Binuksan ni David ang pinto at biglang napasimangot siya. Si Mayor Tommy pala ang dumating. Nabigla rin ang mayor, 'di niya akalain na ito ang siyang madadatnan niya sa bahay ni Luisa nang ganitong kaaga. "Sino ba ang dumating?" usisa ni Luisa. "Luisa, ako ito si Tommy." "Mayor Tommy, ikaw pala pasok ka," yaya ng dalaga kay mayor. Inis na inis si David nang niyaya ni Luisa ang bagong dating na lalaki. Kung maari lang niyang sipain palabas ito ay ginawa na niya. "Tommy, bakit? May problema ba sa opisina?" tanong niya sa batang mayor. Nakapanibago ang ibang gayak ni Tommy ngayon. Para siyang teenager sa suot niyang t-shirt at maong pants. Gan'on din ang buhok nito na 'di sinuklay at 'di rin nito nilagyan ng gel na dati niyang ayos. Napahanga siyang bigla rito para bang ang guwapo at

