Chapter 5

2154 Words
Mona Si Henry muna ang isinama ni Manang Iska sa labas ng mansyon. Ang buong hardin ang hahawakan ng kaibigan ko. Kailangan nyang mapanatiling maganda at makulay ang hardin ni Papa Trebor. Ang alam ko ay talagang mahilig  sa mga halaman at bulaklak si Henry kaya sa kanya nakatoka ang mga ito. Bahagyang natagalan sila sa labas. Marami sigurong gagawin si Henry at iniisa-isa sa kanya ni Manang ang lahat ng kanyang gagawin. Naiwan akong nakaupo sa may kusina. Si ate Grace ay lumabas din at hindi ko alam kung saan pumunta. Tanging kami lang ni Lilibeth ang naririto. Naiilang ako kung paano nya ako titigan. Tapos na akong kumain. Panay na lang ang inom ko ng orange juice dahil hindi ako mapakali. Alam kong nakatingin sya sa akin. Parang hinuhusgahan nya ang buong pagkatao ko. "Tapos ka na?" Mataray na tanong nya Doon ko lamang sya tinignan. Pagkatingin ko sa kanya ay talagang nakakatakot ang buong awra nya. Napalunok ako. "O-oo t-tapos na." Nanginginig na wika ko Nakita kong tumayo sya sa kinauupuan nya at napameywang sya sa harapan ko. "Hugasan mo na ang lahat ng pinagkainan natin. Sa mansyong ito dapat may kusa kang gawin ang mga bagay!" Wika nya Kaagad akong tumayo at isa-isa kong kinuha ang mga plato at baso. Inilagay ko ang mga iyon sa lababo ng kusina. Hindi mawala ang panginginig ng kamay ko. Natatakot talaga ako sa kanya. Mas lalo pa akong kinabahan nang tumayo sya sa may giliran ko at doon nya ako pinagmasdan habang naghuhugas ako ng plato. Mas lalo akong kinabahan sa pwesto nyang iyon. "Hindi porket maganda ka ay mag-iinarte ka na sa mansyong ito. Saka, huwag mong pansinin ang mga sinasabi ni Grace na gandang ganda sya sayo. Nung una rin nya akong nakita ay ganun din ang sinabi nya sa akin." Wika ni Lilibeth Inilabas nya ang kanyang salamin at saka tumitig sya doon. Hindi ko alam kung ano ang nais nyang ipahiwatig.  Hindi naman ako marunong mag-inarte. "Po? Hindi naman po ako mag-iinarte." Sagot ko Lalong umarko ang mga kilay nya sa akin. "Good! Tapusin mo na ang paghuhugas mo. Bilisan mo lagi ang kilos mo! Ang pinaka ayaw ni Manang Iska ay yung mabagal kumilos!" Wika pa ni Lilibeth Dahil sa narinig ko ay kaagad kong binilisan ang paghuhugas ko. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay dumulas ang baso sa mga kamay ko at bumagsak ito sa sahig. Napapikit ako! Isang libong kalabog yata ang naramdaman ng puso ko. Umalingawngaw ang ingay na nanggaling sa nabasag na baso. "Ay boba!!!" Sigaw ni Lilibeth Halos maluha ako nang makita ang basag na mga piraso ng baso sa sahig. Nang tignan ko si Lilibeth ay mas lalong nakita ko ang mala-dragon nyang itsura. Galit na galit sya sa akin. "H-Hindi ko sinasadya. S-Sorry" nanginginig na wika ko Lumuhod ako sa sahig at isa-isa kong pinulot ang mga bubog. Takot na takot pa rin ang puso ko. Pero nakaramdaman ako ang hapdi sa mga daliri ko. At maya-maya pa ay may umagos na dugo sa pagitan ng aking daliri. "Aray!" Sigaw ko Nabitawan ko ang mga bubog. At pinagmasdan ko lang ang dugo na dumadaloy mula sa daliri ko. "Oh! Anong nangyari? Tumayo ka dyan Mona at baka lalo