Alumpihit sina Voltaire at Dindo habang nakaupo sa harapan ni Larken. Tanghali na noon at kinailangan nilang makipagkita sa dalaga kaya kinatagpo nila ito sa isang coffee shop na malapit lang sa MMC. "What's wrong with you guys? Kayo ang nag aya na magkape tayo, tapos para kayong bibitayin diyan. Bakit?", tila nanunuksong wika ng dalaga sabay simsim ng kape. "May pinabibigay kasi si Mommy, hindi niya maasikaso ngayon kaya kami na ang nagbigay. Natatakot kasi si Mang Dindo na kausapin ka ng mag isa kaya sinamahan ko na siya." "Pinabibigay? Ano 'yon?",takang tanong niya sabay sulyap kay Dindo. "Heto oh." simpleng sagot ni Voltaire sabay abot ng puting sobre. Kaagad naman niyang binuksan ang sobre at bahagya pang napataas ang kilay niya ng mabasa ang nilalaman niyon. "Really? Kakasuhan

