Ang Simula

2360 Words
Malumanay akong nakatitig sa kulay asul na kalangitan kung saan malinaw ko na natatanaw ang kulay puting mga ulap na paikot na gumagalaw. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang mga sumasayaw na dahon ng puno habang bumubuga ang preskong hangin.  Dumaan sa aking paningin ang isang puting kalapati kung kaya’t umayos ako ng upo. Marahan at mahina nitong pinapagaspas ang kanyang mga pakpak.  Nagpakawala ako ng isang ligalig na buntong hininga sabay pinatong ang aking siko sa maliit na plataporma ng bintana at pinatong ko ang aking baba doon.  Mabuti pa ang ibon, ito ay malaya, hindi katulad ko na hindi naman ibon ngunit pakiramdam ko na ako’y nakakulong sa isang maliit na hawla at naging hinggil sa akin para makaalis o ‘di kaya kumilos ng malaya.  “Anak, maari mo bang subukang isukat ang damit na handog sayo ng iyong Ama?” ngumiti sa akin ang aking Ina na nakatayo sa aking harapan habang bitbit nito ang isang napakagandang barot’ saya na purong kulay dilaw, may dama-rama itong desinyo at mayroong maliliit na perlas na nakahugis na letrang V.  Kaaya-ayang tingnan ang damit ngunit hindi iyon naaayon sa aking hilig sa mga damit. Ang totoo ay wala akong hilig sa mga damit. Ngunit, ayokong biguin ang aking Ina na mukhang nananabik na makita akong suot iyon. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti bago ako dahan dahan na tumango sa kanya. “Maari Ina. Susubukan ko na isuot ang damit na iyan.”  Sinuklian naman niya agad ang aking ngiti ng isang mas lalo matamis na ngiti. “Ako ay nagagalak na marinig iyan, Anak. Natitiyak din ako na matutuwa ang iyong Ama.”  Tumalikod sa akin ang aking Ina at tumungo naman agad sa aking aparador habang ako naman ay nananatili na nakaupo sa aking silya. Pinanood ko ang aking Ina na abala sa pagtingin ng mga damit sa loob ng aking aparador at kailan man hindi gumalaw. Nasira ang pagkakaupo ko ng maayos ng may gumiit at humimok sa aking isipan na tumingin muli sa bintana na nasa aking gilid. Kanina ko pa na pinipigilan ang aking sarilin na tuparin ang kanina pa ninanais ng aking puso’t isipan ngunit ang kanina ko pang pagtitimpi ay nasira rin kaagad dahil sa tukso.  Hindi ko mapigilan na mapalunok habang muli kong pinapasadahan ng tingin ang aking Ina na abala pa rin sa kanyang ginagawa. Marahan at dahan dahan akong tumayo habang sinisigurado na ako’y hindi mapapansin ng aking Ina.  Bayanad at makupad akong lumalakad papunta sa bintana habang hindi inaalis ang aking tingin sa walang kamalay-malay kong ina sa aking gagawin. Nang tuluyan akong makarating sa bintana, ako'y napapikit at napadalangin ng mataimtim sa panginoon bago ko iniangat ang kanang paa ko at inilagay sa maliit na plataporma ng bintana. Nag aalangan kong nilingon muli ang aking Ina bago ko iniangat ang aking sarili. Pinagmasdan ko ang kaliwang paa ko na nasa ibaba pa rin. Iaangat ko na sana iyon ngunit hindi ko iyon natuloy ng marinig ko ang matinis na tili ng aking ina.  Halo halong emosyon ang unti unting dumadaloy sa aking sistema. Eto ay ang takot, kaba, at gulat.  Nauunawaan ko na ang aking kinikilos ngayon ay ang magiging sanhi ng panibagong pagtatalo namin ng aking Ama. Kung kaya’t mukhang pinangungunahan ng takot ang aking katawan.  “Aking Anak, ikaw ay makinig sa akin. Bumaba ka diyan baka ikaw ay mahulog.” Naluluhang bigkas ng aking Ina habang unti unting lumalakad patungo sa aking direksyon.  