"Oh come on!!! What happened to you?!", inis na wika ni Voltaire sabay hampas ng manibela ng sasakyan. Nagmamadali sana siya dahil may date siya ng gabing iyon pero sa kasamaang palad ay ayaw umandar ng kotse niya sa di malamang dahilan. Excited pa naman sana siyang makipagkita sa nililigawan niya dahil pakiramdam niya ay sasagutin na siya nito, at iyon ang hindi niya dapat palampasin. Nakailang ulit pa siya sa pagpapaandar nito ngunit kagaya ng naunang subok niya ay ayaw talagang umandar ng sasakyan niya. Sakto namang nakita niya si Larken na pauwi na kaya kaagad siyang nakaisip ng ideya. Alam niyang may pagkamasungit ito at hindi sila okay, ngunit kailangan niyang subukan para lamang sa ka date. "Larken!",nakangiti niyang tawag dito ng mapadaan ito sa harapan niya. "Huh?!",gulat na s

