"Hatid na kita, doon naman ang daan ko," sabi ni Tommy "Huwag na baka maaabala pa kita." "Okay lang 'yon sa akin. I insist!" "Ikaw na nga ang bahala," ani Luisa na 'di talaga mapalagay. Hindi niya alam kung bakit para siyang kinakabahan. Baka kasi hinihintay pa rin siya ni Davd. Sakay na sila ng sasakyang sumundo kay Mayor Tommy. Nasa likod na sila pareho, at 'di naman mainit sa loob ng sasakyan pero si Luisa parang ang init nang pakiramdam. "May sakit ka ba, Luisa?" "Ho, W-Wala po." "Para kasing pawisin ka. May masakit ba sa 'yo?" anito sa dalaga na nag-aalala. "Wala, siguro ay may masama lamang akong nakain kaya gan'on!" Tumingin siya sa labas ng bintana. May napansin kasi siyang sasakyan na parang sumusunod sa kanila. Pagtingin niya dito ay nakita niya si David at nakangiti

