"I'll be back tomorrow..." nakalutang na sabi niya habang sinisilip si Kensin. Iniwas ko naman iyong bata at napatitig sa malayo. Kumakabog iyong puso ko sa kaba, para bang may nabubuong bukol na nagpapasakal sa akin. Bakit kaya ganoon? Bakit kaya ang hirap magpatawad kahit na gustuhin ko man para sa anak ko? Iniisip ko na baka nga mahirap kasi imposible nang maging kami ulit. Iyon ang masakit. "Nak," kunot noong tawag ni Mama, nagising naman ako sa mahabang pag-iisip. Napalingon pa ito sa likod ko kaya ako na naman itong napakunot noo. Dapat nga magalit ako dahil hindi man lang ito nagpaalam na pumunto rito si Hawk. Binuhat-buhat pa iyong anak ko without my permission. Ano na lang... ano na lang kaya kapag nawala ako ng matagal? Tatraydurin ba nila akong lahat? Ano ba kasi ang kulan