ka pang masugatan." Sigaw ni Ate Grace Parang nakaramdam ako ng kaligtasan sa presensya ni Ate Grace. Pero hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Nag-aalala sya sa akin. Buti pa sya ay inaalala ako. Ngunit si Lilibeth? Tila may inis at galit pa sya sa akin sa kabila ng mga sugat ko sa kamay. "Lilibeth, hindi mo man lang tinulungan ang bata? Kawawa naman oh, nagkalat na ang dugo." Tarantang wika ni Ate Grace "Kasalanan nya yan. Alam nyang nakakasugat ang bubog pero pinulot pa rin nya. May walis at pandakot naman dito, bakit hindi nya gamitin. Ibig sabihin lang nito ay hindi nya ginagamit ang utak nya!" Mataray na wika pa rin ni Lilibeth "Lilibeth, sumusobra ka na ha. Grabe ka talaga sa bata." pagtatanggol ni ate Grace sa akin Gusto ko na talagang umiyak dahil sa aksidenteng ito. Unang araw ko pa lang sa mansyon ay puro kapalpakan na agad ang nangyari sa akin. "Diyos ko pong bata ka! Anong nangyari?" Sigaw ni Manang Iska "Bestfriend???" Nag-aalalang sigaw din ni Henry Napabuntong hininga si Lilibeth. Nakaekis pa rin ang kanyang braso at hindi pa rin maalis ang pagkairita sa kanyang mukha. "Pinaghugas ko lang sya ng pinagkainan natin, nagbasag pa ng baso. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak nya at bakit nya pinulot ang mga bubog. Sa edad nyang yan ay alam naman siguro nya na nakakasugat ang mga bubog!" Mataray na wika pa rin ni Lilibeth Wala na akong mukhang maiharap sa kanila. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakatanga sa buong mundo dahil sa mga sinasabi ni Lilibeth. Naramdaman kong marahang hinawakan ni Manang Iska ang mga kamay ko. Binalot nya ito ng puting bimpo. Marahan nya rin akong pinatayo mula sa pagkakaluhod ko sa sahig. Si Lilibeth ay nanatiling may inis sa lahat ng nangyari ngayong umaga. Si ate Grace naman ang nagpatuloy sa paglilinis ng mga nabasag na baso sa sahig. "Doon tayo sa kwarto. Nandoon ang first aid kit." Wika ni Manang Iska Kaagad naman akong sumama sa kanya. Nakasunod lang sa amin si Henry na halata ko ang pag-aalala sa akin. "Kalma lang friend, daliri lang ang nasugatan." Wika ko sa kanya "Paano ka makakapagtrabaho nyan kung first day pa lang ay injured ka na?" Sambit nya Napakagat labi ako. Tama si Henry. Kung paghuhugas ng plato ang trabaho ko ay baka hindi ko magawa. Kailangang patuyuin muna ang mga sugat ko sa daliri bago ko ito basaing muli. Ayokong isipin ni Manang na pabigat ako sa mansyong ito. Unang araw pa lang ay talagang sablay na! Naupo kami ni Manang sa may kama. Kinuha nya ang first aid kit sa may cabinet. Marahan nyang ginamot ang mga sugat sa kamay ko. Mabait sa akin si Manang. Panatag ako kapag nariyan sya sa tabi ko. Kay Lilibeth lang talaga ako naiilang. Kaya nadulas sa kamay ko ang baso na hinuhugasan ko ay dahil nanginginig ako sa takot sa kanya. