Halos lahat nandito na sa lounge area nung dumating kami ni Jessy. Maliban lang kay Madam. Medyo nakakahiya dahil kami na lang ang kulang pero parang wala lang ‘yon kay Jessy. Pagkatapos pumila na kami sa helera ng mga maids at ‘yong katapat naman namin ay ‘yong isang driver, hardinero at ‘yong mag-asawang chef. Alam ko may iba pa kaming kasama ‘yong mga guard kaya lang wala sila rito marahil kailangan pa rin nilang magbantay. “Akala ko late na tayo.” mahinang sabi ni Jessy. “Akala ko rin.” mahina ko ring sagot. Hindi nga kami late pero nakakahiya pa ring mahuli ng dating tapos lahat pa sila nakatingin sa’yo. “Mala-late sana kayo kung hindi ko kayo tinawag. Chismis kasi inaatupag niyong dalawa.” biglang sabat ni Shiela. Sana hindi mo na nga kami tinawag kanina kung manunumbat ka lan

