"Berto naman, respetuhin mo kung ano ang desisyon ng pamangkin ko," saway ni Aling Mercy sa asawa nito sabay napaismid. "Nagsasabi lang ako ng totoo, Mercy." Matigas pang tugon ng asawa nito. "Ewan ko nga sa'yo, Berto. Ahhmm, Sige, kung saan ka komportable, Kany," wika ng kanyang tiyahin na muling bumaling sa kanya. Lumipas ang ilang minuto. Sinubukan ni Kany na ibalik ang sarili sa kasiyahan. Nakipagkwentuhan siya, ngumiti, at pilit na naging normal. Pero sa likod ng lahat, ramdam pa rin niya ang presensya, ang titig ng matandang lalaki… at ang tila paghihintay nito. At bago pa sila tuluyang bumalik sa paliguan, nagulat na lang sila nang biglang lumapit ang matandang lalaki sa cottage nila kasama ang alalay nito. "Good afternoon." Biglang natahimik silang lahat. Dahan-dahang napa

