Si Reina Malaya Altamirano ay kabilang sa isang malaki at kilalang pamilya sa lungsod ng Laguna. Siya ay isang anak ng isang gobernadorcillo at kilalang manggagamot na hinahangaan at nirerespeto ng mga tao ngunit kasalungat ang kanyang nararamdaman sa kanyang pamilya. Siya ay binansagan ng kanyang Ama bilang isang rebelde sa kadahilanan na taliwas ang kanilang paniniwala.
Buong buhay ni Reina ay pilit niya na pinaglalaban ang kanyang karapatan at kalayaan ngunit ano ang gagawin niya kapag ang pagkakataon niya na makalaya sa kamay ng kanyang pamilya ay naudlot dahil lamang sa isang lalaki? Ano ang kanyang gagawin? Ipagpapatuloy pa rin ba niyang ipaglaban ang kagustuhan niya o magpapatalo nalang siya sa ngalan ng pag-ibig?
PAALALA: Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo, kaganapan at insidente ay tanging produkto ng imahinasyon ng may akda. Ang anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o tunay na mga kaganapan ay pulos nagkataon.
Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga kaganapan na bawal sa mga bata kung kaya't maging responsible at magbasa ng naaayon sa iyong kagustuhan.
All rights reserved. No parts of this story may be produced or transmitted in any form without permission from the author.
Plagiarism is a crime.