Nagmamadali naman akong umalis noong tumawag si Mama at pinapauwi na ako. Umiiyak na naman si Kensin, for sure hinahanap na ako ng batang yon. Ang hirap pa naman kapag wala siya sa tabi ko. Hindi napipigilan iyong iyak. Iyak na siguradong dahil sa pagkakamiss noong anak ko sa akin. Ibang-iba na nga talaga. Ang daming nabago. Iyong pagbabago na hindi ko naman ginusto pero pinasasalamat ko dahil kay Kensin. "Oh my baby... miss mo na si Mama?" Nguso ko sa anak. Medyo natigilan ito sa pag-iyak at gumawa ng kaonting ingay bago unti-unting tumigil sa pag-iyak. Napangiti na lang ako at tumitig kay Mama na napangiti na lang din at tumango. Saka siya umalis. Hindi ko naman maiwan iyong anak ko kaya doon na lang muna ako sa sala. Hinehele si Kensin na tuluyan na ngang tumigil sa pag-iyak. Iyon