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo nya sa akin. "Hayaan mo, si Grace naman talaga ang nakatokang maghugas, magluto at maglinis ng kusina. Ilalagay na lang kita sa paglilinis ng kwarto ni Sir Trebor araw-araw." Wika ni Manang Kuminang ang mga mata ko. Totoo ba ang narinig ko? Ako ang maglilinis ng kwarto ni Trebor araw-araw? Araw-araw ay mapapasok ko ang kwarto nya? Ang lugar kung saan sya natutulog? Napapikit ako sa kilig. Napalitan ng masarap na pakiramdam ang kirot at hapdi ng puso ko. "Gusto kasi ni Sir na laging malinis ang kwarto nya. Kaya dapat ay laging nililinisan ito. Kung araw-araw naman ang paglilinis dito ay hindi naman ganun kahirap ang trabaho." Wika pa ni Manang "Ang swerte talaga ng friend ko." Narinig kong sambit ni Henry Hindi na nga ako makapagsalita dahil sa mga sinabi ni Manang. Kung ako ang nakatoka sa kwarto nya ay hindi na ako mahihirapang makakuha ng mga gamit ni Papa Trebor para gamitin sa ritwal ng gayuma na gagawin ko. Ang nabasa ko pa naman sa libro ng gayuma ay kailangan ko ng gamit na madalas gamitin ng taong gagayumahin ko para mapagtagumpayan ang pag-papaibig sa kanya. Nagpapapadyak ang mga paa ko dahil sa sobrang kilig at tuwa na nararamdaman ko. Madali talaga akong makakakuha ng mga bagay na iyon kung lagi kong mapapasok ang kwarto nya. "Bakit Mona? Bakit parang ang saya saya mo?" Biglang tanong ni Manang Napalunok ako sa mga tanong ni Manang. Masyado pala akong nasabik at hindi ko napansin na ginagamot ni Manang Iska ang sugat ko. "W-Wala po Manang." Wika ko Habang nilalagyan ni Manang Iska ng bandage ang sugat ko ay hindi na ako makapaghintay na mapasok ang kwarto ng mahal ko. Talagang lilinisin ko ang bawat sulok ng kwartong iyon. Hindi ko hahayaan na maalikabukan ang mga gamit nya. Hindi ko rin hahayaan na magkaroon ng insekto sa loob ng kwarto nya. Ayokong makagat sya ng mga iyon, naku! Patay talaga sa akin ang mga lamok at langgam na magtatangkang kagatin ang Papa Trebor ko. "Ayos na ba Mona? Masakit pa ba?" Wika ni Manang Umiling ako sa kanya. "Ayos na po ako Manang. Hindi naman po masakit. Halika na po sa kwarto ni Sir Trebor. Turuan nyo na po ako ng mga gagawin ko doon." Masaya at nasasabik kong wika kay Manang Nakangiti lang sa akin si Manang Iska. "Ipapaubaya ko na kay Lilibeth ang pagtuturo ng mga gagawin mo sa kwarto ni Sir. Sya ang makakasama mo araw-araw para linisin iyon. Mamamalengke pa kami ni Grace mamaya." Wika ni Manang Gumuho ang mundo ko sa mga sinabi ni Manang. Si Lilibeth? Makakasama ko sya araw-araw para linisin ang kwarto ni Papa Trebor? Gusto ko na lang umiyak! Masaya na sana, na araw-araw kong mapapasok ang kwarto ng mahal ko, pero bakit kailangan pa ng asungot? Sana ay si Ate Grace na lang ang kasama ko, o kaya si Manang Iska! Bakit si Lilibeth pa talaga? Kainis naman talagang buhay ito oh! "Hindi pa ba kayo tapos? Kanina pa ako naghihintay." Napaangat ang balikat ko. Heto na naman ang presensya ni Lilibeth. Lagi nyang pinapangatog ang buong katawan  ko. Paglingon namin sa may pintuan ay may dala-dala na syang mga panlinis. Syempre, hindi pa rin nawawala ang pagka-irita sa buong mukha nya. "O sige na Mona. Samahan mo na ang ate Lilibeth mo." Wika ni Manang Nakita kong mas lalong umusok sa galit ang babaeng naiirita sa akin. "Excuse me? Wag na wag mo akong tatawaging Ate! Binabalaan kita Mona!" Galit na wika nya Napailing lang si Manang Iska sa mga