Ako ay naalimpungatan sa aking mahimbing na pagtulog dahil lamang sa sunod sunod na katok sa pintuan ng aking silid.
‘Pagkatapos ng ilang katok ay lumitaw ang isang mahinhin na boses. “Binibini, ako po ito, si Maria.”
Walang enerhiya akong tumayo sa pagkakahiga ko sa aking kama upang buksan at salubungin ang katulong. Hinawakan ko ang pihitan ng pintuan ng aking silid at bahagyang inikot iyon upang bumukas.
Bumungad sa aking ang inosenteng mukha ng kasambahay namin na labing anim na taon pa lamang. Bahagya siyang yumuko sa aking harapan.
“Patawad, ako’y nakatulog kung kaya’t hindi ko agad nadinig ang iyong mga katok. Ano ang iyong kailangan?” bakas pa rin sa tono ng pananalita ko ang antok.
“Huwag kayong mabahala, Binibini. Ayos lang na ako ay pag hintayin mo ngunit ang iyong Ina ay ang naghihintay sayo. Kanina pa niya hinihintay ang paglabas mo sa iyong silid, Binibini. Inaasahan niya na ikaw ay handa na sapagka’t kayo ay lilisan na pagpatak ng alas sais ng gabi.” Nakayuko niyang sambit at marahan naman akong tumango sa kanya.
“Maari mo bang ipaalam sa aking Ina na ako’y kakagising lang? Ngunit huwag siyang mag aalala, ako’y maghahanda na at bababa rin ako… bigyan niyo lang ako ng ilang minuto.” Nakangiti at kalmado ko na sambit sa kanya.
“Makakarating sa kanya ang iyong sinabi, Binibini.” Bahagya siyang yumukong muli bago unti unting umatras at ng makaalis siya ng tuluyan, sinirado ko ang aking pintuan.
Bahagya akong napahilamos sa aking mukha at kasabay non ay ang pagpapakawala ko ng isang malalim na buntong hininga. Walang gana akong lumakad patungo sa kung nasaan ang tokador ko upang maghanap ng maaari kong maisuot.
Na isaalala ko naman ang damit na kanina ay nasilayan ko na hawak hawak ng aking Ina. Hindi ko iyon nasukat sapagka’t ako’y tumakas. Pagkabukas ko ng aking tukador ay bumungad sa akin ang damit na inilahad sa akin kanina ng aking ina.
Kinuha ko iyon at inilapat sa aking katawan habang tinitingnan ang aking sarili sa salamin. Hindi ko alam kung ito ba ay babagay sa akin o hindi, gusto ko lang na matapos na agad ito. Nang tuluyan ko nang ma e-suot iyon ay may kumatok na namang muli.
“Reina… anak, ako ito… ang iyong Ina? Maari mo bang buksan ang ang pintuan ng iyong silid upang masilayan ko ang maamo mong mukha?”
Naramdaman ko naman na uminit ang aking pisngi matapos kong marinig ang sinabi ng aking Ina. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin, ang aking Ina na mukhang tapos na mag-ayos. Nilakihan ko ang siwang ng aking pintuan upang makapasok ng maayos ang aking Ina na mayroong malapad na ngisi sa kanyang labi habang taas-baba niya akong tinitingnan.
"Napakaganda mo, aking anak." Mangha niyang giit sa akin sabay lapat ng mainit niyang palad sa aking pisngi.
“Ako ay nagagalak na marinig ang mga katagang iyon na galing sa iyong labi, Ina. Ngunit, mas kaaya aya kang tingnan kesa sa akin Ina. Ako ay sigurado na mapapaibig mong muli si Ama sa gandang tinataglay mo.” Nakangiti kong sambit sa kanya at nasilayan ko naman kung paano unti unting nagkulay rosas ang kanyang pisngi.
May kumawalang mahinhin na tawa sa mapulang labi ni Ina na mas lalong naging dahilan kung bakit napangiti ako lalo. Masaya akong makita siyang tumatawa at ngumingiti. Gagawin ko ang lahat para ma protektahan ang mga ngiti na iyon.
"Hindi mo pa, naayos ang iyong buhok..." Nagpakawala ng buntong hininga ang aking ina. "Umupo ka Anak," giit niya sabay muwestra sa akin patungo sa upuan sa harap ng isang napakalaking salamin.
Kumikinang ang aking malaporselanang balat dahil sa aking puting damit. Ang mahaba kong pilikmata at mayabong kong kilay ay bumabalandra sa salamin lalo na ang kulay rosas kong mga labi.
Sinusuklay ng aking Ina ang aking mahaba at maitim kong buhok, hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Isa na akong dalaga ngunit ang aking Ina pa rin ang sumusuklay ng aking buhok. Nang matapos ayusin ng aking Ina ang aking buhok, ang kanyang mukha ay nagpapahiwatig na namamangha siya sa kanyang nakikita.
“Napakaganda mo talaga, Anak. Naaalala ko sa iyo ang aking kapatid.” Nakangiti pa rin niyang sambit kung kaya’t ang hiya ay dumadaloy sa aking sistema.
Mayroong kapatid ang aking Ina ngunit kailan man ay hindi ko ito nasilayan o makilala man lang. Mayroong kapatid ang aking Ina ngunit kailan man ay hindi ko siya nakilala o nakita. Isinasalaysay lang ng aking Ina ang mga bagay na tungkol sa kanya. Mayroong limang kapatid ang aking Ina, isa na doon ang aking Tiyahin na inihalintulad niya sa akin na nagngangalang Miranda.
Pinagkasundo ang aking Ina sa aking Ama ngayon at ganoon din ang aking tiyahin Miranda. hindi siya pumayag ipinahihiwatig niya na mas gugustuhin niyang maging matandang-dalaga kesyo magpakasal sa lalaking hindi man lang niya kilala, nag aklas ang aking Tiyahin ngunit lingid sa kaalaman ng pamilya ng aking Ina mayroong iniibig na ang aking Tiyahin. Isang 'di hamak na magsasaka... Nalaman ang kanyang tinatagong sekreto ng nalaman na siya ay may dinadalang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Nagalit ang aking Lolo na siyang kanilang Ama at iminungkahi na ipalaglag ang sanggol na siyang ikinagalit ng aking Tiyahin. Nang pumutok ang araw hindi na nila nakita ang aking Tiyahin.
“'Kay tagal akong umaasang na makikita kong muli siya ngunit ako'y binibigo ng panahon. Ako ay kumu kulubot na at kailanman ay hindi ko man lang siya nasilayang muli. Ngunit nang ikaw ay dumating kahit papano ay lumisan ang aking pag-asam sa aking kapatid. Isa ka niyang sipi." Humalakhak ang aking Ina at nginitian ko naman siya ng pilit.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "Kailangan na po siguro nating lumisan ng tayo ay maagang makarating at makauwi." Giit ko at diinan ang panghuling salita.
Nagiba ang ekspresyon ng mukha ng aking Ina, "Anak... Makinig ka sa akin..." Malambing niyang tugon at marahan akong pinapaharap sa kaniya. "Magtiwala ka sa amin ng iyong Ama, parang awa mo na Anak."
"Sigurado ako na ang Ginoong papaksalanan mo ay bibigyan ka ng maganda at masayang buhay." Binigyan niya muli ako ng ngiti, ngiti na para bang nagsasabi na magiging maayos din ang lahat. "-- Ganito rin ang sitwasyon ko noon ngunit tingnan mo ang iyong Ama.Isa siyang mabuti at matulungin na mamamayan, binigyan niya ako ng magandang buhay at apat na malulusog, nagsisi kagandahan at nagsisi kagwapuhan na mga anak." Dagdag pa niya.
"Ina, masaya ako para sayo ngunit magkaiba tayong dalawa. Magkaiba ng henerasyon, paniniwala, gusto..." Malumanay ko na sabi. "Ayokong maging sunod-sunuran, may karapatan akong mag desisyon para sa aking sarili."
"Ayokong magpakasal, ayaw na ayaw ko. Ako ay nasa murang edad pa lamang, ayokong matali ng maaga." Dagdag ko at nawala ang ngiti sa labi ng aking Ina. "Huwag niyo naman po sana akong paikutin sa sarili niyong palad, hindi dahil sa ako ang bunso ay ganito na ang kalalabasan ng aking buhay…
"Hindi ko kilala ang binatang papakasalan ko, hindi rin niya ako kilala... Sana naman Ina... hindi... kasama na iyong mga magulang ng binatang papakasalan ko... Sana naman Isipin niyo muna ang mararamdaman naming mga anak niyo bago kayo gumawa ng desisyon para sa amin."
"Reina..." Nananaway na ang tono ng pananalita ng aking Ina.
Yumuko ako bilang paumanhin, "Ako'y humihingi ng paumanhin sa tabas ng aking dila."
Umayos ako ng tayo nang may biglaang pumasok sa aking kwarto. "Reina, Mahal..." Pagtawag ng aking Ama.
"Sobrang nakakaaya kayo sa aking mga mata." Manghang tugon ng aking Ama habang nakatingin sa amin.
Tumawa naman ang aking Ina, "Ikaw talaga, Alejandro. Sinusumpong ka na naman ba ng pagiging loko mo?"
"Mahal, hindi ako nagsisinungaling kasing ganda mo ang mga bituin sa langit." Hirit pang muli ng aking Ama na siyang mas lalong ikinapula ng pisngi ng aking Ina.
"Anak," baling sa akin ng aking Ama, yumuko naman ako ng bahagya. "Napakaganda mo..." nakangiting giit niya.
"Salamat Ama," nakangiti kong sambit.
"O'siya, tayo'y lumisan na..." Ani ng aking Ama at tumango naman kami ng aking Ina at sinundan siya paalis.
Mayroong naghihintay na karwahe sa amin sa labas, binuksan ng kutsero ang pintuan at unang pumasok ang aking Ina, kasunod ako at ang panghuli naman ay ang aking Ama. Naramdaman ko na gumalaw ang kalesa, pahiwatig na nagsisimula o naghahanda na ito sa pag alis.
Umayos ako ng aking upo at pinagmasdan ang Ama at Ina ko sa aking harapan, nagtama ang tingin namin ng aking Ama. Napalunok at napapikit, mariin akong nagdasal sa aking isip na sana ay bigyan ako ng Panginoon ng isang maliit na pagkakataon para makatakas mamaya.
"Reina," pag tawag niya sa akin.
"Ano iyon Ama?"
"Kung maaari sana ay umakto ka ng naaayon at maayos sa salo-salong gaganapin na dadaluhan natin. Iyon lang ang tanging hinihiling ko sa'yo anak."
Tiningnan naman ako ng aking Ina, mukhang hinihintay ang aking tugon sa sinabi ng aking Ama. Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at nag-salita. "Makakaasa ka, Ama."
Ngumiti ang aking Ama, "Salamat, Anak."
Kinagat ko ang aking labi para hindi mapansin ng aking mga magulang. Nag pa-plano pa naman akong gumawa ng paraan upang makatakas mamaya sa salu-salo.