Ngunit si Kany… hindi pa rin mapakali. Paglingon niya sa kabilang cottage, naroon pa rin ang matanda. Nakaupo ito sa parehong pwesto, tila hindi man lang gumalaw sa loob ng mahabang oras. May hawak na baso ng wine, marahan itong iniikot sa kamay, ngunit kahit abala sa pag-inom… paminsan-minsan ay napapaling pa rin ang ulo nito sa direksyon ni Kany. Parang sinisigurado nitong naroon pa rin siya. Napalunok si Kany. Hindi na iyon basta aksidente. Hindi na iyon simpleng sulyap. "Hoy, ate Kany! Halika na, kakain na!" tawag ng isa niyang pinsan na si Aimeh, pilit siyang hinihila pabalik sa kasalukuyan. "Ah… oo," sagot niya, pilit na ngumiti. Lumapit siya sa kanilang cottage kung saan nakaayos na ang mga pagkain. Abala si Aling Mercy sa paglalatag—may dinagdag na biniling inihaw na isda,

