Habang sila ay kumakain 'di maisip ni Luisa kung ano ang sasabihin sa binata. Minabuti niya na hayaan ang binata ang magsimula nang usapan. Tapos na silang kumain, nang bigla umorder si David ng dalawang kape. "Pang-alis nang umay," sabi nito. "Naunahan mo lang ako pero gusto ko talagang magkape rin," sagot ni Luisa sa binata. "Luisa, 'wag mo sana ikagalit ang itatanong ko sa 'yo," "Ano ba ito at mukha yatang napaka personal ang itatanong mo sa akin, at humihingi ka pa nang permiso?" ani Luisa na parang biglang kinabahan. "Ano kasi gusto ko lamang naman na tanungin bakit nga ba sila Helga at Tommy ang siyang nagkatuluyan?" "Kinabahan ako roon 'yon lang pala itatanong mo," ani Luisa na nakatawa sa tanong nito sa kan'ya. "Oo sinabi niya rin sa akin na gusto ka niya!" wika ni David.