Dahil sa takot na nararamdaman ko, walang pagaalinlangan ako na tumalon pababa ng bintana at kasabay nun ay ang malakas at kahindik hindik na tili ng aking Ina. Hindi masyadong mataas o matayog ang aking nilundagan kaya walang kahirap-hirap kong natalon iyon o kaya nakaramdam ng sakit nang tuluyan na akong bumagsak sa lupa. Nang tuluyan na akong makarating sa ilalim ay hindi na ako nagdalawang isip na kumaripas ng takbo papalayo sa aming bahay kung saan iniwan ko ang aking Ina. Patawad Ina ngunit kailangan ko na gawin ito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng inis dahil aking suot suot na damit. Ito ay mahaba at mabigat kung kaya’t nahihirapan ako sa pagtakbo. Bago pa man ako makalayo ay nasipat agad ng dalawang mata ko si Imelda, ang mayordoma ng aming bahay. Nataranta ako dahil kapag ako ay nakita niya sigurado akong hindi na ako muli makakaapak sa labas ng aking tahanan. Mabilis akong lumiko sa kabilang direksyon ng aming hardin upang maiwasan ko na magkasalubong kaming dalawa. Napatingin naman ako sa ‘di gaanong kataasan pader na nakapalibot sa aking tahanan. Hindi iyon gaanong mataas at hindi rin iyong maliit. Mayroong puno na maari ko na akyatin upang mapabilis ang proseso ng pag akyat ko sa pader. Hindi ako nagdalawang isip na akyatin ang mataas na puno sapagka’t ako ay nakakaramdam ng takot na baka kapag ako ay nanatili pa ng mga ilang minuto dito ako ay mahuhuli ng tuluyan. Pumwesto ako sa isang napakalaking sangay ng puno at kumuha ng buwelo para tumalon. “Panginoon, huwag mo akong pababayaan sa aking gagawin.” Hinihingal ko na bulong sa aking sarili habang tinitingnan ang distansya ng babagsakan ko. Hindi ako takot na masugaton o kahit anong bagay pa ‘yan. Hindi lang kakayanin ng puso’t isipan ko na magalala ang aking mga magulang sa mga maaring matamo ko sa aking ginagawang kalapastangan.  Pero ngayon, alam ko na labis ang pagaalala ng aking Ina dahil sa aking ginawa ngunit magkaiba naman iyon.  May kumawalang maliit na tawa sa aking manipis at mapulang labi dahil sa sinabi ko sa aking isipan. Huminga ako ng malalim at pinikit ko ang aking mga bata para ihanda ang sarili ko sa pagtalon ko. Napaigik ako ng tuluyan na akong bumagsak at napalitan naman agad iyon ng "Aray!" Sa kadahilan na ako'y natisod. Napapikit ako sa inis ngunit wala akong oras para ma inis at manatili sa binagsakan ko na lupa. Ngumiwi ako at hinawakan ang aking palda para makatakbo na ako. Tumakbo ako ng tumakbo papalayo sa aming bahay.  Sigurado ako na inalerto na ng aking Ina ang aming mga tagabantay, kasambahay, at si Ama sa ginawa ko na pagtakas muli. Takbo ako ng takbo habang ang paningin ko ay nananatili sa asul na dagat na nakapalibot sa aking tinatakbuhan. Kaaya aya nitong tingnan. Ang bahay na kung nasaan ako kanina ay malapit lamang sa karagatan. Kung saan ang mga daungan ng barko. Makikita at malapit sa aking tinitirhan ang daungan ng mga barko, pamilihan ng mga lamang dagat katulad ng isda.  Pinuntahan ako ng aking Ina dahil kami ay magkakaroon ng hapunan kasama ang pamilya Añonuevo. Tumakas ako sa kadahilanang andoon ang aking magiging kabiyak. Kailangan ko raw pakasalan ang panganay na anak ng pamilyang Añonuevo kahit labag sa aking loob. Nag-away kami ng aking Ama dahil doon, pilit ko na pinaglalaban ang karapatan kong pumili para sa aking sarili ngunit hindi niya ako pinapakinggan. Kaya naman mas lalong lumalayo ang loob ko sa kanya. Hinding hindi ako makakapayag na ako ay ikakasal sa taong hindi ko naman iniibig. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang malalim ang iniisip ko, nakaabot na ako sa kung saan ang mga daungan ng barko. Mahihirapan silang hanapin ako dahil maraming tao ang naririto ngayon kung kaya't nasiyahan ako. Bumalik ako sa tamang pag iisip ng biglang may nakabangga ako at dahil sa pagkakasalpok ko sa taong nasa harapan ko ako ay nawalan ng balanse. Pakiramdam ko ay bumagal ang oras habang ako ay unti-unting natutumba. Napapikit ako bilang pagtanggap at paghahanda sa sarili ko na ako ay matutumba na ngunit mabilis na nahawakan ng taong nakabangga ko ang aking kamay.  Nagkatinginan kaming dalawa na siyang ikinadahilan ng paglunok ko ng ilang beses, nagkatinginan kami ng diretso at hindi ko alam pero ni hindi ko maalis ang tingin ko sa kulay lupa niyang mga mata. Nabalik lang ako sa tama kong pag iisip ng hinatak niya ako pabalik. Natulala ako sa kawalan at pilit na iniintindi kung ano ang nangyari sa akin, pasimple kong tiningnan ang lalaking humatak sa akin at nasipat ko na nanatili ang kanyang pagka kahawak sa kamay ko kaya napalitan ang ekspresyon ko ng inis at galit.  “Munting Binibini, ikaw ba’y ayos lang?” nagaalala ang tono ng kanyang pananalita. Marahas ko na binawi ang aking kamay sa kaniya at binigyan ko siya ng masamang tingin na siyang ikinagulat niya. "Ano ang iyong ginagawa?" Galit ang tono ng aking boses. "Patawad Binibini, sa padalos dalos ko na paghawak sa iyo. Huwag mong mamasamain ang pagtulong ko sa iyo. Tinulungan lamang kita." Nakangiti niyang sabi sa akin sabay kuha ng suot niya na sumbrero at nilagay niya iyon sa kanyang dibdib sabay yuko sa aking harap. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. “Maraming salamat sa iyong tulong, Ginoo. Ngunit, hindi ko kailangan ang iyong tulong.” Umangat ang gilid ng kanyang labi pagkatapos ko na sabihin ang mga katagang iyon. Nasilayan ko rin kung paano kuminang ang kanyang dalawang mata. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at umakmang aalis ngunit hindi ko iyon natuloy ng narinig kong may tumawag ng aking pangalan. Na estatwa ako sa aking kinatatayuan at bumilis ang pintig ng puso ko. Kinakabahan kong nilingon kung asaan nang gagaling ang pamilyar na boses na iyon at nakita ng dalawang mata ko si Argador, ang punong bantay namin na mukhang pagod na. Inihanda ko ang aking sarili para tuluyan na akong tumakbo ng may biglang humawak sa aking pulsuhan, ang humawak ay ang Ginoong nakabangga ko. Pinanlakihan ko siya ng mata bilang senyales na kailangan niyang alisin ang pagkakahawak niya sa akin ngunit hindi niya ako pinansin. Hinarap niya si Argador at binigyan ng matamis na ngiti, rumehistro ang gulat sa mukha ni Argador na siyang ikinakunot ng aking noo. Bahagyang yumuko si Argador sa kanya habang may gulat pa ring ekspresyon sa kanyang mukha bago niya ako tiningnan. "Binibini, nararapat mo nang bumalik sa inyong bahay. Ang iyong Ina ay labis na nagaalala." Giit niya sa aking harapan. Pilit ko pa rin na inalis ang pagkakahawig ng Ginoo sa akin ngunit hindi ako nagtagumpay. “Huwag mo sanang isipin na ako’y nanghihimasok, Ginoong Argador. Ngunit, maari ko ba na malaman ang kung anong nangyari?” Usisa ng Ginoo kay Argador. "Tumakas po ang aming munting Binibini," nanlulumong ani niya."Paumanhin sa abalang nagawa sa iyo Ginoo." Yumuko ulit sa kanya si Argador. "Tumakas ang binibining ito?" Nakangising giit niya sabay lingon sa akin. Tinanguan siya ni Argador bilang sagot habang ako naman ay binigyan siya ng masamang tingin. "Binibini, kailangan mo nang bumalik. Ang iyong ama ay paparating na," pagsusumamo ni Argador sa akin at dahil doon ay mas lalo akong nataranta at nagpupumiglas sa pagkakahawak sa aking ng Ginoo. "Parang awa mo na Ginoo, ako'y bitawan mo." Pagsusumamo ko sa binatang hindi pa rin ako binibitawan. "Hindi kita papakawalan, ayokong mahirapan na naman ulit ang Ginoong ito," tukoy niya kay Argador. "-- Sa paghahanap ulit sa iyo at baka ikaw ay mapano." Matalim ko siyang tiningnan, sinuklian niya iyon ng inosenteng ngiti. "Ako'y tumutulong lamang Binibini, wag mong masamain iyon."  Dahil sa inis marahas ko na iniangat ang kamay ko na hawak-hawak niya at dali-daling kinagat iyon. Napadaing siya kaya bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin, rumehistro ang gulat sa mukha niya. Panigurado na hindi niya inaasahan na kakagatin ko siya. Tumakbo ako pero hindi na naman iyon natuloy sapagka't nakarinig ako ng sigaw, boses ng ama ko na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko sa katawan. Nanlulumo at naiiyak kong nilingon ang aking ama at yumuko sa harapan niya. Tinatanggap ko na ang aking pagkatalo. "Reina!" Galit na tawag muli ng aking Ama. Tinanguan ng aking ama si Argador at ang binatang pumigil sa akin. Napansin ko na nakatingin siya sa akin kaya binigyan ko siyang muli ng isang masamang tingin dahil sa kung hindi niya ako pinigilan kanina pa ako nakaalis at hindi naabutan ni Argador at ng aking Ama. Yumuko akong muli, "Ama..." bati ko sa kanya. Narinig kong napa buntong hininga ang aking ama at na pailing-iling, "Umuwi ka na." Ma awtoridad na giit ng aking Ama sa akin, tumango ako bilang pagsang ayon. Hindi na ako nanlaban at sumama nalang ako, sumakay ako sa kalesang sinakyan ng aking Ama patungo sa aming bahay. Pagkalabas na pagkalabas ko sa kalesa ay bumungad ang aking Ina na nasa labas ng bahay, naghihintay siya sa labas sa pagdating namin. Nang makita niya ako ay tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako.  "Bakit kailangan mong gawin iyon?" Naluluha niyang sabi sa akin, nakaramdam naman ako ng pagsisisi. Hindi ko siya sinagot  at binigyan ko na lamang siya ng isang pilit na ngiti. Pumasok kami ng tuluyan sa aming bahay at nag kulong ako sa aking silid.. Narinig kong may kumatok sa aking pintuan kaya napaayos ako ng higa sa aking kama. Bumukas ang pintuan at iniluwa non ay ang aking Ina, napaupo ako. Lumakad siya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko, hinawakan niya ang kamay ko at nagpakawala ng buntong-hininga. "Anak, alam mo naman na ginagawa namin ito ay para sa ikabubuti mo." Malambing niyang tugon.  "Para nga ba sa akin o para sa inyo?" Walang ka emosyon-emosyon kong giit sa kaniya.  "Anak..." Malambing na tawag niya sa akin. "Ina, maari niyo ba muna akong iwan upang mapag isa?" nakayuko kong giit sa kanya, tumango siya sa akin at tumayo sa aking kama at tuluyan ng lumabas. Nang tuluyan na siyang makalabas ay doon ako nakahinga ng maluwag, binagsak ko ang sarili ko sa kama at tumingin sa kawalan. Biglang pumasok sa isip ko ang Ginoong nakilala ko kanina, bigla akong naiinis kaya napa-padyak ako. Kasalanan niya ito eh! Kung hindi niya sana ako pinigilan ay panigurado na nakalayo na ako! Pumasok na namang muli sa isip ko ang mukha niyang may ngisi habang ako ay pinipigilan niyang makaalis. Kumulo ang kalamnan at dugo ko dahil doon. Kasalanan niya talaga ito! Hindi ko alam ang gagawin ko sa kaniya kapag nakita ko pa siyang muli pero sigurado akong nanganganib ang lagay niya dahil sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD