
Si Reina Malaya Altamirano ay napapabilang sa isang malaki at kilalang pamilya sa lungsod ng Laguna. Siya ay isang anak ng isang gobernadorcillo at kilalang mangagamot na hinahangaan at nirerespeto ng mga tao ngunit kasalungat ang kanyang nararamdaman sa kanyang pamilya. Siya ay binansagan ng kanyang Ama bilang isang rebelde sa kadahilanan na taliwas ang kanilang paniniwala.
Buong buhay ni Reina ay pilit niya na pinaglalaban ang kanyang karapatan at kalayaan ngunit ano ang gagawin niya kapag ang pagkakataon niya na makalaya sa kamay ng kanyang pamilya ay naudlot dahil lamang sa isang lalaki? Ano ang kanyang gagawin? Ipagpapatuloy pa rin ba niyang ipaglaban ang kagustuhan niya o magpapatalo nalang siya sa ngalan ng pag-ibig?

