Ronna Mae's POV "Oh, Ronna! Bakit ngayon ka lang? At saka bakit ba ganyan ang ayos mo?!" Di makapaniwalang tanong ni Nanay habang pinagmamasdan ako. "Nay, kailangan na nating umalis dito sa Isla!" Tarantang sabi ko. Noon lumabas si Tatay sa kwarto. Kunot na kunot iyong noo nito habang nakatingin sa akin. "Anong aalis?" Tanong nito. "Kausapin mo iyang anak mo. Titingnan ko lang si Don Don at baka magising." Sabi ni Nanay at iniwan kami ni Tatay. "Tay, aalis na tayo dito! Nandito siya! Hindi niya pwepwedeng makita si Don Don!" Sagot ko dito. "Walang aalis, Ronna!" Matigas na sabi ni Tatay. Napamaang ako dito. Bumalik na siya sa dati niyang lakas. Para lang siyang nagdahilan sa mga sakit niya noon. May ipinainom lang sa kanya si Rizza Mae ng makita nito na may malaking marka si Tatay

