Pag-aalala

1450 Words

'Di maitatangi ni Luisa na mahal na mahal na niya ang binatang si David. Panalangin niya na sana hindi siya nagkamali nang ibinigay sa lalaki ang lahat-lahat sa kan'ya. Gabi na nang nakauwi na si Luisa. Kun'wari ay pagod na pagod siya. "Anak natapos ba ninyo ni Loyd ang pagpipintura sa loob ng bahay?" "Opo tinulungan kami ng mga kaibigan ko. Tinawagan ko po sila kasi baka hindi namin po ito matapos." Anito sa ina na nagtatanong. "O siya, umakyat ka na nang ikaw ay makapagpahinga at bukas sisimulan natin na ang paglilipat." "Opo inay!" "Ay, nasaan nga pala si Loyd, Bakit 'di mo na siya kasama sa pag-uwi?" "Nauna lang po ako sa kan'ya kasi tinawagan siya ng barkada niya. Baka gabihin po 'yon kaya 'wag na po ninyong hintayin." Paliwanag ng dalaga habang ito ay naghihikab na. Sa kabila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD