Hindi ko alam kung naaalala niya ba ako pero parang hindi ko na din pa ‘yong gustong malaman pa. Mas maganda nga iyong hindi na niya ako maalala pa. Sakit lang sa ulo ang dala no’n kung ipipilit ko pa. At isa pa, wala na namang dahilan pa para i-open up ang tungkol sa nangyari. Mas mabuti kung magpanggap na lang akong parang walang nangyari tutal parang wala lang din naman sa itsura niya. Ang sa aking lang bakit kailangan niya pang magsinungaling tungkol sa pagkatao niya. Bakit kailangan nagpakilala pa siya bilang isang Butler? Anong nasa isip niya nung mga oras na ‘yon at ganoon lang ang sinabi niya? Pagkatapos nilang magpakilala pinabalik na ulit kami sa mga gawain namin. Saglit lang din naman ‘yong pagpapakilala nila mas matagal pa nga ‘yong pag-aantay namin kanina. At wala na akon

