Naawa siya sa lalaki na ngayon ay nakaupo sa harap niya. 'Di niya akalain na makikita niya ang mataas na CEO na si David Uy na parang maamong tupa sa harap niya. "Please David, umalis ka na," "Luisa talaga bang wala ka nang pagmamahal para sa akin?" "Wala na, siguro ay masiyado akong nasaktan dito kaya hanggang ngayon ay narito pa rin ang pilat," sagot ni Luisa na parang iiyak maya maya lang. "Luisa, babalik akong muli at lahat ay gagawin ko para maibalik ang 'yong pagtitiwala sa akin." "Hindi kita pipigilan kaya lang 'wag mong asahan na babalik pa ako sa 'yo."Ani Luisa. Umalis na si David, tahimik na ang bahay kaya nagpadala na ng mensahe si Luisa sa mga kasama sa bahay na wala na si David at puwede na silang umuwi. Bumalik sa Boracay si David. Tinanong siya kaagad ng mga kaibigan