inaasal ni Lilibeth. Hindi ko naman sya talaga tatawaging ate, at ayokong maging ate sya. Kalbaryo lang ang dulot nito sa buhay ko. "Sige na, magtungo na kayo roon. Lalabas na rin sa kwarto nya si Sir Trebor para mag-almusal." Dagdag pa ni Manang Kaagad na akong tumayo at nagtungo sa kinaroroonan ni Lilibeth. Tinuro ni Lilibeth ang walis tambo at mop sa gilid nya. Ang ibig sabihin ay kailangan kong bitbitin ang mga iyon. Bagsak balikat kong kinuha ang mga iyon at sumunod ako sa kanya paakyat. Nasa 2nd floor kasi ang kwarto ni Trebor. Nawala tuloy ang kasabikang nararamdaman ko kanina. Hindi ako masaya. Si Lilibeth ba naman ang makakasama ko araw-araw ay parang isang malaking kalbaryo iyon sa buhay ko. Huminto kami sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Trebor. Nilibot ng mga mata ko ang buong 2nd floor. Sobrang elegante ng mga muwebles na naririto. Mahal siguro ang pagkakabili ni Trebor sa mga iyon. Ngunit hindi ko alam kung bakit kami huminto dito sa labas. Bakit kaya hindi pa kami pumasok sa loob? Ang tagal naman? Naiinip na ako. Siguro mga limang minuto na kaming nakatayo dito sa labas ng kwarto nya. Ilang saglit lang ay narinig kong tumunog ang doorknob. Parang pinihit ito pakaliwa. May lalabas ng kwarto ni Trebor? Parang biglang namuo ang pawis sa noo ko. Mukhang masisilayan kong muli si Trebor. Nang bumukas ang pinto ay iniluwal nito ang napakagwapo at napakakisig kong si Trebor Castelvi. Mistula na naman akong lumilipad sa alapaap nang masilayan kong muli ang kakisigan nya. Yung puso ko, parang sumasayaw sa loob ng dibdib ko. Napakagat labi ako nang magtamang muli ang mga mata namin. Mahigpit akong hinawakan ang mop handle na dala ko. Yung mga tingin nya parang gusto akong patayin sa kaligayahan. Biglang bumaba ang mga tingin nya sa kamay ko. "Anong nangyari sa yo?" Tanong nya Nakatitig sya sa kamay kong may bandage. Kumurap ako ng dalawang beses. Sasagot na sana ako nang biglang... "Dahil sa katangahan Sir kaya sya nasugatan. Pulutin daw ba nya ang mga basag na bubog sa sahig?" Wika ni Lilibeth na nakangisi pa sa akin. Bahagyang bumilog ang bibig ko sa mga sinabi nya. Talagang ipinapahiya nya ako sa harapan ni papa Trebor? Tinawag pa nya akong tanga? Ngunit ikinagulat ko nang hatakin ni Trebor ang mga kamay ko. Oh my God! Hawak ni Trebor ang kamay ko. Yung pintig ng puso ko halos hindi ko na maramdaman sa sobrang bilis. Tinignan nya ang nakabandage kong kamay. "Next time, you must be extra careful." Mahina nyang wika sa akin Marahan nyang ibinaba ang kamay ko at tinalikuran na nya kami. Naiwan akong nakatulala sa ginawa ni Papa Trebor. OMG! Hinawakan nya ako! Sinabihan pa nya ako na mag-ingat ako sa susunod. Concern ba sya sa akin? Wala pa nga akong ginagawang gayuma ay mukhang napapalapit na sya sa akin! Hindi mapigilan ng puso ko ang kaligayahan. Nag-uumapaw ito na parang pasasabugin ang puso ko. "Hoy! Sasamahan mo ba akong maglinis oh maiiwan ka jan sa labas?" Sigaw ni Lilibeth Napangiwi ako! Ang babaeng ito! Isa syang malaking bwiset sa buhay ko. Kairita sya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD