuha ko iyon na hindi na tiningnan ang mga credit card. Saglit pa akong natigilan nang may mapansing picture sa wallet. Larawan ng isang madungis na bata ang naroon na may dalang lata na tila nanlilimos sa labas ng Simbahan. Sino ito? naitanong ko sa isip pero ipinagkibit-balikat ko na lang at nagmamadali na akong umalis. Nakasakay na ako sa taxi nang may maalala. Agad kong kinapa ang leeg at natigilan nang madama ang kwintas na naroon. Akala ko'y panaginip lang pero totoo pala. Ano man ang dahilan ng pagbibigay niya ng kwintas ay ikinatutuwa ko iyon nang lihim. May alaala itong iniwan. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi saka nilingon ang pinanggalingan. Magkikita pa kaya kami?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook