Umuwi na lang sa hotel si David. 'Di na pinagpatuloy pa ang pamamasyal sa tabing dagat. "Bakit ba nandito na naman ang babae na 'yon? Nakainis na!" bulong sa sarili ni David. Umakyat na siya sa kuwarto nila at natulog na rin. Bukas sana mayroon nang magandang balita tungkol kay Luisa, sa isip ni David. Sa U.P. Diliman, patapos na ang apat na araw na seminar nila Luisa. "Luisa, kain muna tayo bago ka bumalik sa hotel," yaya ni Mayor kay Luisa. "Huwag na po at pagod na rin ako. Gusto ko na lang pong magpahinga. Salamat na lang sa 'yong paanyaya." Ani Luisa. "Lagi na lang na 'wag na po, salamat na lang ang sagot mo sa akin. Natatakot ka ba sa akin Luisa?" tanong nito sa dalaga na may himig nang pagtatampo. "Naku hindi po!" "Ow, hindi? Pero bakit lagi mo na lang tinatanggihan ang mga p

