"Tara na..." tulak ni Georgia. Nagkuwentuhan kami kanina kaya nadulas ako tungkol sa part time na pinag-apply'an ko kahapon. Nasabi ko na rin na mukhang malandi iyong Manager na nando'n. Imagine?! Iyon lang ang tangi at unang pagkikita namin pero nilalandi niya na kaagad ako. Sino pang gaganahan na pumasok gayong iba naman pala ang layon niya? Hindi naman siguro ako tanga para isakripisyo ko iyong kalagayan ko. Sa ginawa sa akin ni Hawk, natututo na ako roon. Iisang tabas lang ang mga yon. "Come on! As if namang mamanyakan ka noon! May mga kasama ka roon, they can attest whatever will happen to you." Ngumuso naman ako at inayos ang buhok. Maaga pa naman, pwede pa akong magstay dito bago maghanap ng ibang pwedeng pag-apply'an. Ayaw ko na roon... talo talaga ako sa mga ganyan e. Iyong l

