Parang naiinis si Luisa sa sarili kasi tama si Helga tapos nagsinungaling pa si David sa kan'ya dahil 'di ito gumamit ng kahit ano mang proteksiyon. "Walanghiyang buhay talaga oo. Masiyado kasi kung makadikit ang lalaking yon," sa isip nito. Lalo tuloy kailangan niya nang lakas ng loob para labanan si David at ang tukso na hatid ng binata. Hindi niya alam ano ang kan'yang gagawin dahil baka nga mabuntis na naman siya at tiyak na lagot siya sa mga magulang. Gabi na nang umuwi na sila Helga at Tommy. Gusto pa sana ni Helga na roon na lang matulog pero 'di raw sound proof ang bahay nila ayon dito. "Ang gaga marunong na nang gan'on, nakakahiya tuloy siya, pero alam niya na siya man ay gan'on din kaya patas lang. "Ang sarap kasi kaya hayun hindi nito mapigilan ang mag-ingay." Tapos nais

